Si Venus Ebony Starr Williams (isinilang Hunyo 17, 1980) ay isang Amerikana at dalubhasang manlalaro ng tennis, dating nangunguna sa talaan ng World Tennis Association - may ranggog World No. 1 - at pangkasalukuyang kampeon sa isahan at dalawahan laro ng Wimbledon.

Venus Williams
Venus playing world team tennis, Summer 2007[1]
Bansa  Estados Unidos
Tahanan Palm Beach Gardens, Florida, USA
Kapanganakan (1980-06-17) 17 Hunyo 1980 (edad 44)
Pook na sinalangan Lynwood, California, USA
Taas 1.85 m (6 ft 1 in)
Timbang 160 lb (73 kg)
Naging dalubhasa 1994
Mga laro Kanang-kamay (dalawang-kamay na backhand)
Halaga ng premyong panlarangan $18,556,982
Isahan
Talang panlarangan: 489-117
Titulong panlarangan: 36
Pinakamataas na ranggo: Blg. 1 (Pebrero 25, 2002)
Resulta sa Grand Slam
Australian Open F (2003)
French Open F (2002)
Wimbledon W (2000, 2001, 2005, 2007, 2008)
US Open W (2000, 2001)
Dalawahan
Talang panlarangan: 95-20
Titulong panlarangan: 11
Pinakamataas na ranggo: Blg. 5 (Oktubre 11, 1999)
Resulta sa Grand Slam, dalawahan
Australian Open W (2001, 2003)
French Open W (1999)
Wimbledon W (2000, 2002, 2008)
US Open W (1999)

Huling binago ang kahong-pangkabatirang ito noong: Hulyo 6, 2008.

Nagwagi si Williams ng 16 na mga titulong Grand Slam sa larangan ng tennis - 7 sa isahan,7 sa dalawahang pambabae, at 2 sa magkahalong dalawahan. Nanalo rin siya ng isang gintong medalya sa mga palarong Olimpiko sa mga isahan at dalawahang pambabae. Siya ang mas nakatatandang kapatid na babae ng dating "World No. 1" na manlalarong si Serena Williams. Kinikilala ang Magkapatid na Williams dahil sa kanilang mga ipinakikitang gilas at lakas sa larangan ng palaro ng tennis.

Tinalo ni Venus Williams ang nakababatang kapatid na si Serena sa kampeonato ng tennis na pang-Wimbledon ng 2008.[2]

Sanggunian

baguhin
Tala ng medalyang Olimpiko
Pambabaeng Tenis
Ginto 2000 Sydney Isahan
Ginto 2000 Sydney Dalawahan