Watawat ng Polonya
Ang watawat ng Polonya (Polako: flaga Polski) ay bandilang bikolor ng dalawang pahalang na banda ng puti sa itaas at pula sa ibaba. Mga kulay na itinakda ng Saligang Batas ng Polonya bilang pambansang kulay nito. May dalawang baryante rin ang watawat: isang may eskudo de armas ng bansa sa gitna ng puting parihaba na reserbado para sa opisyal na paggamit sa karagatan at sa ibang bansa, at isa ring nakabuntot-golondrina (swallow tail) na ginagamit naman bilang ensenyang pang-hukbong dagat nito.
Pangalan | Watawat ng Republika ng Polonya |
---|---|
Paggamit | Pambansang watawat |
Proporsiyon | 5:8 |
Pinagtibay | 1 Agosto 1919 |
Disenyo | Isang pahalang na bikolor ng puti at pula |
Baryanteng watawat ng Polonya | |
Pangalan | Watawat ng Republika ng Polonya na may eskudo de armas nito |
Paggamit | Ensenyang sibil at pang-estado |
Proporsiyon | 5:8 |
Pinagtibay | 1919; huling binago noong 1990 |
Disenyo | Isang pahalang na bikolor ng puti at pula na kinaskasan ng eskudo de armas ng Polonya sa puting parihaba |
Unang itinakda ang puti at pula bilang pambansang kulay ng Polonya noong 1831, at nagmula ito sa tradisyong heraldiko ng bansa, kung saan inangkin ang tintura (kulay) ng mga eskudo de armas ng kasaping bansa ng Komonwelt ng Polonya at Litwaniya: ang Puting Agila ng Polonya at ang Pahonia (Manunugis; isang kabalyerong nakakabayo) ng Dakilang Dukado ng Litwaniya, na parehong nakapataw sa isang pulang likuran.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Polonya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.