Wikang Heorhiyano

Wikang opisyal ng Heorhiya
(Idinirekta mula sa Wikang Heyorhiyano)

Ang Wikang Heorhiyano (ქართული ენა, kartuli ena) ay ang katutubong wika ng mga Heorhiyano at ang wikang opisyal ng Heorhiya, isang bansa sa Kawkaso na nasa Gitnang Silangan.

Heorhiyano
ქართული Kartuli
Katutubo saHeyorhiya, Rusya, Estados Unidos, Israel, Ukranya, Turkiya, Iran, Aserbayan.
Mga natibong tagapagsalita
4 na milyon[1]
Timog Kawkasiyano o Kartbeliyano
  • Heorhiyano
Alpabetong Heorhiyano
Opisyal na katayuan
 Heorhiya
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1ka
ISO 639-2geo (B)
kat (T)
ISO 639-3kat

Ginagamit ito ng 3.9 milyong katao sa Heorhiya mismo, at ng 500,000 tao sa labas ng bansa (na nasa Turkiya, Iran, Rusya, Estados Unidos, at sa mga bansa sa Europa). Isa itong wikang pampanitikan para sa lahat ng pangkat etniko sa Heyorhiya, kabilang na ang mga tagapagsalita ng mga Wikang Timog Kawkasiyano o Kartbeliyan, gaya ng mga wikang Svan, Mingreliyano, at Laz. Itinuturing na hiwalay sa Wikang Ebreo ang mga wikang Hudyo-Heorhiyano na ginagamit ng 20,000 katao sa Heyorhiya at 60,000 sa Israel.

Sa lahat ng Wikang Timog Kawkasiyano, gaya ng mga wikang Svan at Magrelyano ng Hilagang-Kanlurang Heorhiya, at Laz ng baybayin ng Turkiya sa tabi ng Dagat Itim, mula Melyat, Rize hanggang sa hangganan ng Heorhiya.

Ilan sa mga diyalekto ng Wikang Heorhiyano ay ang Imeretiyano, Racha-Lechkhumiyano, Guriyano, Adjarano, Imerkheviyano (sa Turkiya), Kartliyano, Kakhetyano, Ingilo (sa Aserbayan), Tush, Khevsur, Mokheviyano, Pshaviyano, Fereydan (sa mga bayan ng Fereydunshahr at Fereydan sa Iran), Mtiuletiyano, at Meskhetiyano.

Kasaysayan

baguhin

Pinaniniwalaang humiwalay ang Wikang Heorhiyano mula sa mga wikang Svan at Mingreliyano-Laz noong unang milenyo (1,000) bago kay Hesukristo (BHK) ayon sa mga manwiwikang sina Georgi Klimov, T. Gamkrelidze, G. Machavariani. Naniniwala sila na Ang Wiakng Svan ang unang humiwalay noong ikalawang milenyo (2,000) BHK mula sa tatlong wika. Ang mga wikang Megrelian at Laz nama'y humiwalay mula sa Heyorhiyano matapos ang isang libong taon.

Ang kauna-unahang pagpapatunay sa pananalitang Heorhiyano ay mula sa grammarian ng Sinaunang Romanong Marcus Cornelius Fronto noong ikalawang siglo AD: inimahe ni Fronto ang mga Iberianong Kawkasiyano kinakausap ang imperador na si Marcus Aurelius gamit a di-maintindihan nilang wika.[2]

Ang ebolusyon ng Heorhiyano sa pagiging isang isinusulat na wika ay bunga ng ng pagtanggap ng mga maharlikang Heyorhiyano sa paniniwalang Kristiyanismo noong ika-4 na siglo. Ang panibagong wikang literal ay binuo mula sa inprastraturang kultural na ganap ang pagkabuo, mula sa panitikan ng Wikang Aramaic at sa panibagong relihiyon.[3] Ang pinakapurong panunulat mula sa wika ay galing pa sa ika-5 siglo. Mayaman ang panitikan ng wika, gaya ng patunay sa pinakamatanda nilang kasulatan, ang "Kadakilaan ng Banal na Reynang si Shushanik" ("Tsamebay tsmindisa Shushanikisi, dedoplisa") ni Iakob Tsurtaveli, mula ika-5 siglo AD. Ang pambansang alamat na "An Kawal sa loob ng Balat ng Panter" ("Vepkhistqaosani"), ni Shota Rustaveli, ay mula pa sa ika-12 siglo.

Maaaring ihiwalay ang kasaysayan ng wika sa mga sumusunod:

  • Sinaunang Matandang Heorhiyano: mula ika-5 hanggang ika-8 siglo
  • Klasikong Matandang Heorhiyano: mula ika-9 hanggang ika-11 siglo
  • Gitnang Heorhiyano: mula ika-12 hanggang ika-18 siglo
  • Modernong Heorhiyaano: mula ika-18 siglo hanggang kasalukuyan[3]

Mga tunog

baguhin

Mga katinig

baguhin

Ang mga simbolo sa kaliwa ay mula sa IPA habang ang doon naman sa kanan ay mula sa Alpabetong Heorhiyano.

Mga katinig na Heorhiyano[4]
  Labial Dental/
Alveolar
Post-
alveolar
Velar Uvular Glottal
Nasal m n
Plosive aspirated
binoses b d ɡ
ehektibo
Affricate plain ts
binoses dz
ehektibo tsʼ tʃʼ
Fricative walang boses s ʃ x1 h
binoses v z ʒ ɣ1
Rhotic r
Lateral l
  1. Iba-iba ang mga opinyon tungkol sa pagsasauri ng /x/ t /ɣ/; Ayon kay Aronson (1990), sila ay mga post-velar, ayon naman kay Hewitt (1995), sila ay napapabilang sa velar hanggang uvular depende sa konteksto.

Mga katinig

baguhin
Mga katinig[5]
Harapan Likuran
Nakasara i u
Nasa gitna ɛ ɔ
Nakabukas a~ɑ[6]

Ponotaktika

baguhin

Mga kaurian ng Ponotaktikong Heorhiyano.

  • Mayroon ang wika ng mga kakaibang pagsasama ng mga katinig gaya ng გვფრცქვნი gvprckvni ("Hiniwa mo kami") at მწვრთნელი mc'vrtneli ("taga-turo").

Panunulat

baguhin

Mga halimbawa

baguhin

Paggawa ng mga salita

baguhin
  • Mula sa ugat na salitang -ts'er- ("sulat"), ang mga salitang ts'erili ("liham/sulat") at mts'erali ("manunulat").
  • Mula sa ugat na salitang -tsa- ("bigay"), ang salitang gadatsema ("pagpapahayag").
  • Mula sa ugat na salitang -tsda- ("subok"), ang salitang gamotsda ("pagsusulit).
  • Mula sa ugat na salitang -gav- ("kagaya"), ang mga salitang msgavsi ("pareho") at msgavseba ("pagkakapareha").
  • Mula sa ugat na salitang -šen- ("gawa"), ang salitang šenoba ("gusali").
  • Mula sa ugat na salitang -tskh- ("bake"), the word namtskhvari ("cake") is derived.
  • Mula sa ugat na salitang -tsiv- ("cold"), the word matsivari ("refrigerator") is derived.
  • Mula sa ugat na salitang -pr- ("fly"), the words tvitmprinavi ("plane") and aprena ("take-off") are derived.

Maaari ring gumawa ng salitang pandiwa mula sa mga pangngalan:

  • Mula sa salitang -omi- ("digmaan"), ang pandiwang omob ("pakikidigma").
  • Mula sa salitang -sadili- ("tanghalian"), ang pandiwang sadilob ("pagtatanghalian").
  • Mula sa salitang -sauzme ("almusal/agahan"), ang pandiwang ts'asauzmeba ("pag-aalmusal ng kakaunti"); ang pang-abay na ts'a- sa Heyorhiyano ay maaaring idagdag ang "PANDIWA ng kakaunti."
  • Mula sa ugat na salitang -sakhli- ("tahanan"), ang pandiwang gadasakhleba ("paglipat").

Maaari ring gumawa ng mga pandiwa mula sa mga pang-uri:

  • Mula sa pang-uring -ts'iteli- ("red"), ang pandiwang gats'itleba ("pamumula").
  • Mula sa pang-uring -brma ("blind"), ang pandiwang dabrmaveba ("pagkabulag")
  • Mula sa pang-uringe -lamazi- ("maganda"), ang pandiwang galamazeba ("pagiging maganda").

Mga salitang may 2 magkakadikit na katinig:

baguhin

Karaniwan sa wika na magkaroon ng maraming magkakadikit na katinig sa wika.

Ang mga sumusund ay may 2 magkakadikit na katinig:

    •   წყალი , (ts'q'ali), "tubig"
    • სწორი, (sts'ori), "tama"
    • რძე , (rdze), "gatas"
    • თმა, (tma), "buhok"
    • მთა, (mta), "bundok"
    • ცხენი, (tskheni), "kabayo"
  • Ang mga sumusund ay may 4 magkakadikit na katinig:
    • თქვენ, (tkven), "kayo"
    • მწვანე, (mts'vane), "luntian/berde"
    • ცხვირი, (tskhviri), "ilong"
    • ტკბილი, (t'k'bili), "matamis"
    • მტკივნეული, (mt'k' ivneuli), "masakit"
    • ჩრდილოეთი, (črdiloeti), "Hilaga"
  • Ang mga sumusund ay may 4 magkakadikit na katinig:
    • მკვლელი, (mk'vleli), "mamamatay tao"
    • მკვდარი, (mk'vdari), "patay"
    • მთვრალი, (mtvrali), "lasing"
    • მწკრივი; (mts'k'rivi), "row"
  • Mayroon ding kakaibang mga kaso. Ang mga sumusund ay may 6 magkakadikit na katinig:
    • მწვრთნელი, (mts'vrtneli), "taga-turo"
  • Ang mga sumusund ay may 8 magkakadikit na katinig:
    • გვფრცქვნი (gvprtskvni), "Hiniwa mo kami"
    • გვბრდღვნი (gvbrdgvni), "Sinira mo kami"

Mga sanggunian

baguhin
  1. Price (1998:80)
  2. Braund, David (1994), Georgia in Antiquity; a History of Colchis and Transcaucasian Iberia, 550 B.C. – A.D. 562, p. 216. Oxford University Press, ISBN 0-19-814473-3
  3. 3.0 3.1 Tuite, Kevin, "Early Georgian", pp. 145-6, in: Woodard, Roger D. (2008), The Ancient Languages of Asia Minor. Cambridge University Press, ISBN 0-521-68496-X
  4. Shosted & Shikovani (2006:255)
  5. Shosted & Chikovani (2006:261)
  6. Aronson (1990) describes this vowel as more fronted than [ɑ]

Bibliyograpiya

baguhin
  • Aronson, Howard I. (1990). Georgian: a reading grammar (ika-second (na) edisyon). Columbus, OH: Slavica.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Zaza Aleksidze. Epistoleta Tsigni, Tbilisi, 1968, 150 pp (in Georgian)
  • Korneli Danelia, Zurab Sarjveladze. Questions of Georgian Paleography, Tbilisi, 1997, 150 pp (in Georgian, English summary)
  • Hewitt, B. G. (1995). Georgian: a structural reference grammar. Amsterdam: John Benjamins.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Pavle Ingorokva. Georgian inscriptions of antique.- Bulletin of ENIMK, vol. X, Tbilisi, 1941, pp. 411–427 (in Georgian)
  • Ivane Javakhishvili. Georgian Paleography, Tbilisi, 1949, 500 pp (in Georgian)
  • Elene Machavariani. The graphical basis of the Georgian Alphabet, Tbilisi, 1982, 107 pp (in Georgian, French summary)
  • Ramaz Pataridze. The Georgian Asomtavruli, Tbilisi, 1980, 600 pp (in Georgian)
  • Price, Glanville (1998). An Encyclopedia of the Languages of Europe. Blackwell.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Shosted, Ryan K.; Vakhtang, Chikovani (2006), "Standard Georgian", Journal of the International Phonetic Association, 36 (2): 255–264{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • "Great discovery" (about the expedition of Academician Levan Chilashvili).- Newspaper Kviris Palitra, Tbilisi, April 21-27, 2003 (in Georgian)

Mga kawing panlabas

baguhin