Usapan:Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
Ito ang pahinang usapan upang talakayin ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
Magaan na Riles Panlulan ng Maynila
baguhin"Magaan na Riles Panlulan ng Maynila" ba talaga ang opisyal na salin ng Manila Light Rail Transit sa Tagalog? Magbanggit ng sanggunian tungkol dito. Kung wala, dapat ipanatili titulo bilang Manila Light Rail Transit. --Jojit (usapan) 01:40, 5 Mayo 2014 (UTC)
- Noong inayos ko po ang artikulong ito, ganyan na ang nakalagay na pamagat e, out of date n rin kc ung ibang impormasyon. --雅博直井(会話) 11:02, 5 Mayo 2014 (UTC)
- Maaari bang magpasa tayo ng isang e-mail sa LRTA para alamin kung may salin sa Tagalog ang kanilang pangalang pangkorporasyon? --雅博直井(会話) 11:19, 5 Mayo 2014 (UTC)
- Maaaring magsulat mismo sa LRTA, ngunit tumututol ako sa paglipat ng pamagat ng artikulo sa Ingles. Tumuturo na rito ang pangalan sa Ingles; dapat sapat na iyon upang malaman ang konteksto ng artikulo. --Sky Harbor (usapan) 07:35, 8 Mayo 2014 (UTC)
- Kahit na, hindi naman "Magaan na Riles Panlulan ng Maynila" ang karaniwang ginagamit ng mga nagsasalita ng Tagalog (o Filipino) kapag tumutukoy sa sistema ng tren na ito. Di ba dapat use common name? At isa pa, ang salin na iyan ay original research, wala naman gumagamit niyan at mukhang inimbento na phrase. Kung mayroon sanggunian na gumagamit nito at karaniwan na ginagamit, gamitan ang salin na ito otherwise panatilihin ang Manila Light Rail Transit System. --Jojit (usapan) 10:41, 8 Mayo 2014 (UTC)
- Kung common use ang paiiralin natin, sana lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan natin ay nakapangalan sa Ingles. Mas appropriate na walang makitang sanggunian na nagsasabi na ang Tagalog ng Manila Light Rail Transit System ay Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila. Siguro, kung may nageexist na pamagat sa Tagalog, marapat na gamitin natin iyon kaysa sa Ingles na pamagat. --雅博直井(会話) 11:46, 8 Mayo 2014 (UTC)
- Siguro hindi naging malinaw yung sinabi ko. Yun mga ibang ahensiya ng pamahalaan na may katumbas na katawagan sa Tagalog, common name o karaniwang pangalan sa Tagalog (o Filipino) ang mya iyon. Ginagamit ang mga likas na katawagan na iyon ng ahensiya iyon. Ngunit ang "Sistema ng Magaan na Riles Panlulan ng Maynila" ba ay karaniwang pangalan ng Manila Light Rail Transit System sa Tagalog? Hindi, inimbento lang at lumalabag sa patakarang no original research. Walang gumagamit niyan kahit na ang likas na tagapagsalita o pamunuan ng LRTA. Sa tingin ko, kung wala tayong mahanap na sanggunian o batayan sa isang termino, pangalan o kataga, ipanatili ang karaniwang gamit nito ayon sa mga likas na nagsasalita ng Tagalog kahit pa ito'y hiniram o banyagang pangalan. Sang-ayon ako sa iyo na dapat gamitin ang likas na pangalan kung mayroon naman pero dapat karaniwan at may batayan. Ang rationale sa paggamit ng common name ay para madaling ma-recognize o makilala ang isang artikulo at maiwasan ang kalituhan. --Jojit (usapan) 01:51, 9 Mayo 2014 (UTC)
- Naging malinaw na sa ain ang iyong punto. Kapag walang nakitang batayan ukol sa pangalan ng sistema sa Tagalog, panatilihin na lamang ito sa natural na pangalan sa Ingles. Subalit, kung maaari tayong magbigay ng e-mail sa kanila ukol sa kung mayroong nageexist na pangalan sa Tagalog, sa tingin ko, mas magandang hakbang iyon. --雅博直井(会話) 02:53, 9 Mayo 2014 (UTC)
Muling pagbuhay ng usaping ito, gayon din ang proposal na ilipat ang pamagat nito sa pamagat na mas-madaling maintindihan (at mas-madaling ilagay ng mga editor habang nagaambag o gumagawa ng mga artikulo)
baguhin@HueMan1: @Tagasalinero: @Korean Rail Fan: and possibly @Jojit fb: Sa palagay ninyo po, dapat po bang pairalin ang literal na terminong Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila o ilipat na lamang ang pangalan sa Manila Light Rail Transit system. Total sa opisyal na konteksto malabong isalin ng LRTA ang LRT system sa Tagalog dahil karagdagang kalituhan po ang mangyayari.
Gayon din po sa Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila - en:Manila Metro Rail Transit system.
Paano na rin po sa en:Manila_Metro_Rail_Transit_System_Line_7 if ever na may gagawa nito sa hinaharap? (IMO di ko po iyan magagawa dahil nakatuon po ako sa mga lansangan at artikulong heograpiko gaya ng mga lungsod o bayan at this point.) kung isusunod po ang literal at kompletong salin kahit na may tendency na makompromiso ang pagkakaintindi ng mambabasa - Ikapitong Linya ng Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila batay sa kaayusan ng pamagat na Ikalawang Linya ng Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila (gaya ng inilalagay ko po sa ilang road articles dito. JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.) 04:43, 8 Abril 2020 (UTC)
Di ko po sure kung ito ay mapagkakatiwalaan - https://tnt.abante.com.ph/please-help-us-dr-kwak-kwak-nilaro-sa-tren-ng-lrt1/ (mula sa Abante na tabloid) JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.)
Yung website po ok sana since isang news tabloid ang Abante, pero ang petsa ng artikulo ay Sept. 23, 2019 - kamakailan lamang po. JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.) 05:52, 8 Abril 2020 (UTC)
- Gawin na lamang itong Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila. Walang opisyal na salin ang Light Rail Transit sa Tagalog o Filipino. Tingnan mo itong dokumento na ito, ang Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino mula sa KWF. Sa dokumentong iyon, ang opisyal na salin ng Light Rail Transit Authority ay Pangasiwaan ng Light Rail Transit. Kung gayon, dapat din na palitan ang pamagat ng artikulo ng Pangasiwaan ng Magaan na Riles Panlulan. Yung sa Abante, malamang nakuha lamang din nila dito iyan sa Tagalog Wikipedia. Kung hindi mo ito mailipat @JWilz12345: sabihin mo lamang at ako ang maglilipat. --Jojit (usapan) 06:01, 8 Abril 2020 (UTC)
- @Jojit fb: nailipat ko na po! Salamat po sa pdf na dokumento :-) At base po sa pattern ng sa Pangasiwaan ng Light Rail Transit ~ Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila:
- Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila -> Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila
- Ikatlong Linya ng Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila -> Ikatlong Linya ng Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila
- Ikapitong Linya ng Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila -> Ikapitong Linya ng Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila
- Ikalawang Linya ng Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila -> Ikalawang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
- Unang Linya ng Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila -> Unang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila _JWilz12345 (Kausapin|Mga kontrib.) 08:30, 8 Abril 2020 (UTC)