Usapan:Mga Ibong Mandaragit

Alam Ba Ninyo Ang isang lahok mula sa lathalaing Mga Ibong Mandaragit ay nailathala sa Unang Pahina ng Wikipedia sa hanay ng Alam ba ninyo? noong Marso 7, 2008.
Wikipedia
Wikipedia

Buod ng MGA IBONG MANDARAGIT ni Amado V. Hernandez

Ang tatlong magkakasamang gerilyerong sina Mando, Karyo at Martin aytumakas mula sa paglusob ng mga Hapon sa kuwartel ng Sampitan sa Tayabas,Quezon. Nakituloy sila sa kwebang tinutuluyan ni Tata Matyas sa Sierra Madreupang makapagpahinga bago tumuloy sa kanilang lakad patungo sa Infanta, nasiyang pinakakuta ng mga katulad nila sa Luson.Pinaunlakan sila ng matandang rebolusyonaryo at pinakain sa abot ngmakakaya nito. Sa pagtulog nina Karyo at Martin, napag-usapan nila Mando atTata Matyas ang mga pangyayaring nagaganap sa panahon ng mga Kastila kungkalian naisulat ni Jose Rizal ang Noli me Tangere at El Filibusterismo na pinaniniwalaan ng matanda na makatotohanan pagkat nalaman niyang si PadreFlorentino ay may kapangalan na kamag-anak ni Tata Matyas at ang huling detalyesa pari ay tumutugma sa pagkakalarawan ni Rizal kung saan itinapon ni PadreFlorentino ang baul ng kayamanan at mga alahas ni Simoun. Nakahanap ng lugar na tugma sa mga hinala ni Tata Matyas nakinalubugan ng kayamanan sa Karagatang Pasipiko, ngunit naibuwis ni Karyo ang buhay nito ng umatake ang isang pating. Naiahon nila Mando at Karyo angkayamanan ngunit sa pagkakaidlip ni Mando ay tinangay ito ni Martin pero hindiito nakalayo hanggang sa naibuwis ni Martin ang buhay nito sa pagsamsam ng limpak-limpak na kayamanang yaon, habang si Mando ay nagkapilat sa mukha dahil sa taga ng itak ni Martin.

Dinala ni Mando kay Tata Matyas ang kayamanan upang sumangguni sadapat na paglaanan nito at hininging sumama ito sa Maynila. Pinuntahan rin niMando si Magat sa Kalayaan upang hingin na maging patnugot ng binabalak nitong gawing pahayagan ng katotohanan, ang Kampilan. Sinama naman ni Magatsi Andres pagkat natatalos nitong mabuti ang hangarin nito sa bayan atmakakatulong sa pagpapahayag sa Kampilan.Sa tulong ni Magat ay hinanap ni Mando ang kanyang Tiyuhing si Pastor atang pinsang si Puri na noo'y mga enkargador niDon Segundo sa hacienda. Nagkaroon ng pagtitinginan sa isa't isa sina Puri at Mando nang sila'y magkitangunit ikinubli muna ni Mando ang katotohanan sa pagkatao nito sa mag-amamaging kay Magat. Napag-usapan nina Mando at Tata Matyas na kailangang maipagpalit angilan sa mga alahas upang ang mga ito'y mapakinabangan at ang isang paglalakbayni Mando sa iba't ibang panig ng mundo upang matuto sa mga nararapat na platapormang sundin ng gobyerno at upang makapagbenta ng mga alahas sa pinakamagandang presyo para magamit saKampilan. Sa kanyang pamamalagi sa Europa, nakita niya kung paano mamahala atmabuhay ng marangya ang halo-halong lipi ng mga tao sa mga siyudad nito at ditoniya natutunan ang silbi ng relihiyon sa pagbuo ng matatag na bansa.

Naging ahente dito ni Mando si Helen sa bentahan ng alahas, habang dito rin niyanatagpuan si Dolly at naging kasintahan. Nang una sa pagpunta niya sa Amerika, naging nakamamangha ang mganakita niyang progreso ng pinakamalakas at pinakaasensadong bansa sa mundongunit nang kalaunan ay nakita rin niya ang masamang panig nito kahit na nasademokratikong pamamahala ang gobyerno: ito ay ang diskriminasyon sa lahing de-kolor, kaiba sa mga puti nilang kulay, pagkat ang mga de-kolor ay limitado langang mga nagagamit at nararanasan maging gaano man kalaki ang naitulong nila sasariling bansa. Nang makabalik si Mando sa Pilipinas ay dala na niya ang sapat na salapi para maituloy ang tripleng kanyang ninanais na magawang sangay ng

Kampilan;ang radyo, ang telebisyon at ang bagong imprenta ng pahayagan. Lalong umigtingang mga unyon hindi lamang ng mga magsasaka sa Hacienda Montero kundi patimga obrero sa mga lungsod. Ipinakiusap ni Don Segundo sa anak na si Dolly nanawa'y makausap nito ng personal ang napupusuhan ng kanyang dalaga, salayunin magamit ang matatag na tiwala ng tao sa Kampilan

upang mapabuti angkanilang mga reputasyon at negosyo ngunit di sumang-ayon si Mando at sa pagkakataong ito'y isiniwalat na niya ang totoong Mando, na walang iba kundi siAndoy, na kanilang naging katulong at pinagmaltratuhan noon at ngayo'y isa nangmayamang lalaki na nagpatibok ng puso ni Dolly at kumakalaban sa kanyang ama.Pagkaraan ng ilang araw, may mga nagbantang patayin si Mando ngunitdahil sa pagiging gerilya nito'ynakaiwas sa tiyak na kamatayan.

Dalawa sa tatlongsuspek ang nabuhay at kumanta kung sino ang mga salarin habang si Mando'y may dalawang sugat sa tadyang at balikat dulot ng tama ng bala. Nagsilikas angmga kilalang masasamang elemento upang magpalamig mula sa init ng sitwasyonng Maynila tulad nila Heneral Bayoneta, Senador Botin atbp. Nagkaroon ng sunog sa Hacienda Montero at ang itinurong mga may salaay mga magsasaka at naglagay ang mga civilian guards ng mga baril at ibangdokumento sa mga bahay-bahay upang mapalabas na may binabalak na masamaang mga magsasaka kaya't pinaghuhuli sila. Matapos na mabugbog si Pastor sa kulungan nang ayaw niyang amining totoong may mga armas sa kanilang bahay,isinunod naman si Mang Tumas at isa pang magsasaka na ang kinahantungan aykamatayan nila at ang pagliyab ng damdamin ng mga magsasaka na pinamunuan ni Danoy kasama ang mga taonglabas upang maghiganti at makuha ang Hacienda Montero, na dapat ay sa kanila mapunta.

Dahil sa mga pangyayari na kaguluhan, ang army ay nagbigay ng report samga maaaring mangyari kapag natuloy ang mga pag-aalsa at marahas na gawainng mga magsasaka kaya naipatawag ng Presidente sina Mando, Senador Maliwanag at Dr. Sabio upang mahingan ng opinyon ngunit sa huli ay nagdesisyon pa rin sa sarili niyang pag-iisip pagkat sa mga oras na sila'y nag-uusap ay sumugod ang dalawang trak ng civilian guard sa Hacienda at pinagpuputukan angmga nagmimiting na magsasaka na siyang ikinasawi ni Pastor.

Dito'y nakita nila Mando,Danoy at iba pang natira na dapat nang simulan ang pagbabago, ang sama-samang pagtuwid sa mga baluktot na prinsipyong kumakatig sa dambuhalangmandaragit na walang habas sa pagsipsip sa dugo ng mga nangangamatay na mgaPilipino sa kanilang hangad ng wastong at pantay na pagtrato sa tao, magingmilyonaryo o isa lang obrero.

Magsimula ng usapan tungkol sa pahinang "Mga Ibong Mandaragit"

Magsimula ng isang usapan
Return to "Mga Ibong Mandaragit" page.