Ang apulid (Ingles: water caltrop o water chestnut) ay anuman sa dalawang uri ng saring Trapa - ang Trapa natans at Trapa bicornis. Ang mga ito ay kapwa mga lumulutang na taunang halamang pantubig (akwatiko), na lumalaki sa mga tubigang may mabagal na daloy, umaabot sa 5 metro patungo sa ilalim ng tubig, at katutubo sa mga maligamgam na bahagi ng Eurasya at Aprika. Nagbubunga ang mga ito ng mga mapalamuting-hugis na prutas na kahawig ng ulo ng toro, na naglalaman ng isang lubhang malaking magawgaw na buto. Dahil sa mga butil nito, inalaagan na ito sa Tsina noon pa mang may 3,000 taon na ang nakalilipas. Pinakukuluan ang mga buto para minsanang maipagbili bilang mga pagkaing panlansangan sa katimugan ng Tsina. Bagaman tinatawag na water chestnut (apulid) sa wikang Ingles, ang mga ito ay hindi maituturing na tunay na mga apulid (chinese water chestnut), sapagkat hindi naman sila magkamag-anak.

Trapa
Mga pinakuluang buto ng T. bicornis
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Myrtales
Pamilya: Lythraceae
Subpamilya: Trapoideae
Sari: Trapa
L.

Etimolohiya

baguhin

Ang panlahatang pangalan (katawagang heneriko) o sari (genus) na Trapa [Ingles] ay hinango mula sa isang salitang Latin - ang calcitrappa (caltrop) - na nangangahulugang "thistle". Ang salitang caltrop ay tumutukoy din sa isang maliit na sandatang bakal na ginamit noong mga araw ng gitnang kapanahunan (medyibal). Ang sandatang bakal na ito ay may apat na tulis, na sadyang ginawa para matusok ang mga ulunggadong paa ng mga kabayong pag-aari ng mga kalabang kabalyero. May kagamitang katulad ng mga ito na ginamit naman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig para wakwakin ang mga gomang gulong ng mga trak ng mga kaaway.[1]

Ang pangalan nito sa wikang Tsino ay língjiǎo (菱角), ang ibig sabihin ng líng ay "water caltrop" [ingles] o "apulid", samantalang ang jiǎo ay nangangahulugang "sungay."

Hindi dapat mapagkamalaman na mga Eleocharis dulcis (chinese waterchestnut, tunay na apulid) ang mga ito. Ang Eleocharis dulcis ay isang sedge na may mga mabilog at malutong na corm, at isa itong halamang akwatika na itinatanim na sa Tsina noon pa mang mga isinaunang mga panahon. Ang mga corm ng Eleocharis dulcis ay pangkaraniwang sangkap sa mga Kanluraning gawi ng mga lutuing Tsino.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.