Valiente
Ang Valiente (Kastila para sa "magiting", kilala din sa internasyunal na titulo bilang Brave) ay isang palatuntunang dula na pangtelebisyong nula sa Pilipinas na ginawa ng Television And Production Exponents Inc. (TAPE) na unang napanood sa ABS-CBN noong 1992 tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga! sa ganap na 1:30 ng hapon. Ang serye ay pinangunahan ng mga batikang Pilipinong aktor na sina Tirso Cruz III at Michael de Mesa samantalang inawit ni Vic Sotto ang temang awitin. Kasamang lumipat ng Eat Bulaga! ang Valiente sa GMA Network noong 1995. Tumagal ang serye sa GMA Network hanggang 1997.
Valiente | |
---|---|
Gumawa | Television And Production Exponents Inc. (TAPE) |
Pinangungunahan ni/nina | Tirso Cruz III, Michael de Mesa |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Paggawa | |
Oras ng pagpapalabas | 30 minuto (Lunes hanggang Biyernes) |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABS-CBN |
Balangkas
baguhinTungkol ang serye sa dalawang matalik na magkaibigang sina Theo Braganza at Gardo Valiente, na taliwas ang kanilang mga buhay. Si Theo ay ipinanganak na mayaman na magmamana ng isang hacienda samantalang si Gardo naman ay mahirap at makikitang susunod sa yapak ng kanyang ama na manggagawa sa hacienda ng pamilya ni Theo.