Vic Sotto
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Nobyembre 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Vic Sotto (ipinanganak Abril 28, 1954 sa Maynila) ay isang komedyanteng artista, mang-aawit, kompositor, punong-abala at prodyuser mula sa Pilipinas. Tinatawag siya sa palayaw na "Bossing", palagian siyang nakikita sa pinakamahabang na-ereng palabas sa telebisyon, ang Eat Bulaga! at tinanghal bilang Hari ng Takilya (Box Office King) ng tatlong beses, gayon din bilang pinakamahusay na komedyante sa Parangal ng Bituin sa Telebisyon (Star Awards for Television). Nagtapos si Vic Sotto sa Colegio de San Juan de Letran.
Vic Sotto | |
---|---|
Kapanganakan | Marvic C. Sotto 28 Abril 1954 |
Trabaho | aktor, komedyante, prodyuser ng pelikula, punong-abala, mang-aawit at kompositor |
Aktibong taon | 1975-kasalukuyan |
Kilala sa | Eat Bulaga! |
Asawa | Dina Bonnevie,
(m.1981-1992) Pauleen Luna (m. 2016) |
Magiging punong-abala siya ng parating na palarong palabas sa TV 5, ang bagong season (kabanata) ng Who Wants to Be a Millionaire na si Christopher De Leon ang naunang punong-abala ng palabas na nabanggit.
Pilmograpiya
baguhin- Ako, Ikaw...Magkaagaw (1980)
- Doctor, Doctor, We Are Sick (1985)
- Smith & Wesson (1988)
- Gawa Na ang Bala para sa Akin (1989)
- Once Upon a Time in Manila (1994)
- Lastikman (2003)
- Enteng Kabisote: OK Ka Fairy Ko... The Legend (2004)
- My Little Bossings (2013)
- Meant to Beh (2017)
- Jack Em Popoy: The Puliscredibles (2018)
- Mission Unstapabol: The Don Identity (2019)
Mga parangal
baguhin- Tatlong beses na pinarangalan bilang Hari ng Takilya (Box-Office King) sa Parangal ng Libangan ni Guillermo Mendoza (Guillermo Mendoza's Entertainment Awards).
- Nanalo, Pinakamahusay na Aktor sa isang Seryeng Komedya - Parangal ng Bituin ng PMPC para sa Telebisyon (PMPC Star Awards for Television) (1986, 1989, 1996, 2001, at 2002)
- Okay Ka Fairy Ko
- 1 for 3
- Daddy Di Do Du
- Nanalo, Pinakamahusay na Punong-abala para isang Samu't-saring Palabas (Variety Show) - Parangal ng Bituin ng PMPC para sa Telebisyon (1989, 1992, 2000, 2002 & 2008)
- Eat Bulaga!
- Parangal para sa Habang-buhay na Natamo (Lifetime Achievement Award) (para sa TVJ) - Parangal ng Bituin ng PMPC para sa Telebisyon (2000)
- Nanalo, Hari ng Takilya sa Komedya (Kasama si Dolphy), sa Parangal Libangan ni Guillermo Mendoza (2009)