Si Vittore Carpaccio (sirka 1460 – 1525/1526) ay isang Italyanong pintor ng paaralang Benesyano, na nag-aral sa ilalim ni Gentile Bellini. Higit na kilala siya dahil sa isang inog o siklo ng siyam na mga dibuho, Ang Alamat ni Santa Ursula. May pagkakonserbatibo ang kanyang estilo, na nagpapakita ng maliit na impluwensiya ng gawing pagkahumanista ng Renasimiyento, na nakapagpabago sa mga larawang ipininta noong Renasimyentong Italyano noong kanyang kapanahunan. Naimpluwensiyahan siya ng estilo ni Antonello da Messina at ng maagang sining ng Olandes. Dahil dito, at dahil na rin sa karamihan sa kanyang mga gawa ang nananatili sa Benesya, tila napabayaan na ang kanyang sining kung ihahambing sa iba pang mga kasabayan niyang Benesyano, katulad nina Giovanni Bellini o Giorgione. Maaaring higit na kilala siya dahil sa kanyang mga tanawing urbano, katulad ng isang larawang ipinintang nagpapakita ng mahiwagang pagpapagaling sa Tulay ng Rialto. Nag-aalok ang mga kanbas na ito ng ilan sa pinakamahusay na mga impresyon ng Benesya noong kaigtingan pa ng kapangyarihan at kayamanan nito, na nagpapakita ng malakas na damdamin ng pagmamalaki ng mga mamamayan nito. Sa iba pang mga ipinintang larawan, nagpapakita siya ng diwa ng pantasya na tila muling tumutunghay sa romansang midyibal, sa halip na nakikisalo sa pananaw na pastoral ng susunod na salinlahi.

Vittore Carpaccio
Kapanganakan1465 (Huliyano)
  • (Kalakhang Lungsod ng Venecia, Veneto, Italya)
Kamatayan1526
MamamayanRepublika ng Venezia
Trabahopintor,[1] dibuhista[1]
Tungkol ito sa isang pintor ng ika-15 daang taon. Para sa pagkain, pumunta sa Carpaccio.

TaoItalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 https://cs.isabart.org/person/58740; hinango: 1 Abril 2021.