Purismo

baguhin

Ibinago ko ang pangungusap para ’di na siya gaanong malabo. Ninais kong balansihin ang pahayag na mas marami di-umanong salitang Kastila sa Hiligaynon kaysa Tagalog dahil, kung titingnan, laganap ang gamit ng mga salitang Kastila sa sinasalita (oral at di-pormal) na Tagalog. Ang pinagkaiba lang ay na ang Tagalog, bilang napiling pambansang wika at sa “kasawiang-palad”, noong dekada 1960 at 1970, ay napasailalim sa isang proseso ng pagpu-purge ng mga salitang banyaga, isang prosesong ’di pinagdaanan ng ibang mga wikang Pilipino. Ang silya ay naging upuan at salumpwet, ang telepono/telefono ay naging hattinig, ang literatura ay naging panitikan, ang dyaryo ay naging pahayagan, ang siglo ay naging dantaon, atbp. Nanatili ang paggamit ng ilang mga anyo sa mga pormal na sitwasyon, habang ang iba naman (tulad ng hattinig) ay kinalimutan nang bago pa man mauso.

Halimbawa (Ehemplo):

  • Spoken: Singko lang dati ang presyo ng dyaryo.
  • Formal, written: Limang piso lang dati ang halaga ng pahayagan.
  • Spoken: Madali lang bang maintindihan ang libro?
  • Formal, written: Madali bang maunawaan ang aklat?

Sana’y nakatulong ito maski papaano. —Život 07:44, 14 Pebrero 2007 (UTC)Reply

Template:Infobox Company

baguhin

Naka-"left align" na. (hal: BBC) --bluemask 12:45, 24 Pebrero 2007 (UTC)Reply

kumusta po!!

baguhin

Napansin ko na ang dami ninyong alam tungkol sa Cambodia. May lahi ka bang Cambodian. Ang ganda nung mga nasalin mo at mga impormasyong nagawa mo tungkol sa bansang iyon. napakahusay. --Mananaliksik 03:13, 6 Marso 2007 (UTC)Reply

Nakakatuwa naman ang mga papuri nyo po, (allowed ba dito ang mag-chikahan?). Isa akong purong Pilipino ngunit may dugong kastila ang lolo ko (mga 1/4 siguro). Marami lang akong kaibigan sa Kampuchea at kung tutuusin kahawig na kahawig ang kulay at features nila sa mga Pinoy, lagi din akong napagkakamalang Khmer. Napuntahan ko na ang lugar na ito, at mga kalapit na bansa tulad ng Thailand, VN at India... (naks!). Natutuwa lang ako sa page-edit sa Wikipedia at napakaraming oras na rin ang sinayang ko kaka-edit lang. Napag-trip-an ko ang Cambodia na isang... sabihin na nating medyo kabisado ko na. Kung ihahambing mo ang Ingles na Cambodian article sa Tagalog na bersyon na pinalawak ko, isa lang itong pagsasalin. Maliban sa nage-enjoy ako, marami pa akong natututunan sa Wikipedia. Madalas kong gamiting reference ang Wikipedia sa trabaho ko. Nawa'y magpatuloy ang pagpapalawak mo sa Wikipedia lalong-lalo na sa Tagalog na bersyon nito. Ano-ano ba ang mga hilig mo? Fddfred 08:40, 6 Marso 2007 (UTC)Reply
hilig ko po ang pagbabasa ng ensiklopedya (neird ba??). Kaya noong nagkaroon ng ganito natuwa ako kasi may sariling ensiklopedya na rin ang wikang tagalog. medyo kasi maypaka-makabayan ako (hehe) isa sa mga layunin ko ang payabungin ang panitikang Tagalog. Kasi parang sa panahon ngayon wala masyadong nagkaka-interes dito. lahat ay nasa ingles lamang. Yun po.!!! --Mananaliksik 10:50, 6 Marso 2007 (UTC)Reply

infobox pamantasan

baguhin

Mayroon nang mga gamit na infobox sa ibang mga pamantasan at dalubhasaan dito sa wikipedia tagalog. tignan mo ang template:Infobox Pamantasan. Tignan ang pagkakagamit nito sa DLSU Manila. --Mananaliksik 10:26, 19 Abril 2007 (UTC)Reply

Article: Taon

baguhin

Nais ko sanang ipagbigay alam sa iyo ang spelling ng mga buwan sa "Taon article" tulad ng Disiyembre, Nobiyembre. I would spell it as "Disyembre" and "Nobyembre" without the letter "i". I'm suppose to edit it but I am not sure of myself. Which is which?

There is also a neutrality warning on the "buwan" section, I'd like to delete it kase wala naman sinasaad kung sino ang nagtatalo doon, the discussion page is also empty. Again, thanks a lot! Fddfred talk 04:19, 30 Mayo 2007 (UTC)Reply

Inilipat ko ang mga pangalan ng buwan sa Buwan (panahon). From there, I fixed its neutrality issue. The issue was that the section is biased to Philippine-POV. --bluemask 14:56, 30 Mayo 2007 (UTC)Reply
Pareho silang tama. May nabasa ako dating PDF tungkol mismo dito: Ang baybay na gumagamit ng ‘i’ ay ang baybay ng sistema ng Surian o ni Lope K. Santos (kolehiyo, Biyernes, kuwaderno, diyariyo), habang ang walang ‘i’ ang ponetikong baybay (kolehyo, Byernes, kwaderno, dyaryo). Consistency na lang talaga siguro ang hihingin sa paggamit ng iisang sistema lamang sa pagsulat ng mga indibidwal na artikulo. Pasyensya na lang at ’di ko mabigay ang eksaktong lingk, pero sa tingin ko sa http://wika.pbwiki.com/ ko iyon nakuha. May makikita ka roon na paghahambing ng mga baybay tulad ng ibinigay ko. —Život 11:20, 15 Hunyo 2007 (UTC)Reply

Your account will be renamed

baguhin

08:37, 20 Marso 2015 (UTC)

Renamed

baguhin

12:50, 19 Abril 2015 (UTC)