University of Science and Technology of China
Ang University of Science and Technology of China (USTC) ay isang pambansang unibersidad sa pananaliksik sa Hefei, Anhui, Tsina, sa ilalim ng direktang pamumuno ng Chinese Academy of Sciences (CAS). Ito ay isang miyembro ng C9 League na binubuo ng siyam na mga nangungunang unibersidad sa Tsina. Itinatag sa Beijing sa pamamagitan ng CAS noong Setyembre 1958, ito ay inilipat sa Hefei sa simula ng 1970 sa panahon ng Himagsikang Pangkalinangan.[1]
Ang USTC ay itinatag na may misyong tugunan ang kagyat na pangangailangan upang mapabuti ang ekonomiya, imprastraktura, agham at teknolohiya, at edukasyon ng Tsina. Ang lakas nito ay sa pananaliksik sa agham at teknolohiya, at kamakailan-lamang ay nagpalawak din sa humanidades at manejment. Ang USTC ay may 12 paaralan, 30 kagawaran, paaralang gradwado (Hefei, Shanghai, Suzhou), isang paaralang pang-software, isang paaralan sa network education, at isang paaralan para sa patuloy na pag-aaral.
Mga sanggunian
baguhin31°49′19″N 117°16′50″E / 31.82197°N 117.28058°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.