Unibersidad ng Oslo

Ang Unibersidad ng Oslo (Noruwego: Universitetet i Oslo; Ingles: University of Oslo), hanggang 1939 ay may pangalang Royal Frederick University (Noruwego:Det Kongelige Frederiks Universitet), ay ang pinakamatandang unibersidad sa Noruwega (Norway), na matatagpuan sa kabisera ng Oslo. Hanggang Enero 2016, ito ang pinakamalaking institusyong Noruwego ng mas mataas na edukasyon ayon sa laki, ngunit ngayon ay nadaig na ng  Norwegian University of Science and Technology.[1] Ayon sa Academic Ranking of World Universities, ang unibersidad ay may ranggong ika-58 pinakamahusay sa mundo at ang ikatlong pinakamahusay na mga bansang Nordiko.[2] Noong 2015, binigyan ng Times Higher Education World University Rankings ng ranggong ika-135 ang Oslo sa pinakamahusay na unibersidad sa mundo at ang ikapitong pinakamahusay sa Nordiko.[3] Noon namang 2016, nilista ng Times Higher Education ang unibersidad sa 200 Pinakamahusay na Unibersidad sa ranggong ika-63 sa buong daigdig, at ito ang may pinakamataas na ranggo sa lahat ng pamantasan sa bansa.[4]

Ang Fakultad ng Batas. Ang Nobel Peace Prize ay iginawad sa gusaling ito hanggang 1989.
Ang pangunahing kampus ng unibersidad, kung saan ngayon matatagpuan ang Fakutad ng Batas lamang.

Ang Nobel Peace Prize ay iginawad sa Atrium ng unibersidad, mula 1947 hanggang 1989, kaya ang Oslo ang natatanging unibersidad sa mundo na naging kabahagi sa paggawad ng iNobel Prize.[5] Mula 2003, ang Abel Prize ay iginawad sa Atrium. Limang mananaliksik na may kaugnayan sa unibersidad ay naging Nobel laureates.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Nå er det offisielt: NTNU blir størst i Norge". 19 Hunyo 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-12-17. Nakuha noong 1 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bothwell, Ellie (15 Agosto 2015). "Academic Ranking of World Universities 2015 results". timeshighereducation.co.uk. Nakuha noong 15 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "World University Rankings 2015". Nakuha noong 22 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Two Norway universities among Europe’s top 100 The Local Europe AB.
  5. "Prisutdelingen". Royal Swedish Academy of Sciences. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-11-04. Nakuha noong 4 Nobyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Nobel Prize Laureates University of Oslo.

59°56′24″N 10°43′20″E / 59.9399°N 10.7221°E / 59.9399; 10.7221   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.