Ang wikang Kankanaey ay isang wikang timog-gitnang Kordelyano ng pamilyang wikang Austronesyo na sinasalita sa mga isla ng Luzon sa Pilipinas.

Kankanaey
Kankana-ey
Katutubo saPilipinas
RehiyonHilagang Luzon
Pangkat-etnikoKankanaey people
Mga natibong tagapagsalita
(240,000 ang nasipi 1990 census – 2003)[1]
Austronesian
Mga kodigong pangwika
ISO 639-3Marami:
kne – Kankanaey
xnn – Northern Kankanaey
itt – Maeng Itneg
Glottologkank1245
Lugar kung saan sinasalita ang Kankanaey (kabilang ang Hilagang Kankanaey, ngunit hindi ang Maeng Itneg) ayon sa Ethnologue

Phonology

baguhin

Kadalasan ay lumilitaw ang karaniwang pagkakaroon ng madiin na schwa sa maraming salita sa wikang Kankanaey. Sa katunayan, ang e ng Kankanaey ay binibigkas sa ganitong tunog at hindi sa paraang tulad ng pagbigkas sa e sa mga salitang bet o wet. Ang tunog na ito ay kadalasang hindi madiin at may mabilis na durasyon sa wikang Ingles, bilang isang tagapamagitang tunog sa pagitan ng mga kumpol ng katinig. Tulad noong sa pagitan ng /B/ at ng /L/ sa salitang table, o sa pagitan ng /T/ at ng /L/ sa title. Ang tunog na ito ay maihahalintulad sa mga wika na matatagpuan sa Hilagang Luzon tulad ng Ilokano at Pangasinense.

Halimbawa nito ay ang mga sumusunod na salitang Kankanaey: emey/umay – pumunta entako – halika na ed – saan ipe-ey/ipa-ey/ippey – ilagay iwedwed – luwagan anggey – tangi, tapusin[2]

Diyalekto

baguhin

Nakatala sa Ethnologue ang mga diyalekto ng Kankanaey: Mankayan-Buguias, Kapangan, Bakun-Kibungan, at Guinzadan. Ang Hilagang Kankanaey ay nakatala bilang hiwalay na wika.

Ang Kankanaey ay sinasalita sa Hilagang Benguet, Timog-Kanluran ng Mountain Province, Timog-Silangan ng Ilocos Sur, Hilagang-Silangan ng La Union, Timog-Silangan ng Ilocos Sur, at Timog Kanluran ng Ifugal. Ang Hilagang Kankanaey ay sinasalita sa Kanlurang Mountain Province, Lalawigan ng Ilocos Sur (mga Quirino, Ilocos Sur, Cervantes, Ilocos Sur, Gregorio del Pilar, Ilocos Sur, San Emilio, Ilocos Sur), at Abra (Tubo, Abra).

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Kankanaey sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
    Northern Kankanaey sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
    Maeng Itneg sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Kankanaey 2012); $2