A viral video[1][2] ay isang bidyo na naging sikat sa pamamagitan ng prosesong viral ng pamamahagi sa Internet, karaniwan sa pamamagitan ng mga websayt na namamahagi ng bidyo, hatirang pangmadla at email.[3][4] Para sa isang bidyo na maipapamahagi o maikakalat, kailangang nakatuon ito sa mga lohikang panlipunan at kasanayang pangkalinangan na pinagana at pinasikat ng mga bagong platapormang ito.[5]

Maaring seryoso ang mga viral video, at may ilan na ma-emosyonal, subalit mas marami ang nakasentro sa libangan at nakakatawang nilalaman. Ilan sa kapansin-pansing maagang halimbawa ang pinalabas sa telebisyon na mga comedy sketch, tulad ng "Lazy Sunday" at "Dick in a Box" ng The Lonely Island, mga bidyong Numa Numa[6][7], "The Evolution of Dance",[6] "Chocolate Rain"[8] sa YouTube; at produksyong nasa-web lamang tulad ng "I Got a Crush... on Obama".[9] May ilang saksi sa pangyayari na nakunan ng bidyo ang "naging viral" tulad ng Battle at Kruger.[10]

Isang komentarista ang tinawag ang bidyong Kony 2012 na ang pinaka-viral na bidyo sa kasaysayan[11] (mga 34,000,000 panonood sa loob ng tatlong araw[12] at 100,000,000 panonood sa anim na araw[13]), subalit nakatanggap ang "Gangnam Style" (2012) ng isang bilyong panonood sa loob ng limang buwan[14][15][16] at naging pinakapinapanood na bidyo sa YouTube mula 2012 hanggang malagpasan ito ng "Despacito" (2017).[17]

Kuwalipikasyon

Mayroong ilang paraan upang sukatin kung "naging viral" ang isang bidyo. Marahil ang estadistika na pinakababanggit ay ang bilang ng panonood, at habang naging mas mabilis ang pamamahagi, ang panimulang kinakailangang napakanipis na bilang ng panonood ay tumaas. Naalala ng personalidad ng YouTube na si Kevin Nalty (kilala bilang Nalts) sa kanyang blog: "A few years ago, a video could be considered 'viral' if it hit a million views" (Noong ilang nakalipas na taon, maaring ituring ang isang bidyo na 'viral' kung aabot ito ng isang milyong panonood) subalit sinabi noong 2011 na maituturing lamang na "viral" ang bidyo kung makakakuha ito ng 5 milyong panonood sa loob ng 3 hanggang 7 araw.[18][19] Sa pagkukumpura, nakatanggap ang Numa Numa ng dalawang milyong hit sa Newgrounds sa unang tatlong buwan nito (isang bilang na ipinaliwanag sa isang artikulong noong 2015 bilang "a staggering number for the time" o "isang nakakabiglang bilang noong panahong iyon").[20]

Ipinalagay din ni Nalts ang tatlong iba pang konsiderasyon: bali-balita, parodya, at katagalan,[18] na mas komplikadong paraan sa paghusga ng panonood ng isang viral video. Binibigyan pansin ng bali-balita ang puso ng isyu; habang mas maraming pagbabahagi ang bidyo, mas marami itong diskusyon na nalilikha mapa-online o offline man. Binibigyan-diin niya na kung maraming nakuhang bali-balita ang bidyo, mas maraming panonood ang makukuha nito. Natagpuan ng isang pag-aaral ng mga viral video ng Unibersidad ng Carnegie Mellon na nakaapekto ang popularidad ng nag-upload ng bidyo kung magiging viral ito,[21] at nagiging malawak na pinag-uusapan ang isang bidyo na ibinahagi ng isang popular na pinagmulan tulad ng isang kilalang tao o sikat na nagbibigay balita sa isang himpilang pantelebisyon.[18] Bahagi din ng algoritmo ng YouTube ang paghula kung ano ang magiging popular na bidyo.[22] Kadalasang ipinapahiwatig ng mga pardoya, spoof, at spin-off ang pagiging sikat ng bidyo, kasama ang pagbigay ng mga bilang ng panonood ng matagal na popular na bidyo, gayon din bilang isang karagdagang bilang ng panonood ay binibigay sa orihinal na bidyo na mula sa mga parodya. Ipinapahiwatig ng katagalan ng bidyo kung naging bahagi ito ng Zeitgeist.

Mga sanggunian

  1. About.com, hinango 30 Marso 2016, ay pinapaliwanag sa wikang Ingles kung paano ang "viral," na malawak ngunit hindi sa kabuuan may kaugnayan sa virus ang "viral video" sa kontekstong online http://webtrends.about.com/od/howtoguides/a/Viral-Online.htm (sa Ingles)
  2. Ginawan ng halimbawa ng Oxford Dictionary sa wikang Ingles, hinango 30 Marso 2016, kung paano may kaugnayan ang "viral" sa "video": "the video went viral and was seen by millions" (ang bidyo ay naging viral at nakita ng milyon-milyon) https://www.oxforddictionaries.com/definition/english/viral Naka-arkibo 2016-08-25 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  3. "Kahulugan 'viral video' sa Ingles[patay na link]". PC Mag Encyclopedia. Hinango Disyembre 21, 2012.
  4. Lu Jiang, Yajie Miao, Yi Yang, ZhenZhong Lan, Alexander Hauptmann. Viral Video Style: A Closer Look at Viral Videos on YouTube. Sa Ingles. Hinango 30 Marso 2016. Paper: https://www.cs.cmu.edu/~lujiang/camera_ready_papers/ICMR2014-Viral.pdf Mga slide: https://www.cs.cmu.edu/~lujiang/resources/ViralVideos.pdf
  5. Jenkins, Henry (2013). Spreadable Media: Creating Value and Meaning in a Networked Culture (sa wikang Ingles). NYU Press. p. 3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "How YouTube made superstars out of everyday people". 11 Abril 2010. The Guardian. (sa Ingles)
  7. "Guardian Viral Video Chart". 8 Hunyo 2007. The Guardian. (sa Ingles)
  8. Murphy, Meagan (22 Setyembre 2010). "'Numa Numa Guy' Fronting Band, Still Single". FOX411. (sa Ingles)
  9. Tapper, Jake (13 Hunyo 2007). "Music Video Has a 'Crush on Obama'". ABC News. Hinango noong 27 Disyembre 2014. (sa Ingles)
  10. Sinabi ng BBC News "Almost 9.5m people have already watched the video, dubbed the Battle at Kruger, which was filmed by US tourist Dave Budzinski while he was on a guided safari." Nilathala noong 9 Ago 2007. (sa Ingles) Hinango noong 26 Marso 2016 http://news.bbc.co.uk/1/hi/world/africa/6938516.stm
  11. Flock, Elizabeth (4 Abril 2012). "Kony 2012 screening in Uganda met with anger, rocks thrown at screen". The Washington Post (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Kony most viral" (sa wikang Ingles). Mashable. 12 Marso 2012. Nakuha noong 26 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "How 'Gangnam Style' Went Viral [Graphic]". Scientific American (sa wikang Ingles). Enero 1, 2014. Nakuha noong 1 Hunyo 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Weng, Lilian; Menczer, Filippo; Ahn, Yong-Yeol (2013). "Virality Prediction and Community Structure in Social Networks". Scientific Reports (sa wikang Ingles). 3: 2522. arXiv:1306.0158. Bibcode:2013NatSR...3E2522W. doi:10.1038/srep02522. PMC 3755286. PMID 23982106.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Laird, Sam (5 Setyembre 2012). "Gangnam Style! The Anatomy of a Viral Sensation [INFOGRAPHIC]". Mashable (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "YouTube's 10 years of hits: Global recognition at last for Rick Astley". The Register (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 18.0 18.1 18.2 O'Neill, Megan (9 Mayo 2011). "What Makes A Video 'Viral'?" AdWeek. Retrieved 20 Disyembre 2013. (sa Ingles)
  18. Nalts (sudonimo) (6 Mayo 2011). "How many views do you need to be viral?" Will Video for Food (blog). Hinango noong 28 Disyembre 2015. (sa Ingles)
  19. Merrill, Brad (17 Hunyo 2015). "Here’s How Videos Went Viral Before YouTube And Social Media". Make Use Of. Hinango noong 28 Disyembre 2015. (sa Ingles)
  20. "Characteristics – CMU Viral Videos" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Hunyo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)