Usapang Wikipedia:Pagsalin ng mga nilalaman ng Wikipedia na ito sa Filipino
Ito ang Wikipedia:Pagsalin_ng_mga_nilalaman_ng_Wikipedia_na_ito_sa_Filipino, magtanong o magbigay ng opinyon o kumento ukol dito. Mangyaring panatilihin ang kagandahang-asal at iwasan ang paglalagay ng anumang bagay na wala namang kinalaman sa nasabing paksa.
Pakilagay lamang ang inyong mensahe sa ibaba kasunod ng inyong lagda sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na bantas (~~~~) kung gagamit ka ng wikitext. Kung hindi ka pamilyar sa wikitext, pindutin na lamang ito para magsimula ng bagong paksang mapag-uusapan. Maraming salamat po. Baguhan sa Wikipedia? Makatutulong sa iyo ang mga pahinang ito: Wikipedia:Patungkol at magtanong upang matugunan. |
By : Mcdenverboro Kung mabibigyan ng pagkakataon at kaparaanan na ang Wikipedia Tagalog ay mapalitan ng Wikipedia Filipino sa pangalan at mga prinsipyo, susuportahan mo ba ito?
Lagdaan lang po ang bilang na tumutukoy sa inyong boto sa pamamagitan ng pagiiwan ng apat na tilde (~). Pindutin lamang po ang edit sa itaas, upang makaboto. Bagamat hindi rekwesito ang paglikha ng user account, hinihiling na gumawa ng sariling account bago bumoto, upang maayos na makalagda.
Maari rin pong magiwan ng komento.
Boto:
Sumasang-ayon (11)
baguhinUser:Tomas De Aquino
baguhin1. Tomas De Aquino (talk • contribs) 17:47, 21 July 2005 (UTC)
- mas maunlad ang alpabetong Filipino kaysa sa Tagalog at mas napapanahon ang mga termino sa Filipino kaysa sa Tagalog
- Tanong: ang Wikang Tagalog at Wikang Filipino ba ay iisa? -- Bluemask (usap tayo) 07:52, 25 July 2005 (UTC)
- Simpleng sagot, hindi. Tomas de Aquino 11:35, 25 July 2005 (UTC)
- Pakilagay ng mga ginamit mong basehan na hindi iisa ang Tagalog at Filipino. --Bentong Isles 06:32, 26 Pebrero 2006 (UTC)
- Magkaiba po ang Wikang Filipino at Tagalog. Ayon po sa aking mga nababasa, ang wikang Tagalog ay ang wikang ginagamit ng mga Pilipino sa maraming bahagi ng Pilipinas. Ang Wikang Filipino naman po ay ang ating pambansang wika kung saan pinagsama-sama ang iba't ibang mga wika sa Pilipinas. May mga salita po tayong makikita rito na galing sa ibang lengwahe sa Pilipinas, bukod sa Tagalog. Ngunit sa akin pong pagkakaalam, ang Wikang Filipino po, karamihan sa mga salita rito, ay galing sa salitang Tagalog.. --96236 09:19, 16 Hunyo 2006 (UTC)
- Pakilagay ng mga ginamit mong basehan na hindi iisa ang Tagalog at Filipino. --Bentong Isles 06:32, 26 Pebrero 2006 (UTC)
- Simpleng sagot, hindi. Tomas de Aquino 11:35, 25 July 2005 (UTC)
- Tanong: ang Wikang Tagalog at Wikang Filipino ba ay iisa? -- Bluemask (usap tayo) 07:52, 25 July 2005 (UTC)
User:58.69.1.36
baguhin2.58.69.1.36 (talk • contribs) 17:57, 21 July 2005 (UTC)
- oo sang-ayon ang kagandahan ko
- Tanong: Ano naman ang opinyon ng kagandahan mo? -- 08:29, 25 July 2005 (UTC)
User:63.80.70.151
baguhin3.63.80.70.151 (talk • contribs)
- Kailangang ipangalan ang pambansang wika as Filipino, kase naman eh its super kainis if you make it Tagalog diba? Kaasar kaya! / Kinahanglan nga himuon nato nga Filipino nag sinultihan sa atong nasod, kay kalagot man gud diba kung Tagalog imong i ngalan? Kalagut jud!
- Question: So, are you saying that the national language Filipino is the same as the regional language Tagalog? -- Bluemask (usap tayo) 07:57, 25 July 2005 (UTC)
- Comment Ayaw pagsulti ana kay makasakit ka sa mga igsoon natong Tagalog nga nagmahal sa pinulongan nilang Tinagalog. Dili sila buot nga tawgog 'Felepeno' ang pinulongang Tinagalog. Kanang gitawag og 'Felepeno' usa ka sub-diyaleko sa pinulongang Tagalog.
- Comment Kung puwede, mag-Tagalog tayo dito. Huwag nating gawing katatawan ang seryosong usapan na ito. Yaong mga nakakakilala sa akin ay alam na matindi ang paglaban ko sa pambansang policy sa wika. Pero hindi naman yata tama na gagamit tayo ng Cebuano dito sa Tagalog na Wikipedia. --Bentong Isles 06:32, 26 Pebrero 2006 (UTC)
User:Seanrphl
baguhin4. Seanrphl (talk • contribs) 23:20, 21 July 2005 (UTC) Oo. Filipino tayo dapat.
- Dapat lang na isalin na lang sa wikang Filipino dahil ang pangangailangan dito as para sa isang pambansang wika na nauunawaan ng lahat ng Filipino. Ang Tagalog bilang rehiyonal na wika ay hindi sapat para dito. Ang Filipino, kahit na ang basehan ay Tagalog, ay patuloy na pinapayaman sa pamamagitan ng pag-gamit ng iba't-ibang termino na galing sa iba't-ibang wika, lokal man o banyaga.
- Ang Filipino ay nauunawaan mag mula Batanes hanggang Jolo, ang tagalog as sa luzon central at timog katagalugan. Ang Metro Manila na nag-umpisa sa Tagalog, ay masasabi natin na ang dominanteng wika sa pangangalakal at pang araw-araw na interkasyon ng mga tao rito ay Filipino dahil sa kanyang mataas na uri ng urbanidad. Ganun na rin sa mga munisipalidad o mga syudad na tumaas ang lebel ng urbanidad.
- Mga ibang lokal wika sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas ay naapektuhan ng Filipino sa ganitong phenomenon. Ito ay isang indikasyon ng pamamayani ng Filipino bilang isang pambansang wika, na hindi sinadya ng pambansang pamunuhan. Subali't ito ay isang kundisyon para sa pambansang pagkakaisa
- Tanong: Sa madaling salita, kung masusunod ang layunin ng Wikipedia na magkaroon ng bersyon sa lahat ng wika, nais mong magkaroon ng hiwalay na proyekto para sa Filipino Wikipedia (para sa wikang pambansa) at Tagalog Wikipedia (para sa wikang rehiyonal)? -- Bluemask (usap tayo) 08:01, 25 July 2005 (UTC)
- Bagamat magkaiba ang (wikang) Tagalog at (ang varyeysyon at istandardayzd form nitong) Filipino (na pambansa at isa sa mga ofisyal langwij ng Piliipnas) kung pag-uusapan ang ortografi, hindi ang gramatikal istraktsur. Ang una ay purista samantala ang huli ay (dapat na) wikang beysd sa Tagalog na gumagamit na mga salita (hindi lamang) mula sa English at Spanish (pati sa) ibang katutubong wika sa Pilipinas (beysd sa Konstitusyon, na sa aking opinyon ay imposible at isang kahibangan). Gumagamit dito ng mga letra, punctuation at ispeling kaya agri ako na gumawa ng separeyt na projikt para sa Filipino, tulad ng nabanggit ko, iba ito sa Tagalog (sa perspektiv ng mga lingwist). Hindi ba't pasulat na porma ng wika ang ginagamit sa Wikipedia. Filipinayzd 08:46, 26 Hulyo 2007 (UTC)
- Tanong: Sa madaling salita, kung masusunod ang layunin ng Wikipedia na magkaroon ng bersyon sa lahat ng wika, nais mong magkaroon ng hiwalay na proyekto para sa Filipino Wikipedia (para sa wikang pambansa) at Tagalog Wikipedia (para sa wikang rehiyonal)? -- Bluemask (usap tayo) 08:01, 25 July 2005 (UTC)
User:Pcp
baguhin5. Pcp (talk • contribs) 04:25, 22 July 2005 (UTC)
- (PcP) Ang Tagalog ay isang diyalekto lamang na kahanay ng Ilokano, Cebuano at iba pang mga diyalekto sa pitonglibo't isandaang mga pulo sa Pilipinas. Filipino (or Pilipino) ang angkop na tawag sa Wika o Lengguwaheng lumalagom sa mga diyalektong ito.
- Tanong: Mayroon nang proyekto sa Cebuano at Kapampangan. Itinuturing din na Filipino ang mga wika na ginamit dito. Ano ang nais mo na mangyari, gawin ding Filipino Wikipedia ang mga ito? -- Bluemask (usap tayo) 08:09, 25 July 2005 (UTC)
- Filipino ang kolektiv na tawag sa lahat ng katutubong wika sa Pilipinas. Filipino rin ang tawag sa varyeysyon ng Tagalog (isa sa mga katutubong wika sa Pilipinas) na may isteytus na nasyunal at ofisyal langwij. Ang mga mamamayan o sitizen ng Pilipinas ay Filipino. Sa Tagalog ito ay Pilipino (dahil walang F sa Abakada, ang alfabet ng Tagalog). Pilipino rin ang tawag sa pambansang wika bago ang 1987 Constitution na beysd rin sa Tagalog. Filipinas (Pilipinas sa Tagalog dahil walang F sa Abakada) ang pangalan ng bansa. Filipinayzd 09:34, 26 Hulyo 2007 (UTC)
- Tanong: Mayroon nang proyekto sa Cebuano at Kapampangan. Itinuturing din na Filipino ang mga wika na ginamit dito. Ano ang nais mo na mangyari, gawin ding Filipino Wikipedia ang mga ito? -- Bluemask (usap tayo) 08:09, 25 July 2005 (UTC)
User:Lucyinthesky
baguhin6. Lucyinthesky (talk • contribs) 06:11, 22 July 2005 (UTC)
- Wikang Filipino ang dapat na tawag sa sariling Wika natin dahil ito ay binubuo ng iba't-ibang dayalekto sa Pilipinas. Ang dayalektong Tagalog ay isa lamang sa mga ginagamit na wika sa bansang ito na na 'incorporate' sa wikang Tagalog, kagaya rin ng Cebuano, Ilokano, Hiligaynon at Bicolano. Ang Wikang Filipino ang Lingua Franca ng Pilipinas.
- Tanong: Sinasabi mong magkaiba ang Wikang Tagalog sa Wikang Filipino, nais mo bang magkaroon na lang ng hiwalay na proyekto para sa Filipino Wikipedia? -- Bluemask (usap tayo) 08:14, 25 July 2005 (UTC)
User:Tex
baguhin7. Tex (talk • contribs) 08:23, 22 July 2005 (UTC)
- Sang-ayon ako. Dapat lang
- Ewan ko lang kung sino ang nagmamarunong na ang Filipino ay isang dialect ng Tagalog, o mga iba't-ibang lokal na wika gaya ng Cebuano, Ilokano ay mga dialect, basahin nila ito:
http://www.cooldictionary.com/words/Filipino-language.wikipedia
- Nakikita ko ang Filipino bilang isang wika na dapat pangalagaan at paunlarin. Ang Tagalog ay hindi Filipino at ang Filipino ay hindi Tagalog. Sabi nga sa pahina ng website " Language continues to evolve and to claim that Tagalog is synonymous to Filipino would be erroneous and irresponsible."
- Comment Erroneous and irresponsible? Halatang POV statement yun. And why wouldn't Filipino be a dialect of Tagalog? Galing sa Tagalog, hindi ba? Iyan ang ibig sabihin ng dialect. --Christopher Sundita 08:36, 22 July 2005 (UTC)
- "Varyeysyon" ang aproprieyt na term, hindi "dialect". Ang English na ginagamit ng mga Filipino (Pilipino sa Tagalog) ay Philippine English. Kung hindi susuriin, sasabihing magkaparaho ang English sa Amerika at ang English Filipinas (Pilipinas sa Tagalog).
- Comment Kaya matatawag mo lahat ng mga Romansang Wika ay mga dialect ng Latin? Bakit natatawag na silang Wika at hindi dialect sa modernong pagtatalakay? Ganun din ang Wikang Ingles na Germanic ang pinangagalingan at puno ng mga salita galing din sa Latin. Matatawag mo pa silang dialect o Wika? Tex (Spanish is a Latin Dialect? English is a German Dialect? Lol).
- Tanong: Kung sinasabi mong hindi magkatulad ng Wikang Filipino sa Wikang Tagalog, bakit nais mong palitan ang pangalan ng proyektong ito na Filipino Wikipedia? -- Bluemask (usap tayo) 08:19, 25 July 2005 (UTC)
- Comment Erroneous and irresponsible? Halatang POV statement yun. And why wouldn't Filipino be a dialect of Tagalog? Galing sa Tagalog, hindi ba? Iyan ang ibig sabihin ng dialect. --Christopher Sundita 08:36, 22 July 2005 (UTC)
User:202.128.34.82
baguhin8. 202.128.34.82 (talk • contribs) Victor Villanueva
User:Ederic
baguhin- Sang-ayon ako. Ang Filipino, bagamat nakabatay sa wikang Tagalog, ay mas malawak at bukas sa pagbabago. Ito ang laganap na wikang ginagamit ngayon sa buong bansa. Ang pagpapalit ng pangalan mula sa Tagalog patungong Filipino ay hindi nangangahulugan ng paglimot o pagtakwil sa wikang Tagalog. Sa halip, ito ay pagyakap hindi lamang sa luma kundi maging sa bagong wika--ang Filipino--na iniluwal mula sa Tagalog.
- Nang krinieyt ang "Filipino" hindi nawala ang Tagalog. Ang Filipino ay ang istandaydayzd na Tagalog. Kung sa asukal, "asukal na puti" (refined) ang Filipino. Ang puro at walang halong kemikal na "asukal na pula" ay ang Tagalog. Kaya, dapat na magkaroon ng hiwalay na projikt ang dalawa. Filipinayzd 10:50, 28 Hulyo 2007 (UTC)
User:Vicoy
baguhin10. Vicoy (talk • contribs) 07:31, 25 July 2005 (UTC)
- Napapanahon lang
- Di ko kinikilala na ang Tagalog na pambansang wika. Filipino lang naman talaga ang naaayon na wikang gamitin natin dito sa wikipedia. Di naman ako Tagalog at ang salita ko ay Filipino. Tama lang na ang punto sa numero 8 sa mga Sumasang-ayon na masyadong irresponsable na tawagin na ang Filipino ay Tagalog. Hindi nakakatulong sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Kung mapapansin ninyo, magmula ng mailagay ang Tagalog na seksyon, nagkaroon ng Cebuano at Kapampamgan. Kailangan sana natin ng pagtutok ng ating lakas at kaalaman sa pag-gawa ng isang makabayang seksyon na maipagmamalaki natin at mauunawaan ng bawat Pilipino; ang pinatunguhan tuloy ay pagkakanya-kanya.
- Kaya kailangan ng separeyt na projikt para sa Filipino.
- At tayo ngayon ay nagtatalo nanaman sa isang bagay na noon pa ay napagkasunduan na sa ating Saligang Batas na tinanggap ng mamayan ng bansa: na ang Filipino ay ang Pambasang Wika, at hindi naman Tagalog. Artikulo 14, Ika-6 ng Seksyon. "The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages." Ngayon, nasaan ang Tagalog dyan?
- Ginamit ang "Pilipino" (na 33 ang letra sa alfabet nito) na ginagawang "Filipino" (may 28 na letra) at hindi ang "Tagalog" upang maging-politically correct na tawaging ang Tagalog na nasyunal langwij at maging lingua franca ng mga Filipino kahit Tagalog ang de facto lingua franca ng bansa (Ang English at Cebuano rin ay de facto lingua franca. Ang una, ng mga nakapag-aral na mga Filipino lamang at ang huli, sa Visayas at Mindanao. Filipinayzd 09:59, 26 Hulyo 2007 (UTC)
- Walang ibang iskolar o dalubhasa na nasa ibang bansa ang makapagbabago kung ano ang nakatalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas. At ang nakasaad sa Saligang Batas ang kinikilala ko bilang isang responsableng mamayan ng Pilipinas.
- Tapos na nag laban...gawing Filipino ang seksyon na ito.
- Tanong: Bakit mo nais palitan ang pangalan ng proyektong ito na Filipino Wikipedia kung sinasabi mo na hindi sa Wikang Tagalog nagmula ang Wikang Filipino? -- Bluemask (usap tayo) 08:29, 25 July 2005 (UTC)
User:Orphidian11
baguhin11. Orphidian11 (talk • contribs) 14:38, 10 Oktubre 2006 (UTC)
- Sumasangayon ako sa mosyon na gawing Filipino Wikipedia ang Tagalog Wikipedia. Hindiba't itinuro na sa ating mga paaralan (lalo na para sa ilan ditong kagagaling lamang sa paggaaral) na ang Filipino ang kinikilalang pambansang wika, at hindi Tagalog, na itinuturing na isa lamang dayalekto. Nararapat lamang na makilala tayo ng ibang mga bansa sa wikang Filipino.
- Komento: Hindi natin pinagduduhan na "Filipino" ang pambansang wika ng Pilipinas. Ayon sa iyong pahayag, ang ibig mong sabihin, magkaiba ang "Filipino" sa "Tagalog"? --bluemask 15:35, 10 Oktubre 2006 (UTC)
Hindi Sumasang-ayon (31)
baguhinUser:Christopher Sundita
baguhin1. Christopher Sundita (talk • contribs) 07:04, 22 July 2005 (UTC)
- Kahit nakalagay sa Constitution ng 1987 na ang Filipino ay galing sa mga iba't-ibang wika (hindi "dialect") ng Pilipinas, ang katotohanan ay walang pagkakaiba ang Filipino at ang Tagalog. Ang Filipino'y isang subdialect lamang ng Tagalog na ginagamit sa Maynila. Sino'ng nagsasalita ng Filipino bilang katutubong wika? Wala! Dapat mayroong sariling bersyion ng Wikipedia para sa Standard American English? Syempre, hindi. Ang English Wikipedia ay para sa iba't-ibang dialect ng Inggles - Amerikano, British, Irish, Scottish, Australian, Jamaican, atbp. Ganito ang Tagalog - para sa iba't-ibang dialect ng Tagalog: Maynila, Bulacan, Quezon, Marinduque, Filipino, atbp. --Christopher Sundita 07:04, 22 July 2005 (UTC)
- ilan laman sa pagkakaiba, alpabeto, ortograpiya (palabaybayan, palatitikan), ponema, balarila, antas ... marami pang iba. 69.120.20.20 07:56, 22 July 2005 (UTC)
- Magkaiba ang ortografi ng Tagalog at Filipino. Ang English, Philippine English, Singapore English atbp, hindi. Kaya, walang ganung mga projikt. Hindi maaaring gamitin sa Tagalog Wikipedia ang mga salitang "iskul", "klasrum" atbp. kundi "paaralan", "silid-aralan" atbp. lamang. Hindi rin katanggap-tanggap ang mga salitang "lang", "yun" atbp. kundi "lamang", "yaon" atbp. lamang. Filipinayzd 10:26, 26 Hulyo 2007 (UTC)
- Magbigay nga kayo ng halimbawa. --Christopher Sundita 08:32, 22 July 2005 (UTC)
- Sa English, "Tito, Vic, and Joey are comedians." Sa Philipine English, "Tito, Vic and Joey are comedians." Sa English, "Switch off the lights." Sa Philippine English, "Turn off the lights." Filipinayzd 10:26, 26 Hulyo 2007 (UTC)
User:Život
baguhin2. Ang layuning isalin ang Wikipedia na ito sa Filipino ay base sa maling premisa na ang Tagalog at Filipino ay likas na magkaiba.
Ang paglikha ng dikotomiya sa pagitan ng Tagalog at Filipino ay lubos na di-nakakabuti sapagkat, kung ating titingnan nang mapagtotoo at nang may bukas na isipan, wala naman talagang nagsasalita (1) ng “purong” Tagalog o (2) ng anyo ng Filipino na artipisyal na binubuhusan nang labis ng mga salita at konstruksyong banyaga at na isinusulong ng mga nasa akademya. Ang totoo ay ang Tagalog/Filipino na sinasalita at ginagamit ng mga tao ay isang “middle way”, kung baga, sa pagitan ng dalawa. Ito ang wikang ginagamit sa Wikipedia na ito. Sa gayon, walang obhetibo ang makakamit sa pagpalit ng pangalan ng Wikipedia na ito sa Filipino. —Život 09:32, July 22, 2005 (UTC)
- Kung ganun, hindi dapat ginawa ang Filipino o pag-iistandardayz ng Tagalog upang maging Pambansang Wika. Inistandardayz din dapat ang Bikol, Cebuano atbp. upang mga kapwa-Pambansang Wika. Filipinayzd 10:28, 26 Hulyo 2007 (UTC)
o ! batninayo !
User:Volts
baguhin3.Lalo lang nitong tinatapakan ang tinapakan nang dignidad ng mga ibang wika dahil sa Tagalog na yan. Kung sabagay, sinusunod nito ang kautosan ng "kanilang" KONSTITUSYON na dapat "auxiliary language" lang ang mga rehiyonal na wika sa TAgalog. Ang "auxiliary," ayon sa Web Dictioanry, ay "Functioning in a subsidiary or supporting capacity; Relating to something that is added but is not essential." Ibig sabihin, kung may KATULONG, may AMO. Sino ang AMO? Kailan tayo nakolonisa? 2005 na ngayon. Parang walang pinagkaiba. Kung ang WIKAng FILIPINO ay sumasakop sa lahat ng Wikang matatagpuan sa PIlipinas, bakit ako pinagbabayad ng titser ko sa tuwing nagsasalita ako ng WARAy noong nasa hayskul ako. BAkit? Hindi ba FILIPINOng wika ang WAray. At kung ang Filipino ay iba sa Tagalog bakit hindi ako pinagbayad ng titser ko ng magsimula akong manag-alog? Di lahat sa Pilipinas nagsasalita ng TAGALOG! MArunong ako manag-alog ngayon dahil sa titser kong mukhang pera.----volts
- Ang South Africa ay tulad din sa Pilipinas. Maraming mga etnikong grupo at mga wika. Ang pagkaka-iba, hindi pumili ng isa (lang) na wika upang maging pambansang wika sa una bagkus pinili ang mga meyjor lagwij nito. Sasabihin ng mga maka-Tagalog o ng isang kontitusyunalist, "Tagalog ba ang nasyunal langwij?" sabay basa ng artikel na nagsasabing Filipino at hindi Tagalog ang pambansang wika. Yeah right. Filipinayzd 10:35, 26 Hulyo 2007 (UTC)
User:Harvzsf
baguhin4. Hindi ako sumasang-ayon. Tama si Chris na walang pagkakaiba sa wikang Tagalog at ang wikang "Filipino" --Harvzsf 13:05, 22 July 2005 (UTC)
5
baguhin5. Hindi ako sumasang ayon. Fililpino is another name for tagalog language. Ang pagkakaroon ng minoridad at dominanting "wikang Filipino" ay lumilikha lamang ng di pag uunawaan .Other major language like cebuano, waray, Hiligaynon is an independent language not dialect of Tagalog(Filipino). Tagalog wikepedia ay isang bahagi ng proyekto ng wikipedia, if it will change to Filipino what happen to cebuano wikipedia? Kapampangan?... hmmm.
- Mali ang tanong. "What will happen to Tagalog Wikipedia?" dapat. Filipinayzd 10:38, 26 Hulyo 2007 (UTC)
User:Seav
baguhin6. Di ako sang-ayon; nais kong manatiling Tagalog ang Wikipedia na ito. Isang likas na wika ang Tagalog at hindi maaaring walang "Tagalog na Wikipedia" na kasama sa proyekto. --seav 18:27, 22 July 2005 (UTC)
User:Feliz kenshin
baguhinFeliz kenshin (talk • contribs)
7. Mr. Christopher Sundit is right, Filipino subject was thought in school from elementary til college years and it created a lot of confusion on what really Filipino means. Well, Filipino simple means Tagalog. no question about it! Filipino/tagalog shouldn't claim that Hiligaynon, waray,cebuano,and other ethnolinguistic grouping are dialect because its not mutually intelligible. timi
8
baguhin8. I am Corie from Butuan..I want to preserve and develop my butuan heritage. I also want to preserve languages of individual's own identity. I am a Butuanon and my languages is BINUTUANON... without this who am I? GODBLESS
9
baguhin9. Ang tagsa isa sa ila angay lang nga pasidunggan kag tagaan lugar sa wikipedia. Ang pag ilis ngalan nga "Tagalog" sa Filipino, kag pagkatapos sundan sang pahayag nga ang mga lin-guahe sang pilipinas indi tagalog mga dialek lamang sang Filipino, busa wala lugar sa Wikipedia, isa ka pag lapak sa katarungan nga ihambal sila sang mga katawhan ethno-linguistic nga gagamit sa ila, kag isa ka tikang padulong sa pagpatay sa ila sang mga Tagalog Nationalist o Tagalista. Ang mga sari sari nga mga lin-guahe sang kalibutan mabal an-naton mga lin-guahe kay wala sila nagahinongpanay. Sa piyak na butang, ang mga sahi sang isa ka lin-guahe na ga hinongpanay amo nga ginakabig nga dayalek sng lin-guahe.Segun sa mga lin-guis sng kalibutan, ang FILIPINO isa ka Tagalog na dayalek kag nagahinongapanay ini sa iban nga dayalek sng Tagalog, kag wala siya nagahinongpanay sa iban nga lin-guahe sang Pilipinas nga indi TAGALOG. Isa ka dako nga kasayopan sa pagtawag sang mga iban nga mga lin-guahe sang Pilipinas nga dayalek lamang sng filipino, kag nagapa nobo pa ini sa ila. Sa tinu od, mga lin-guahe sila sang kaputong sang tagalog kag iban nga lin-guahe sang kalibutan. Jedpesar (Language are tongues that are not mutually intelligible. Dialects are mutually intelligible variations of a language. According to international linguistic standards, Filipino ia a tagalog dialect because it is mutually intelligible with all dialects of Tagalog, and mutually unintelligible with all other Philippine languages. Each deserve recognition, and an article in wikipedia. Transforming tagalog into Filipino followed by the claim that the other non tagalog languages are mere Filipino dialects and those do not have a place in wikipedia is a gross violation of the language Rights of the ehnoliguistic peoples that speak them, and a step towards their eventual extermination by tagalog Nationalist (TAGALISTA)
10
baguhin10. For me, i do not agree with the proposal because as a human we have its individual rigts to stand for our own languages and it would be unfair to pursue with its own proposals. They need also to hear other side and point of view. Junemeanne
11
baguhin11. Mas maayos siguro na bigyan daan natin ang ibang Wika sa karatig pulo na mapalago ang kanilang kultura. Sa ngayon, makikita din natin na ang kahalagahan ng isang Kultura ay ang orihinal na katangian ang bawat isa. Ang pinag uusapan ay tungkol sa Wikang Filipino o Tagalog...pero hindi maiiwasan na mapag usapan ang ibang wika ng Pilipinas ng mas nakakarami kay sa Tagalog. Maaaring masasabi na ang wikang tagalog ay maiintindihan ng nakararami dahil sa tinuturo ito saan man sa bansa pero hindi nangangahulugan na ang ibang wika ng Pilipinas ay dayalekto lamang ng Tagalog.Sa pagpapaliwanag ng mga taong di sumasang-ayon malalaman natin na ang Pilipinas ay mayroong ibat ibang uri ng wika. Dito pinapakita na tayo ay may isang mayamang kultura na pinag mulan. Ang pagbabaliwala dito ay nakakalungkot. Siguro minsan ay hindi sinasadya at malamang ay hindi lamang napupuna, ngunit ang kalalabasan ay napakalaking kawalan sa lahat ng aspeto ng ating pagkatao. ((Langage is our Identity)).Kung pagbibigyan natin ang ibang wika sa pagkakaroon ng kanilang karapatan mapa wikipedia man o sa ibang bagay ay pagkakaroon ng magandang pakikitungo sa karatig pulo o ethnolinguistic grouping.ito lalong lalago ang wikang pinamana ng ating mga ninuno ay mapanatiling buhay at mayaman.Judith_B
User:Randy I
baguhin12. In my point view it would not be fair that a single ‘Filipino’ article encompass all our languages because the Filipino peoples have many languages and many different identities. It will help our peoples if our own languages are recognized by other foreign peoples, so that they will appreciate our different natures and languages. (Iloilo) -- Randy Guillermo
User:Peruchomark
baguhinPeruchomark (talk • contribs)
13. I guess every group of people deserves to have a free type of communication, and having different languages is not a hindrance to have a successful and a harmonious living in a society..... -- Mark : )
User:Kay
baguhin14. :( I strongly disagree for that proposal because I do believe that we are in a democratic country. We have the rights and identities. We have different languages...... -- Kay
User:Jean
baguhin15. I do not agree on that proposal because we have different languages and it is hard for us to just change it as the way it is. -- Jane
16
baguhin16. every language is unique...be proud to where you came from and especially to your native language....in this regards iam not agree with the proposal.
17
baguhin17. the proposal is not acceptable....I love my origin and proud to be a bacolodnon... as may organization stated we have a different languages to respect and to loved...i'am happy to where i came from.....RJ
- Ang Tagalog Wikipedia na ito ay para sa wikang Tagalog. Bikolano ako. Filipino. Filipinayzd 10:44, 26 Hulyo 2007 (UTC)
. . . . .
User:Saluyot
baguhin25. di po ako sumasang-ayon dahil sa parehong rason na ang wikang Tagalog ay kaiba sa wikang Filipino. parang isang plano pa lamang ang konsepto ng "wikang Filipino" na hindi pa lubusang naisasakatuparan. kapag naipagpilitang ibatay o hanguin na lamang mulang Tagalog ang kabuuan o kairalan ng isang wikang Filipino, papaano na naman po ang ibang mga pangunahing wika sa Pilipinas kagaya ng Cebuano at Iloko? sapagka't ang isang wikang Filipino ay sasakup at tutugon sa lahat ng mga wika sa Pilipinas, hindi lamang bukod tanging Tagalog. -- Saluyot 07:10, 18 September 2005 (UTC)
26
baguhin26. una, aamin ko na kulang ako sa impormasyon ukol sa isyung Tagalog at Filipino, ngunit gusto ko lamang magpuna na mas ikinagugusto kong maging Tagalog ang ating pambansang wika sapagkat kapag ginagamit natin ang wikang Filipino, kahit ang salitang Filipino mismo, nangangahulugang nagpapasailalim tayo sa kaisipang banyaga (colonial mentality). Dapat natin itangkilik, palaganapin at payamanin ang ating wikang Tagalog dahil ito'y nagsisimbolo ng ating pagkatao at ibig sabihin din na hindi tayo natatakot na tanggapin ang ating sarili. -Kris
User:Pula Bughaw
baguhinPula Bughaw (talk • contribs)
27. Di po ako sumasang-ayon. Nakikiisa ako sa pananaw na ang "wikang Filipino" ay hindi pa naisasakatuparan bagaman malayo na ang narating nito dahil sa mga pahayagan, radyo at telebisyon. Ako ay tubong Tagalog ngunit naniniwala ako na dapat din nating igalang ang mga wika ng mga Ilokano, Pangasinan, Kapampangan, Bikolano, Waray-waray, Ilonggo, Sugbuhanon, Maguindanao, Maranao at iba pang wika na Filipino rin naman. Sana ay huwag ipagkait sa akin ang tuwa na may Tagalog Wikipedia. Kung hindi ako nagkakamali, pakay ng Wikipedia na magkaroon ng malayang ensiklopedia sa iba't ibang wika, hindi iba't ibang nasyonalidad. Magtulungan na lang tayo na palawakin pa ang mga Wikipedia sa mga wikang Filipino. Siya nga pala, bakit nawawawala ang Nos. 18 to 24? - Pula Bughaw 14:41, 25 Agosto 2006 (UTC)
- Dis-agri ako na bagamat "hindi pa naisasakatuparan" ay hindi (na) pupwedeng gawan ng projikt ang Filipino. Hindi (pa) naririyalayz dahil mga salitang English at Spanish (pa) lamang ang ginagamit at wala (pa) ang mga salita sa iba't ibang katutubong wika. Kung matutupad ito o hindi ay isang malaking katanungan. Filipinayzd 11:01, 26 Hulyo 2007 (UTC)
User:Emir214
baguhinEmir214 (talk • contribs) Hindi ako sumasang-ayon. Ang wikang Filipino ay may iba't ibang diyalekto. (hal. Tagalog, Bisaya) Ang Tagalog ay batayan ng wikang Filipino. Sa madaling salita, ang wikang Tagalog ay iba sa wikang Filipino.
Dapat po tagalog sa halip na filipino, kasi iyon po ang sariling kakanyahan natin; kapag po filipino, labo-labong wika po iyon. Saka po ang tagalog ay pinagsikhayan ng ating mga bayani, di po ba? - Qahaluluhah
User:Felipe Aira
baguhinFelipe Aira (talk • contribs)
Matinding pagtutol. Ang aking dahilan ay kakaunti lamang ang pagkakaiba ng Tagalog at Filipino. Ang mga pagkakaiba nila ay: malayang tinatanggap ng Filipino ang mga salitang banyaga at mula sa ibang diyalekto nito hindi katulad ng Tagalog na purista. Ngayon kung susundin natin ang Filipino, dahil sa malayang pagtanggap nito sa mga banyagang salitang Finilipino ang pagbabaybay. Unti-unti nang mamamatay ng tuluyan ang ating wika dahil mas pipiliin na ng mga taong gamitin ang mga Finilipinong salita dahil mas madlai ito.
Naniniwala akong ginawa ang Wikipediang Tagalog para sa dalawang bagay:
- Para magbigay-alam sa lahat ng mga mananalita ng Tagalog
- Upang panatiliing buhay ang panitikang Tagalog ang mga salitang napakalalim nito at iba pa
Kung mapapayagan ang Wikipediang Filipino maaari nang gamitin ang mga salitang klasmeyt, iskul, asaynment imbis na kamag-aral, paaralan, at gawaing-bahay. Pagkamatay ng panitikang Tagalog ang magiging bunga. -- Felipe Aira 11:35, 5 Nobyembre 2007 (UTC)
Sumasang-ayon, sa mga sumusunod na kondisyon (0)
baguhin1.
Hindi boboto (1)
baguhin1. Isa lalaki 01:07, 26 July 2005 (UTC) Dahil hindi ko alam ang kahulugan ng Filipino.
Ibang pananaw (1)
baguhin1. Ito ang opisyal na pananaw ko sa isyung ito. Kung mayroong di tugma sa mga nakaraan na sinabi ko, ikukunsidera ang pahayag na ito na mas opisyal na pananaw ko at pinakabagong bersyon. Sa gana ng akin, susuportahan ko kung anuman ang maging pasya sa proyektong ito. Maging manatili man itong Tagalog o palitan bilang Filipino o paghiwalayin man ang Tagalog sa Filipino. Tutal tayo naman ang mag-kolaborasyon sa isa't isa. Kung madalian ang nakakarami sa pagsusulat sa Filipino, wala akong tutol diyan. Ngunit isaalang-alang natin ang sumusunod:
- Isa sa mga pinapangako ng Wikipedia ang magkaroon ng malayang nilalaman na ensiklopedya sa maraming wika (Tignan ang link na ito). Kung mawala man ang Wikipedia Tagalog at palitan ito ng Wikipedia Filipino, ano ang mangyayari Wikipedia Tagalog? Maari pa bang magkaroon ng Wikipedia Tagalog? Kung hindi na maaaring magkaroon ng Wikipedia Tagalog, maaaring di matupad ang pangako ng Wikipedia na magkaroon ng ensiklopedya sa maraming wika. Sa hindi naniniwala na magkaiba ang Filipino sa Tagalog, eto ang mga reperensya na nagsasabing magkaiba sila:
- Tagalog - basehan ng pagkabuo ng wikang Filipino (tignan ang link na ito)
- Filipino - base sa Tagalog na may kasamang mga katagang nagmula sa iba't ibang rehiyonal na wika. (tignan ang link na ito)
- Sa istraktsur, gramar at vokabyulari, base sa Tagalog. Pandagdag sa vokabyulari, mula sa iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas. Filipinayzd 11:26, 26 Hulyo 2007 (UTC)
- Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 Artikulo XIV, Seksyon 6: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
- Sa madali't salita, ang pagkakaiba ay ang Tagalog ay Tagalog samantalang ang Filipino ay binubuo ng mga salitang galing sa iba't ibang wika sa Pilipinas. Eto naman ang reperensya na kung saan diniditalye ang binuo ng Filipino. Ipinapakita doon na hindi lamang Tagalog ang mga salita sa Filipino. Batay ito sa pananaliksik ni Mr. Renato Perdon sa diksyunaryong inisyu ng Komisyon ng Wikang Filipino.
- Hindi (pa) naisasakatuparan ang nasa Artikulo XIV, Seksyon 6 na nasa wikang Tagalog: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. "Kasalukuyang nililinang. Hindi (pa) nadedevelop. Hindi (pa) nagagamit ang mga katutubong wika". Filipinayzd 11:26, 26 Hulyo 2007 (UTC)
- At kung di na maaaring gumawa ng Tagalog na Wikipedia pagkatapos ng pagpapalit ng pangalan, maaaring magreklamo ang ibang mga purong Tagalog na wala na silang espasyo sa Wikipedia. Mayroon na ngang Cebuano at Kaampangan na Wikipedia tapos di na maaaring magkaroon ng Wikipedia Tagalog. Magiging ironic ito kung mangyayari man kasi isang pangunahing wika sa Pilipinas ang Tagalog.
- At saka, bakit limitado lamang ang mga pananaw dito? Paano iyong mga taong gustong gawing Taglish Wikipedia ito? Dapat sakop lahat ng pananaw dahil opisyal na patakaran ng Wikipedia ang NPOV. Kaya ito - lumikha ako ng bagong mga seksyon na di lamang specific sa OO o HINDI.
- Ang Taglish ay hindi wika. Ito ay pagpapalit-wika. Filipinayzd 11:26, 26 Hulyo 2007 (UTC)
- Sa isang teknikal na pananalita, kung papalitan ang pangalan ng Tagalog Wikipedia sa Filipino Wikipedia at napasyahan ng magkaiba ang Filipino sa Tagalog, kailangang palitan ang URL nito mula sa http://tl.wikipedia.org sa http://fil.wikipedia.org . Isang 3-letrang ISO 639 language code ang fil. Ito ang gagamitin dahil walang 2-letrang language code ang Filipino:
- The URL of the wikipedia for a given language is xx.wikipedia.org, where xx is the 2-letter language code as per ISO 639. For languages without an ISO 639 2-letter language code, the 3-letter language code is used, or if that also does not exist, a custom 3-letter language code is made. - mula sa pahina ng Multilingual coordination
--Jojit fb 09:05, 23 July 2005 (UTC)
- Hindi po ang pagiging taglish ang punto ng paggamit ng Filipino, kundi bigyan daan ang maunlad na wikang Filipino. Hindi lamang English ang kahalo sa Tagalog. Tomas de Aquino 07:11, 22 July 2005 (UTC)
- Alam ko pero tignan mo sa Wikipedia:Kapihan, may mga opinyon dun na nagsasabing gawing Taglish Wikipedia ito sa halip na Tagalog Wikipedia. Hindi ba maaaring isakop ang pananaw niya? --Jojit fb 07:16, 22 July 2005 (UTC)
- Gaya, ng nilalaman ng tanong na ito, Filipino o Tagalog po ang pinagpipilian, hindi Tagalog o Taglish. Tomas de Aquino 07:18, 22 July 2005 (UTC)
- Sabi sa introduksyon ng pahinang ito: Kung mabibigyan ng pagkakataon at kaparaanan na ang Wikipedia Tagalog ay mapalitan ng Wikipedia Filipino sa pangalan at mga prinsipyo, susuportahan mo ba ito? Bakit po ba na limitado lamang sa Filipino o Tagalog ang mga pagpipilian? Kawawa naman po yung pananaw ng iba. Dapat siguro palitan natin ang pangalan ng pahinang ito para masakop lahat ng pananaw. --Jojit fb 07:33, 22 July 2005 (UTC)
- Gaya, ng nilalaman ng tanong na ito, Filipino o Tagalog po ang pinagpipilian, hindi Tagalog o Taglish. Tomas de Aquino 07:18, 22 July 2005 (UTC)
- Alam ko pero tignan mo sa Wikipedia:Kapihan, may mga opinyon dun na nagsasabing gawing Taglish Wikipedia ito sa halip na Tagalog Wikipedia. Hindi ba maaaring isakop ang pananaw niya? --Jojit fb 07:16, 22 July 2005 (UTC)
- "Kung mabibigyan ng pagkakataon at kaparaanan na ang Wikipedia Tagalog ay mapalitan ng Wikipedia Filipino sa pangalan at mga prinsipyo, susuportahan mo ba ito?" ang tanong. Ang taytel ng seksyon naman, "Pagsalin ng mga nilalaman ng Wikipedia na ito sa Filipino". Pagpapalit ba ng PANGALAN o PAGSALIN [sic] ng mga nilalaman? Pagpapalit man o pagsasalin, isa lang ang ibig sabihin, nag-iigzist ang Tagalog at nag-iigzist din ang Filipino. Filipinayzd 11:26, 26 Hulyo 2007 (UTC)
Interpretasyon (3)
baguhinBago ako magbigay ng pananaw, narito ang ilan sa aking interpretasyon sa mga napag-usapan na.
- Ililipat at gagawing Filipino Wikipedia ang proyektong ito. Ayon sa premise na ang Wikang Tagalog ay pinaunlad at naging Wikang Filipino.
- Mananatili ang pangalan ng proyekto bilang Tagalog Wikipedia at hindi na kailangan ang Filipino Wikipedia. Ayon sa premise na iisa ang Wikang Tagalog at Wikang Filipino at gagamitin ang pangalan ng wikang rehiyonal na Tagalog upang maihanay sa ibang proyekto sa ibang wikang rehiyonal gaya ng Cebuano Wikipedia at Pampangan Wikipedia.
- Magkakaroon ng hiwalay na proyekto para sa Tagalog Wikipedia at Filipino Wikipedia. Ayon sa premise na magkaiba ang dalawang wika na nabanggit -- ang Tagalog Wikipedia para sa wikang rehiyonal at Filipino Wikipedia para sa wikang pambansa.
Isa dito ang magiging resulta ng usapan sa itaas. -- Bluemask (usap tayo) 04:48, 25 July 2005 (UTC)
- Sa aking pagkakaalam ang Tagalog ay ginagamit bilang ating pambansang wika at ang Filipino ay ang ating lahi. --- freedomoss
Sa aking pagkakaintindi, ang sangay ng wikipedia na ito ay naglalaman (at dapat maglaman) ng mga entry sa Tagalog. Kung mayroong nagnanais na magkaroon ng Filipino wikipedia, maaari nyang umpisahan ang proyekto na iyon. Wala akong makitang dahilan kung bakit kailangang palitan ang Tagalog wikipedia. Kung may nagnanais na magkaroon ng Taglish na wikipedia, kung iyon ay papayagan ng Wikipedia, wala naman sigurong makakapigil sa taong gustong magsimula ng proyektong iyon.
Ang nais ko lamang sabihin ay ganito: malaya ang sinuman na magumpisa at "magmaintain" ng isang bersyon ng wikipedia maging ito man ay Tagalog, Cebuano, Taglish o Filipino.
Bilang karagdagan na impormasyon, mayroong English wikipedia at mayroon din namang Simplified English na wikipedia. Siguro ay kung may masyado nang malalim na Tagalog (na marahil ay hindi pa gaanong/masyadong mangyayari), magkakaroon marahil ng Simpleng Tagalog na wikipedia kung may susuporta dito. --Aldous 07:56, 3 August 2005 (UTC)
- Still, we will have the same argument — Simpleng Tagalog o Simpleng Filipino ;-) --Jojit fb 10:47, 3 August 2005 (UTC)
- Kung mayroong susuporta sa parehas na wikipedia, bakit hindi parehas? :) Di naman kailangang baguhin itong Tagalog wikipedia dahil wika naman ang Tagalog. Kung may gusto talagang magkaroon ng Filipino wikipedia, maaari nilang umpisahan iyon nang hindi pinapalitan ang Tagalog wikipedia. --Aldous 06:32, 4 August 2005 (UTC)
Karagdagang impormasyon lamang... Kung tama ang aking pagkakaintindi, hindi naman ang pagiging pambansang wika ng Tagalog o Filipino ang isyu dito. Kung ako ang tatanungin, at sa aking pagkakaalam, Filipino ang pambansang wika ngunit di naman nangangahulugan na dapat gawing Filipino wikipedia ang Tagalog wikipedia dahil lamang sa dahilan na ito. Kung ganun ang rason, marahil dapat na rin tanggalin ang Cebuano wikipedia? --Aldous 02:22, 11 August 2005 (UTC)
- Tama ka, kaibigang Aldous, hindi nga pambansang wika ang usapan. Kung iyun ang isyu, mauubusan na tayo ng oras para gumawa ng mga artikulo sa mga wikang Filipino (WIKA, HINDI DIALEKTO) dahil abala tayo sa pag-debate :-) - Pula Bughaw 14:55, 25 Agosto 2006 (UTC)
- Ang Filipino ay dayalekto ng Tagalog. Sadyang binuo ang dayalektong ito upang maging pambansang wika at hindi ang katutubong wikang Tagalog mismo.
Huwag baguhin ang project page
baguhinSa mga manggagamit na gustong maglagay ng kanilang komento, maaari lamang po na ilagay dito sa talk page sa kadahilanang ang project page ay matagal nang naka-archive, hindi na ito maaaring baguhin. Ang mga archived pages ay para sa historical records na lamang, ang pagbabago ng alinmang archived page ay maaaring ikunsidera ng ilan bilang bandalismo. --RebSkii 05:01, 25 Nobyembre 2007 (UTC)
Katotohanan
baguhinNaisip niyo na bang marahil kalahati ng mga boto dito sa pahina ay mga boto mula sa isang tao lamang? Kasi tingnan niyo ang mga ambag ng mga manggagamit na walang pahina (pula ang lagda), mayroong ilan sa kanila ay ito lamang ang tanging ambag, ang pagboto rito. Sa Meta kasi nangyayari ito, kung saan pinapaboto ng ibang mga tao ang papet nilang panagutan upang makakuha ng dagdag "suporta". -- Felipe Aira 08:10, 25 Enero 2008 (UTC)