Unibersidad ng Malaya
Ang Unibersidad ng Malaya (UM; Malay: Universiti Malaya; Ingles: University of Malaya) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ito ang pinakamatanda at pinakatanyag na unibersidad sa Malaysia.
Ang unibersidad ay itinatag noong 1949 bilang isang pampublikong tersiyaryong institusyon. Ngayon, ito ay may higit sa 2,500 mga miyembro ng kaguruan. Sa 2012, UM ay nabigyan ng awtonomiya ng Ministri ng mas Mataas na Edukasyon.[1] sa Kasalukuyan, ang Unibersidad ay nahahati sa 12 fakultad, 2 akademya at 3 sentro.
Noong 2015, binigyan ng QS World University Rankings ang UM ng ranggong ika-146 sa mundo.[2] Sa parehong taon, ang unibersidad ay may ranggong ika-29[3] sa QS Asian University Rankings, ikatlo sa Timog-silangang Asya at siyang may pinakamataas na ranggo sa mga institusyon sa Malaysia.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ AMINUDDIN, MOHSIN. "UM set for autonomy". The Star. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Enero 2012. Nakuha noong 10 Pebrero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Universiti Malaya (UM)". QS Top Universities. Nakuha noong 11 Enero 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Universiti Malaya (UM) Rankings". Nakuha noong Agosto 2, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
3°07′15″N 101°39′23″E / 3.1208333333333°N 101.65638888889°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.