Walang Hangganang Mga Pinuno ng Juche Korea

Ang walang hangganang mga pinuno ng Juche Korea (Koreano: 주체조선의 영원한 수령) ay tumutukoy sa kaugalian ng pagbibigay ng mga postumong titulo sa mga namatay na kataas-taasang pinuno ng Hilagang Korea. Ang pariralang "walang hangganang mga pinuno ng Juche Korea" ay itinatag sa pamamagitan ng isang linya sa pambungad sa saligang batas ng bansa. Sinusugan ito noong Hunyo 30, 2016 at sa mga nakaraan at sumunod na pagbabago.

Mga rebulto nina Kim Il-sung (kaliwa) at Kim Jong-il (kanan), dalawang pinuno ng Hilagang Korea na binansagan na mga "walang hangganang mga pinuno ng Juche Korea"

Mga Titulo

baguhin

Walang Hangganang Pangulo

baguhin

Binago ang saligang batas noong 1998. Inalis ang posisyong pangulo at idineklara si Kim Il-sung na "walang hangganang pangulo". Ang pambungad ng Sosyalistang Saligang Batas ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea na sinusugan noong Setyembre 5, 1998 ay nagbabasa:

Sa ilalim ng pamumuno ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea, ang Demokratikong Republikang Bayan ng Korea at ang mga Koreano ay bibigyan ng mataas na pagpapahalaga ang dakilang pinuno na si Kasamang Kim Il-sung bilang ang walang hanggang Pangulo ng Republika…[1]

Ang pangulo ay ang noo'y de jure na pinuno ng estado ng Hilagang Korea, ngunit ang mga kapangyarihan niya ay ginamit sa pamamagitan ng "sagradong pinuno" na kabilang sa Juche, ang ideolohiya ng estado. Ayon kina Ashley J. Tellis at Michael Wills, ang pagbabago sa pambungad ng saligang batas ay naging marka ng tanging Hilagang Koreanong katangian ng pagiging teokratikong estado na nakabatay sa kulto ng pagkatao ni Kim. Muli siyang tinukoy noong 2012 na "walang hangganang pangulo ng Demokratikong Republikang Bayan ng Korea" sa saligang batas.[2][3]

Walang Hangganang Pangkalahatang Kalihim at Tagapangulo

baguhin

Pagkatapos ng pagkamatay ni Kim Jong-il, ang saligang batas ay binago noong 2012, at dineklara si Kim bilang ang Walang Hangganang Pangkalahatang Kalihim ng Partido ng Mga Manggagawa ng Korea at Walang Hangganang Tagapangulo ng Komisyon ng Tanggulang Pambansa. Ang titulo ng pinuno ng partido ay pinalitan sa "Unang Kalihim". Noong 2016, ang titulong "walang hangganang mga pinuno ng Juche Korea" ay ipinakilala sa pamamagitan ng pagbabago sa pambungad ng saligang batas, at ibinigay ito kina Kim Il-sung at Kim Jong-il.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Constitution of North Korea (1972) Wikisource
  2. Ashley J. Tellis; Michael Wills (30 Setyembre 2007). Domestic Political Change and Grand Strategy. NBR. p. 128. ISBN 978-0-9713938-8-2. Nakuha noong 9 Hulyo 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Padron:Cite act