Mga wikang Gitnang Pilipino

Ang mga wikang Gitnang Pilipino ang pinakalaganap na pangkat ng mga wika sa Pilipinas na silang ginagamit mula Timog Katagalugan, Kabisayaan, Mindanao hanggang Sulu. Nang dahil kabilang dito ang mga tulad ng Tagalog, Bikol at mga pangunahing wikang Bisaya gaya ng Sebwano, Ilokano, Hiligaynon, Waray, Kinaray-a at Tausug na bahagi ng higit-kumulang 40 mga wika, ito rin ang may pinakamaraming tagapagsalita sa ilalim ng pamilyang Pilipino.[1]

Gitnang Pilipino
Distribusyong
heograpiko:
Pilipinas
Klasipikasyong lingguwistiko:Austronesyo
Mga subdibisyon:

Pag-uuri

baguhin

Balangkas

baguhin

Ang mga wikang ito ay kadalasang nahahati sa (ang mga nakaitalisa ay tumutukoy sa mga indibidwal na wika):

Kabilang din ang ilang wika ng mga namumundok na Aeta subalit ay nasa di-tiyak na klasipikasyon:

Sa katunayan ay maraming mga wikang Gitnang Pilipino ang itinuturing na kabilang sa diyalektong kontinyuwum (Ingles: dialect continuum). Ito ay dahil hindi lubhang malinaw ang kaibhan ng bawat sangay sa isa't-isa. Halimbawa, sa mga lalawigan ng Sorsogon at Masbate, ang mga wikang Bikol at Bisaya ay naghahalo na nagbigay hugis sa mga wikang Bisakol. Binanggit ni Blust (2009) na relatibong mababa ang dibersipikasyon ng mga wikang Bisaya dahil kamakailan lamang ang paglawig ng populasyon ng mga tagapagsalita nito.[2]

Zorc (1977)

baguhin

Sa ibaba makikita ang pinalawak na balangkas ng mga wikang Gitnang Pilipino ni David Zorc mula sa kaniyang disertasyon sa Ph.D. noong 1977.[3] Sariling gawa ni Zorc ang pagpapangkat ng Bisaya. Sa kabilang dako naman, mula kay McFarland (1974) ang pag-uuri para sa Bikol.[4] Si Gallman (1974) naman ang sumuri sa sangay Mansaka.[5]

Nakaitalisa ang mga inibidwal na wika at nakabold at italisa naman ang mga pangunahing sangay.

Gallman (1997)

baguhin

Inuri naman ni Andrew Gallman (1997:4, 103) ang mga wikang Gitnang Pilipino sa sumusunod:

  • Tagalog
  • Bikol
  • Timog-Gitnang Pilipino (Bisaya)
    • Kanlurang Bisaya
    • Banton
    • Gitnang Bisayan
    • Cebuan
    • Silangang Mindanao
      • Hilagang Silangang Mindanao
        • Sebwano (?)
        • Mamanwa
        • Surigaonon
        • Butuanon-Tausug
      • Gitnang Silangang Mindanao
        • Kamayo
        • Dabawenyo Banganga
        • Dabawenyo Digos
      • Timog Silangang Mindanao
        • Mandaya Kabasagan
        • Mandaya Caraga
        • Mansaka, Mandaya Maragusan, Mandaya Boso
          • (Sangay)
            • Mandaya Islam
            • Kalagan Kaagan, Kalagan Tagakaulu

Mga wikang Malawak na Gitnang Pilipino

baguhin

Tinalakay ni Blust (1991) na ang gitna at timog Pilipinas ay may mababang dibersidad ng mga wika. Maliban dito, pinalapad niya ang sangay Gitnang Pilipino kasama ang mga wikang Timog Mangyan, Palawan, Mindanao at Gorontalo Mongondow na siyang matatagpuan sa hilagang Sulawesi.[6] Kinakatigan ng isang pag-aaral noong 2008 ang parehong pagpapangkat kasama ang mga wikang Timog Mindanao at Kalamian ngunit hindi kabilang ang Gorontalo-Mongondow.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Ethnologue.
  2. Blust, Robert A. The Austronesian Languages. Canberra: Pacific Linguistics, Research School of Pacific and Asian Studies, Australian National University, 2009. ISBN 0-85883-602-5, ISBN 978-0-85883-602-0.
  3. Zorc, David Paul. The Bisayan Dialects of the Philippines: Subgrouping and Reconstruction. Canberra, Australia: Dept. of Linguistics, Research School of Pacific Studies, Australian National University, 1977, p. 33.
  4. McFarland, Curtis D. The Dialects of the Bikol Area. Ph.D. dissertation. New Haven: Dept. of Liunguistics, Yale University, 1974.
  5. Gallman, Andrew Franklin. A Reconstruction of Proto-Mansaka. M.A. dissertation. Arlington, Texas: Dept. of Liunguistics, University of Texas at Arlington, 1974.
  6. Blust, Robert A. The Greater Central Philippines Hypothesis. Oceanic Linguistics, 30, 73-129