Wikang Onhan
Ang wikang Onhan, kilala rin bilang Inonhan o Loocnon, ay isang wikang panrehiyon na wikang Kanluraning Bisaya na sinasalita, kasama ang mga wikang Romblomanon at Asi sa lalawigan ng Romblon, Pilipinas.
- Ang wikang Onhan ay mayroong tatlong baryante- ang mga nagsasalita sa mga munisipalidad ng Santa Maria at Alcantara ay gumagamit ng /l/ sa halip ng /r/. Halimbawa: ang "kararaw" ay "kalalaw", and pinapalitan ng ibang mananalita ang /r/ o /l/ para sa /d/ tulad ng sa "run" o "lun" sa "dun"
Onhan | |
---|---|
Loocnon, Inonhan | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Kanluraning Kabisayaan |
Mga natibong tagapagsalita | 86,000 (2000) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | loc |
Glottolog | inon1237 |
Mga wikang Onhan o Inonhan sa mga lugar |
Sa partikular, ang Onhan ay sinasalita sa mga sumusunod na mga pulo sa loob ng Romblon:
- Tablas: ang mga bayan ng San Andres, Santa Maria, Alcantara, Ferrol, Looc, at Santa Fe.
- Kalabaw: ang tanging munisipalidad ng San Jose.
Bilang isang baryante ng wikang Kinaray-a, ang ilang mga mananalita ay matatagpuan sa pulo ng Boracay sa lalawigan ng Aklan pati na rin sa mga bahagi ng pulo ng Panay, partikular sa mga sumusunod na munisipalidad: Malay, Nabas at Buruanga. Sa mga lalawigan ng Silangan at Kanlurang Mindoro, dinala ng mga migranteng mananalitang Onhan mula sa pulo ng Tablas ang wika sa mga sumusunod na munisipalidad: San Jose, Bulalacao, Mansalay, Roxas at ilang bahagi ng Bongabong. Bilang gayon, ito ay labis na may kaugnayan sa Kinaray-a at Wikang Cuyonon.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.