Walter Baade
Si Wilhelm Heinrich Walter Baade (24 Marso 1893 – 25 Hunyo 1960) ay isang astronomong Aleman na naghanapbuhay sa Estados Unidos mula 1931 hanggang 1959.
Walter Baade | |
---|---|
Kapanganakan | 24 Marso 1893 |
Kamatayan | 25 Hunyo 1960 | (edad 67)
Nasyonalidad | Aleman |
Mamamayan | Aleman |
Nagtapos | Pamantasan ng Göttingen |
Parangal | Medalyang Bruce 1955 |
Karera sa agham | |
Larangan | Astronomiya |
Institusyon | Obserbatoryong Hamburg-Bergedorf, Mt. Wilson, Obserbatoryong Palomar |
Doctoral student | Halton Arp Allan Sandage |
Mga natuklasang asteroyd: 10 | |
---|---|
930 Westphalia | 10 Marso 1920 |
934 Thüringia | 15 Agosto 1920 |
944 Hidalgo | 31 Oktubre 1920 |
966 Muschi | 9 Nobyembre 1921 |
967 Helionape | 9 Nobyembre 1921 |
1036 Ganymed | 23 Oktubre 1924 |
1103 Sequoia | 9 Nobyembre 1928 |
1566 Icarus | 27 Hunyo 1949 |
5656 Oldfield | 8 Oktubre 1920 |
7448 Pöllath | 14 Enero 1948 |
Talambuhay
baguhinNaging kapakipakinabang sa kaniyan ang mga kalagayan ng pagkakaroon ng walang kuryente noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na nakapagbawas ng polusyon ng liwanag sa Obserbatoryo ng Mount Wilson, upang malutas ang mga bituin na nasa gitna ng galaksiyang Andromeda sa unang pagkakataon, na humantong sa kaniyang paglalarawan ng namumukod-tanging mga populasyon para sa mga bituin (Populasyon I at Populasyon II). Ang kaparehong mga obserbasyon ay humantong sa kaniyang pagkatuklas na mayroong palang dalawang mga uri ng mga butuin na baryableng Cepheid. Ang pagkakatuklas na ito ay humantong sa kaniya na muling kalkulahin ang sukat ng nakikilalang uniberso, na nagpadoble sa dating pagtutuos na ginawa ng Hubble noong 1929.[1][2][3] Ipinahayag niya ang natuklasan niyang ito na nagdulot ng nauukol na pagkakamanghai sa pagpupulong ng International Astronomical Union sa Roma noong 1952.
Kasama ni Fritz Zwicky, nakilala niya ang mga supernoba bilang isang bagong kategorya ng mga bagay na pang-astronomiya.[4][5] Ipinanukala rin ni Baade at ni Zwicky ang pag-iral ng mga bituing neutron, at ipinanukala na ang mga supernoba ay maaaring makalikha ng mga bituing neutron.
Simula noong 1952, si Baade at si Rudolph Minkowski ang nakakilala ng mga katumbas na optikal ng sari-saring mga pinagmumulang mga radyo,[6] kabilang na ang Cygnus A. Natuklasan niya ang 10 mga asteryod, kasama na ang mga namumukod-tanging 944 Hidalgo (mahabang peryodo ng orbit) at ang asteroyd na klaseng Apollo na 1566 Icarus (na ang perhelion ay mas malapit kaysa sa Merkuryo) at ang asteroyd na Amor na 1036 Ganymed.
Mga parangal
baguhinMga gantimpala
- Medalyang Ginto ng Royal Astronomical Society (1954)
- Medalyang Bruce (1955)
- Henry Norris Russell Lectureship ng American Astronomical Society (1958)
Ipinangalan para sa kaniya
- Asteroyd na 1501 Baade
- Ang kreyter na Baade sa ibabaw ng Buwan
- Vallis Baade, isang vallis (lambak) sa ibabaw ng Buwan
- Isa sa dalawang mga teleskopyong Magellan
- Ang asteroyd na 966 Muschi, mula sa palayaw ng kaniyang asawa
Tingnan din
baguhin- Bintana ni Baade, isang pook na pang-obserbasyon na nakilala niya noong dekada ng 1940 bilang may kaukol na kawalan ng mga alikabok na lumilitaw at isang tanaw sa Sentro Galaktiko na nasa loob ng Sagittarius
- Bituin ni Baade, na nakikilala sa ngayon bilang Pulsar ng Alimango, ay unang nakilala niya bilang tuwirang mayroong kaugnayan sa Nebulang Alimango
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Baade W (1944) Ang resolusyon ng Messier 32, NGC 205, at ang sentral na rehiyon ng nebulang Andromeda. ApJ 100 137-146
- ↑ Baade W (1956) Ang relasyon ng peryodo-lumonisidad ng mga Cepheid. PASP 68 5-16
- ↑ Allen, Nick. "Section 2: The Great Debate and the Great Mistake: Shapley, Hubble, Baade". The Cepheid Distance Scale: A History. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-10. Nakuha noong 19 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ W. Baade, F. Zwicky, 1934, "On Super-Novae[patay na link]". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America, 254-259.
- ↑ Donald E. Osterbrock, Walter Baade – A Life in Astrophysics, Princeton und Oxford: Princeton University Press 2001. ISBN 0-691-04936-X. Sa kaniyang biyograpiya, ipinahayag ni Osterbrock, sa pahina 32, na ginamit na ni Baade ang pariralang Aleman na "Hauptnova" (pangunahing noba, ang sinaunang salita ni Baade para sa supernoba) sa panayam na pampapasinaya ni Baade noong 1929 sa Hamburg (Osterbrock).
- ↑ Baade, W. at Minkowski, R., 1954. Identification of the Radio Sources in Cassiopeia, Cygnus A, and Puppis A. Astrophysical Journal, Bolumen 119, p. 206-214 (Enero 1954) ADS: 1954ApJ...119..206B
Iba pang mga mababasa
baguhin- Osterbrock, Donald E (2001-11-01). Walter Baade: A Life in Astrophysics. ISBN 0-691-04936-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Dieke, Sally H. (1970). "Baade, Wilhelm Heinrich Walter". Dictionary of Scientific Biography. Bol. 1. New York: Charles Scribner's Sons. pp. 352–354. ISBN 0-684-10114-9.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)