Vocabulario de la Lengua Bicol
Ang Vocabulario de la Lengua Bicol (Tagalog: Talasalitaang Wikang Bikol) ay talasalitaan ng mga salitang Bikolano. Tinipon ang mga ito ni Marcos de Lisboa nang siya ay nakatalaga sa Bikol.
Patnugot
baguhinSi Lisboa ay nanatili sa Bikol mula 1602 hanggang 1616 sa Oas, Polangui at sa Nueva Caceres. Sa 14 na taon ng pananatili niya sa rehiyon, nakatalaga siya sa Naga sa siyam na taon. Ang dalawang taon sa panahon niya ay naupo siya bilang isang vicario provincial sa Apostolica Provincia de San Gregorio.
Talasalitaan
baguhinKilala ang ilan sa mga salitang Bikol sa kanilang pagiging tiyak.[2]
Bikol | Tagalog |
---|---|
matongod | bibili ng paroy o bigas |
matangway | bibili ng alak, lana, suka, atbp. |
mabahay | bibili ng gubing |
malagdo | lahat ay bibilhin |
manamal | bibili ng isda |
masalew | bibili ng alalay, aso, bahay o sasakyan pandagat |
masambot | bibili ngunit may utang |
matingi | bibili sa menudo |
magatang | bibili ng lupang sakahan |
masahol | bibili ng bangka |
Ilan pa sa mga natatanging salita ay nakatala patungkol sa ginto.
Bikol | Tagalog |
---|---|
binatac | gintong tanikala |
dinogso' | uri ng gintong kuwintas |
camague | gintong tanikalang sinusuot sa baywang |
hinolog | gintong hindi puro |
patanao | gintong hikaw |
pinangdan | gintong lubid |
Tingnan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ Sinapi sa Biblioteca Nacional de Espana
- ↑ https://www.europeana.eu/portal/en/record/9200110/BibliographicResource_1000126571618.html
Karagdagang Pagbasa
baguhin- https://www.scribd.com/document/351998451/Maria-Lilia-F-Realubit-Translating-Vocabulario-de-La-Lengua[patay na link]
- https://www.researchgate.net/publication/336306156_Vocabulary_Similarity_between_Old_Languages_Bikol_Kapampangan_and_Tagalog
- https://quod.lib.umich.edu/p/philamer/AEZ4803.0001.002/236?rgn=full+text;view=image;q1=pablo+rojo
- Ang Vocabulario ni Marcos de Lisboa, 1865 na edisyon
- Ang Vocabulario ni Marcos de Lisboa, 1754 na edisyon