Virgilio Almario

(Idinirekta mula sa Virgilio S. Almario)

Si Virgilio Senadren Almario ay kilalang awtoridad sa larangan ng wikang Filipino at panitikan ng Pilipinas. Kasalukuyang dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Gamit ang sagisag na Rio Alma, si G. Almario ay nakapagsulat at nakapaglathala na ng mga tula at kuwento na kinilala na rin ng maraming mga institusyon tulad ng Carlos Palanca Foundation, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines, o CCP) at Komisyon sa Wikang Filipino. Kilalang mananaliksik din si G. Almario at pangunahing tuon ng kanyang mga pananaliksik. Isa rin siya sa mga hinirang na Outstanding Writers and Artists of the Century ng CCP.......

Virgilio Senadren Almario
Si Virgilio Almario sa isang pagbabasa ng tula noong Hunyo 2011.
Kapanganakan
Virgilio Senadren Almario

9 Marso 1944
NasyonalidadPilipino
KilusanPagkamakabagong Pilipino
ParangalGawad Sentenaryo ng Pamantasan ng Pilipinas, Gawad Amado V. Hernandez, Gawad Balagtas para sa Panulaan at Sanaysay
LaranganPanitikan
Pinag-aralan/KasanayanPamantasan ng Pilipinas
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Panitikan
2003

Dating direktor ng Surian ng Malikhaing Pagsulat ng Unibersidad ng Pilipinas, si G. Almario ay nagtapos ng kanyang AB sa Political Science at MA sa Filipino sa naturang unibersidad.