Katas ng puke

(Idinirekta mula sa Vaginal discharge)

Ang Katas mula sa ari ng babae (Ingles: Vaginal discharge) ay isang katagang pantawag sa mga pluwidong pambiyolohiya na nasa nilalaman sa loob o iniluluwa mula sa puke. Habang ang karamihan sa mga sekresyon ng puke ay normal o karaniwan at nagpapahayag ng samu't saring mga yugto ng panahunan ng isang babae, ang ilang mga tulo ng puke ay maaaring resulta ng isang impeksiyon, katulad ng isang sakit na nakukuha mula pagtatalik.

Katas ng puke
Klasipikasyon at panlabas na mga pinanggalingan
DiseasesDB28137
MedlinePlus003158
MeSHD019522
Halimbawa Tampok na mga katangian Mga tala
Umiinog (may siklo) Makapal at maputi, walang amoy Nagaganap sa simula at wakas ng isang ikot at normal ito.
Obulasyon Malinaw at nababanat Nagaganap sa panahon ng obulasyon.
Candidiasis Makapal, maputi, parang kusilyo (kesong puti) 'Impeksiyon ng lebaduro' (malinab). Namamagang sipit-sipitan.
Trichomoniasis Marami, lunti, mabula
Gonorrhoea Makremang puti o dilaw, walang amoy
Chlamydia May nana, mabaho
Bakteryal na bahinosis Manipis, abo o lunti, malansang parang amoy ng isda.

Ang katawagang blennorrhea ay kadalasang ginagamit upang tukuyin ang mga katas na uhog (mukus) mula sa lagusan ng ihi (urethra) o puke,[1] habang ang blennorrhagia ay tumutukoy sa kalabisan o kasobrahan ng ganyang mga tulo mula sa puke o lagusan ng ihi,[2] na kadalasang tumutukoy sa nakikita sa gonorea.

Mga sanggunian

baguhin
  1. thefreedictionary.com/blennorrhea, mga pagbanggit mula sa:
    • Dorland's Medical Dictionary for Health Consumers. Karapatang-ari 2007
    • The American Heritage® Medical Dictionary. Karapatang-ari 2007
  2. thefreedictionary.com/blennorrhagia, mga pagbanggit mula sa:
    • McGraw-Hill Dictionary of Scientific & Technical Terms, 6E, Karapatang-ari 2003

Pagkatuyo ng Puke - Mga sanhi, Paglulunas