.

Ang Vinta ng mga Badjao sa Sabah, Malaysia

Ang vinta na kilala rin sa mga tawag na lepa-lepa at sakayan ay isang tradisyunal na bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao. Karaniwan itong ginagawa ng mga Bajau at ng mga Moro tulad ng mga Tausug. Makukulay ang mga banderitas nito na sumisimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga naninirahan sa Kapuluan ng Sulu. Hanggang sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang mga bangka para sa transportasyon ng mga tao at iba't ibang kagamitan. Kilala ang Zamboanga dahil sa mga ito.

Iba pang gamit

baguhin

Tinatawag ding Vinta ang isang sayaw ng mga Moro. Gamit nito, inaalala ang paglalakbay ng mga sinaunang Pilipino papunta sa kapuluan. Sinasayaw ito gamit ng maraming poste kung saan ang mga mananayaw ay bumabalanse sa mga ito na tila ginagaya ang paggalaw ng bangkang vinta.

Mga kawing na panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.