Ang wasei-kango (Hapones: 和製漢語, "Salitang Tsino na gawang-Hapon") ay tumutukoy sa mga salita sa wikang Hapones na binubuo ng mga morpemang Tsino na inimbento sa Hapon sa halip na hiniram mula sa Tsina. Karaniwang isinusulat ang gayong mga termino sa kanji at binabasa ayon sa bigkas-on'yomi ng mga titik. Habang nabibilang ang maraming salita sa nakikibahaging talasalitaang Sino-Hapones, wala ang iilang kango sa Tsino habang napakaiba ang kahulugan ng iilan kumpara sa Tsino; ngunit hiniram ang iilang salita ng wikang Tsino.

Panahong Meiji

baguhin

Noong Pagpapanumbaik ng Meiji, langkay-langkay na inimbento ang mga salitang Hapones upang kumatawan sa mga kanluraning konsepto tulad ng rebolusyon (革命, kakumei) o demokrasya (民主, minshu). Sa bandang katapusan ng ika-19 siglo, muling inangkat ang karamihan nitong mga termino patungo sa wikang Tsino. Dahil kadalasang kahawig ang mga anyo ng salita sa mga katutubong salitang Tsino, kadalasang hindi pinapansin ng mga nagsasalita ng Tsino na nalikha ang mga ito sa Hapones.[1] Gayunpaman, nangangatuwiran ang iilang iskolar na marami sa mga salitang iyon , na itinuring bilang Wasei-kango ng iilan, ay talagang nalikha ng mga Tsinong at Kanluraning isklor. Noong ika-19 na siglo, bumili nang bumili ang mga opisyal mula sa Hapon ng mga diksyunaryong Sino-Ingles tulad ng "A Dictionary of the Chinese Language (1822)", "An English and Chinese Vocabulary in Court Dialect (1844)" at "Vocabulary and Handbook of the Chinese Language (1872)" mula sa Tsina upang mabahiran ng Kanluraning sibilisasyon.[2]

Kasaysayan

baguhin

Panahong dipa-Meiji

baguhin

Mula noong sinaunang panahon, dinaragdagan ng mga Hapones ang kanilang katutubong talasalitaan, kilala bilang yamato kotoba, sa paghiram ng mga mararaming salita mula sa Tsino. Matapos isama ang mga salitang Tsino sa kanilang talasalitaan, nagsimula sila sa paglikha ng kanilang sariling kango.

Isang pinagmulan ng wasei-kango ang bagong interpretasyon ng yamato kotoba sa pamamagitan ng bigkas-on'yomi ng mga titik sa halip ng orihinal na kun'yomi. Halimbawa, ang makalumang salita para sa Hapon, 日の本 (ひのもと) ay naging makabagong 日本 (にほん or にっぽん). Isa pang halimbawa ang salita para sa daikon, 大根 – pinalitan ang おおね ng だいこん. Paminsan-minsan, kailangan ang pagbabaligtad ng pagkakasunud-sunod ng titik, tulad sa pagyari ng 立腹 (りっぷく) mula sa 腹が立つ (はらがたつ), para sa galit. Nalikha rin ang mga salita para sa mga konsepto sa kulturang Hapones tulad ng geisha (芸者), ninja (忍者), o kaishaku (介錯).

Pagpapanumbalik ng Meiji

baguhin

Noong lumakas ang Kanluraning impluwensya sa Hapon noong ika-19 siglong Pagpapanumbalik ng Meiji, natuklas ng mga Hapones na isklor na nangailangan nila ang mga bagong salita upang isalinwika ang mga konseptong galing sa Europa. Tulad ng isinulat ni Natsume Sōseki sa kanyang talaarawan,

law ハ nature ノ world ニ於ル如ク human world ヲ govern シテ居ル

[kailangan ng sanggunian]

o sa Tagalog, "Namamahala ang batas sa mundo ng tao gaya ng mundong likas." Nang maglaon, noong ganap na nanaturalisa ang gayong mga Europeong konsepto sa pananaw ng Hapones, naging posible ang pagsulat ng pangungusap sa itaas bilang

法律ハ自然ノ世界ニ於ル如ク人類世界ヲ統治シテ居ル。

Sa makabagong Hapones, isusulat ang pangungusap bilang "法律は自然の世界に於る如く人類世界を統治している。"

Inangkat din ng mga Hapones na opisyal at isklor ang mga makabagong termino na nilikha ng mga Tsinong at Kanluraning iskolar mula sa mga diksyunaryong Sino-Ingles mula sa Tsina. Karaniwan pa rin ang paggamit ng karamihan sa mga terminong ito ng dalawang bansa sa kasalukuyan.[2]

Paminsan-minsan, ang mga salitang umiiral noon ay muling ginamit upang isalinwika ang gayong mga makabagong konsepto. Halimbawa, ang 世界 ay dating termino mula sa Budismong Klasikong Tsino na naging makabagong salita para sa "mundo." Ang mga ibang salita ay bagong bago, tulad ng keisatsu (警察, pulis), denwa (電話, telepono), kagaku (科学, agham) at tetsugaku (哲学, pilosopiya). Nalikha ang karamihan sa mga wasei-kango sa panahong ito. Kasunod sa Pagpapanumbalik ng Meiji at tagumpay ng mga Hapon sa Unang Digmaang Sino-Hapones, nakarating ang karamihan ng mga gayong salita sa mga makabagong wikang Tsino, Koreano at Biyetnames kung saan nananatili sila ngayon.

Talababa

baguhin
  1. Chung, Karen Steffen (2001). "Chapter 7: Some Returned Loans: Japanese Loanwords in Taiwan Mandarin" (PDF). Sa McAuley, T.E. (pat.). Language Change in East Asia. Richmond, Surrey: Curzon. pp. 161–179. ISBN 0700713778. Nakuha noong 19 Agosto 2015. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 陳力衛《語詞的漂移:近代以來中日之間的知識互動與共有》,〈學苑〉, 2007-05-29

Mga sanggunian

baguhin
  • Robert Morrison "A Dictionary of the Chinese Language" (1822): 使徒, 審判, 法律, 醫學, 自然的, 新聞, 精神, 単位, 行為, 言語
  • Samuel Wells Williams "An English and Chinese Vocabulary in Court Dialect" (1844): 內閣, 選舉, 新聞紙, 文法, 領事
  • Walter Henry Medhurst "English and Chinese Dictionary" (1847-1848): 知識, 幹事, 物質, 偶然, 教養, 天主, 小說, 本質
  • Wilhelm Lobscheid "English and Chinese Dictionary, with Punti and Mandarin Pronunciation" (1866-1869): 蛋白質, 銀行, 幻想, 想像, 保險, 文學, 元帥, 原理, 右翼, 法則, 戀愛、讀者
  • Justus Doolittle "Vocabulary and Handbook of the Chinese Language" (1872): 電報, 電池, 光線, 分子, 地質論, 物理, 動力, 光學, 國會, 函數, 微分學