Vaslav Nijinsky
Si Vaslav Nijinsky (Polako: Wacław Niżyński; Ruso: Вацлав Фомич Нижинский / Vatslav Fomich Nizhinskiy; Marso 12, 1890 - Abril 8, 1950) ay isang Rusang mananayaw ng baley at koreograpong[1] may ninunong Polako. Isa siya sa pinaka nabiyayang mga mananayaw sa kasaysayan, at lumaking ipinagdiriwang para sa kanyang birtuosidad o kagalingan at para sa lalim at intensidad o kaigtingan ng kanyang mga pagganap. Kapatid niyang babae si Bronislava Nijinska, na isa ring mananayaw at koreograpo.
Talambuhay
baguhinIpinanganak siya sa Kiev, Rusya. Nakilala siya dahil sa kanyang rebolusyonaryo o mapanghimagsik na koreograpo, kamangha-manghang kaparaanan o tekniko, at kahenyuhan sa pagganap. Kasama ng kanyang kapatid na babaeng si Bronislava Nijinska, nag-aral siya sa Paaralang Imperyal ng Baley sa San Petersburgo. Dahil sa pagiging malapit sa Ballet Russe ni Serge Diaghilev, nakalikha siya ng natatanging mga gampanin sa Petrouchka at La Spectre de la Rose. Nakatanggap siya ng pagkilala dahil sa kanyang pagkokoreograpo ng mga baley na Le Apres-midi d'un Faune at Le Sacre du Printemps. Noong 1917 apilitan siyang tumigil sa kanyang larangan dahil sa karamdaman sa pag-iisip.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Vaslav Nijinsky". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 444.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Rusya at Sayaw ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.