Ang Wikang Maltes (Malti, Ingles:Maltese, Espanyol:Maltés, Latin:Lingua Melittica) ay ang pambansang Wika ng Malta, at isa sa mga opisyal na wika ng Unyong Europeo. Ito lamang ang wikang Semitiko na gumagamit ng Alpabetong Latin.

Maltes
Malti
Katutubo sa Malta

Awstralya
Kanada
Hibraltar
Italya
Nagkakaisang Kaharian

Estados Unidos[1]
Mga natibong tagapagsalita
371,900 (1975)[2]
Opisyal na katayuan
European Union Unyong Europeo
Malta Malta
Pinapamahalaan ngIl-Kunsill Nazzjonali ta' l-Ilsien Malti
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1mt
ISO 639-2mlt
ISO 639-3mlt

Mula sa kanyang ponolohiya, dinadala ng Wikang Maltes ang pagkakapareho sa mga kaibahan ng Arabe Tunisio at ng iba pang wika ng Hilagang Aprika. Sa buod ng kasaysayan, marami ang naging hiram na mga salita, mga ponetiko at anyong ponolihikal, at maging ang mga anyong pangungusap ng Wikang Italyano at Wikang Sisilyano, habang ang maraming salita, (ang iba na may anyong pangmaramihan) ay hiniram mula sa Wikang Ingles.

Ang Wikang Maltes ay naging opisyal na wika ng Malta noong 1936 kasama ng Wikang Ingles. May ilang din tagapagsalita ng Maltes sa mga bansang Australia, Estados Unidos, Canada, at Gibraltar. Nito lamang ay ibinalitang marami pa rin ang gumagamit ng naturang wika sa Tunisya ng mga may lahing Maltes.

Bokabularyo

baguhin

Ang bokabularyong Maltes ay hinango mula sa mga wikang Semitiko at mga Wikang Indo-europeo tulad ng Italyano, Sisilyano, at Ingles.

Mga Salita mula sa Romanse

baguhin

Ang ilan ay halimbawa ng mga salita sa Maltes na hiram sa mga Wikang Romanse tulad ng Italyano at Sisilyano:

Maltes Sisilyano Italyano Latin Ingles Filipino Arabo
Skola Scola Scuola Schola School Paaralan مدرسة (madrassah)
Gvern Cuvernu Governo Governo Government Pamahalaan حكومة (ḥukūmah)
Repubblika Ripùbblica Repubblica Res Publica Republic Republika جمهورية (ǧummhūriyyah)
Re Re Re Re King Hari ملك (malik)
Natura Natura Natura Natura Nature Kalikasan طبيعة (ṭabīʿah)
Pulizija Pulizzìa Polizia Policia Police Pulisya شرطة (shurta)
Ċentru Centru Centro Centro Centre Sentro مركز (markaz)
Teatru Tiatru Teatro Theatro Theatre Teatro مسرح (masraḥ)

Mga Pagkakapareho mula sa Sikulo-Arabe

baguhin

Marami rin ang pagkakapareho sa pagitan ng Maltes at ng mga salita ng Sisilyano na hango sa Arabe. Ang ilan ay mga halimbawa:

Sikulo-Arabe Maltes Ingles Filipino
Babbaluciu Bebbuxu Snail Susò
Caponata Kapunata Caponata Kaponata
Cassata Qassata Sicilian cake Pastel Sisilyano
Gebbia Ġiebja Cistern Tubig-tambakan
Giuggiulena Ġunġlien Sesame seed Binhi ng sesame
Saia Saqqajja Canal Kanal
Tanura Kenur Oven Oben
Zaffarana Żaffran Saffron Kasubha
Zagara Zahar Blossom Halimuyak
Zibbibbu Żbib Raisins Raisin
Zuccu Zokk Tree trunk tangkay ng puno

Mga Salitang hiram mula sa Ingles

baguhin

Tinatayang mula anim hanggang dalawampung bahagdan ng wikang Maltes ay hango sa Ingles. Ang ilan ay mga halimbawa:

Maltes Ingles Filipino
Futbol Football Futbol
Baskitbol Basketball Basketbol
Mowbajl Mobile [Phone] Mobayl [telepono]
Lift Lift/Elevator Elebeytor
Friġġ Fridge Reprihadora
Friżer Freezer Priser
Wejter Waiter Weyter
Biljard Billiard Bilyard
Strajk Strike Strayk
Plejer Player Manlalaro
Frejm Frame Preym
Bliċ Bleach Blits
Fowlder Folder Polder
Kompjuter Computer Ordenador
Spikers Speakers Mga Tagapagsalita
Televixin Television Telebisyon
Tojlit Toilet Banyo

Mga Diksyonaryo

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Maltese language ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

Kawing Panlabas

baguhin
Organisasyon
Teknolohiya at Maltes
Pagsasahimpapawid sa Maltes
Literatura and Kawikaan
Pagsasalin sa Maltes
Mga Glosaryo at Pwente ng Wikang Maltes (Patuloy lamang pong magdagdag ng inyong impormasyon dine)