Unibersidad ng Republika ng San Marino
Ang Unibersidad ng Republika ng San Marino (sa italyano: Università degli Studi di San Marino) ay isang unibersidad na nakabase sa lungsod ng Montegiardino sa Republic of San Marino. Ito ay itinatag noong 1985.
University of the Republic of San Marino | |
---|---|
Università degli Studi di San Marino | |
Itinatag noong | 1985 |
Uri | National University |
Rektor | Professor Corrado Petrocelli |
Lokasyon | , |
Websayt | Official Website |
Organisasyon
baguhinBilang pagsunod sa akademikong reorganisasyon na naganap noong 2014 matapos maaprubahan sa parehong taon ang bagong batas ukol sa balangkas ng akademikong pag-aaral sa San Marino, ang unibersidad ay nahati sa 3 kagawaran:
- Kagawaran ng Ekonomiks, Agham at Batas
- Kagawaran ng Agham Pantao
- Kagawaran ng Kasaysayan at Kulturang Sanmarinese
Dati, mayroong 6 na mga kagawaran:
- Kagawaran ng Pag-aaral Biyomedikal
- Kagawaran ng Komunikasyon
- Kagawaran ng Edukasyon at Pagsasanay
- Kagawaran ng Ekonomiks at Teknolohiya
- Kagawaran ng mga Makasaysayang Pag-aaral (binubuo ng Scuola Superiore di Studi Storici at ang Centro Studi di Storici)
- Kagawaran ng Pag-aaral ng Batas
Ang aklatan ng unibersidad ay may higit sa 30,000 libro.
43°56′11″N 12°26′46″E / 43.9364°N 12.446°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.