Unibersidad ng Nottingham
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Unibersidad ng Nottingham (Ingles: University of Nottingham) ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Nottingham, United Kingdom. Ito ay itinatag bilang University College of Nottingham noong 1881, at nabigyan ng Royal Charter noong 1948.
Ang pangunahing kampus ng Nottingham (University Park) at teaching hospital (Queen's Medical Center) ay nasa panlabas na bahagi ng Lungsod ng Nottingham, na may ilang maliliit na kampus sa Nottinghamshire at Derbyshire. Sa labas ng United Kingdom, ang unibersidad ay may mga kampus sa Semenyih, Malaysia at Ningbo, Tsina. Ang Nottingham ay isinaayos sa limang mga bahaging fakultad, sa loob ng mga ito ay mayroong 50 paaralan, kagawaran, instituto, at bahay-saliksikan.
Ang unibersidad ay isang miyembro ng Association of Commonwealth Universities, Virgo Consortium, European University Association, Russell Group, mga Universities UK, Universitas 21, at nakikilahok sa Sutton Trust Summer School program, bilang isang miyembro ng Sutton 30.
52°56′20″N 1°11′49″W / 52.9389°N 1.1969°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.