Banton, Romblon
Ang Banton ay isang bayan sa lalawigan ng Romblon, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 5,737 sa may 1,495 na kabahayan.[3]
Banton Bayan ng Banton | |
---|---|
Mapa ng Romblon na nagpapakita sa lokasyon ng Banton. | |
Mga koordinado: 12°56′46″N 122°05′46″E / 12.946°N 122.096°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Mimaropa (Rehiyong IV-B) |
Lalawigan | Romblon |
Distrito | — 1705902000 |
Mga barangay | 17 (alamin) |
Pagkatatag | 1622 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Kgg. Jory F. Faderanga (NP) |
• Manghalalal | 3,963 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 32.48 km2 (12.54 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 5,737 |
• Kapal | 180/km2 (460/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 1,495 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-5 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 24.85% (2021)[2] |
• Kita | ₱55,795,515.7430,682,603.0029,259,979.8531,086,273.3035,276,515.0038,740,355.0043,005,296.0045,843,438.0062,812,791.5060,216,877.0482,282,830.84 (2020) |
• Aset | ₱197,213,826.2427,113,394.0029,818,093.6335,339,834.5155,189,820.0098,219,572.00123,623,843.00154,126,400.00178,638,327.11215,265,697.01252,961,047.95 (2020) |
• Pananagutan | ₱27,751,263.966,119,268.006,370,916.7410,681,459.4221,060,115.0013,526,890.0032,893,337.0054,066,330.0045,965,537.6917,398,477.1736,186,371.05 (2020) |
• Paggasta | ₱57,924,038.7327,981,310.0024,527,236.1322,429,423.1325,962,374.0032,320,010.0035,764,340.0037,546,681.0048,984,340.3148,957,068.3762,041,477.83 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 5515 |
PSGC | 1705902000 |
Kodigong pantawag | 42 |
Uri ng klima | Tropikal na klima |
Mga wika | wikang Bantuanon wikang Tagalog |
Heograpiya
baguhinBinubuo ang bayan ng Banton ng pangunahing pulo ng Banton, at ng mga maliliit na pulo ng Bantoncillo, mga isla ng Isabel at Carlota na mas kilala bilang Dos Hermanas. Ito ay may kabuuang lawak ng lupain na 3,248 na hektarya.[4] Ang isla ng Banton ay mabundok at mabato dahil sa bulkanikong pinagmulan nito, kaya naman pinangalanan itong Banton, mula sa salitang Batoon sa wikang Asi, na nangangahulugang "mabato".[5]
Ekonomiya
baguhinDahil sa mabundok nitong heograpiya, ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Banton ay paggawa ng copra mula sa niyog, at pangingisda. Mayroon ring industriya ng paggawa ng mga kasangkapan mula sa niyog, at paggawa ng mga kahoy na bangka at lantsa. Bukod rito, nagtatanim rin ang mga tao ng halamang ugat, gulay at prutas, at nag-aalaga rin ng mga hayop gaya ng manok, baboy at kambing. Kapos ang suplay ng tubig sa isla para sa pagtatanim ng bigas, kaya naman ang suplay ng bigas sa isla ay nagmumula sa Mindoro, Marinduque o sa lalawigan ng Quezon. Sa kasalukuyan, ang isla ay hindi lamang piling puntahan ng mga nagbabalikbayan mula sa ibang bansa, nagiging tanyag na rin ito sa mga lokal at dayuhang turista dahil sa mga naggagandahang mga atraksyon nito.[6][7]
Kasaysayan
baguhinAng isla ng Banton ay tinitirhan na ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga Espanyol, batay na rin sa mga nakalap na mga sinaunang labi sa mga kweba sa isla noong 1936. Ayon sa mga mananaliksik mula sa Pambansang Museo, ang mga labing nakalap ay nakalagay sa mga kahoy na kabaong at nababalot ng itinuturing na pinakamatandang telang natagpuan sa Timog Silangang Asya. Ang mga naturang labi ay tinatayang nagmula pa sa ika-13 hanggang ika-14 na siglo, at kasalukuyang nakalagak sa Pambansang Museo ng Pilipinas.[5][8]
Ang bayan ng Banton ay itinatag bilang isang pueblo ng mga Espanyol noong 1622 sa dating kinaroonan nito sa Bacoco. Matapos makumpleto ang moog na gawa sa bato na itinayo sa pangunguna ni Padre Agustin San Pedro, o mas kilala sa tawag na El Padre Capitan inilipat ang bayan sa kasalukuyang kinaroroonan nito. Ang moog, na pinangangalanganang Fuerza de San Jose, ay nagsilbing proteksiyon ng bayan laban sa pananalakay ng mga piratang Muslim noong panahong iyon. Noong 1644, itinayo ang unang simbahan sa isla at pagdating ng 1648, itinanghal si San Nicolas de Tolentino bilang santong patron ng bayan.[5]
Noong 1918, pinalitan ng Jones ang ngalan ng bayan, bilang paggunita kay mambabatas William Atkinson Jones ng Estados Unidos, na siyang nag-akda ng Batas Jones ng 1916 na nagbibigay ng mas higit na kalayaan sa pamamahala sa Pilipinas sa ilalim ng patakarang Amerikano. Noong 1959, ibinalik ang bayan sa dating ngalan nito na Banton.[9]
Pamahalaan
baguhinAng mga sumusunod ang mga kasalukuyang halal na opisyal ng Banton, Romblon para sa terminong 2010-2013:
Alkalde: Jory Fadri Faderanga (NP)
Bise-Alkalde: Romulo Fadrilan Faz Sr. (NPC)
Mga Konsehal:
- Loijorge Fegalquin Fegalan (NP)
- Bemboy Magsino Fonte (LAKAS-KAMPI-CMD)
- Ricardo Ferranco Familara Jr. (NPC)
- Abner Fadri Faigao (NPC)
- Jimmy Fonte Fiecas (LAKAS-KAMPI-CMD)
- Ismael Fesalbon Fabiala (NPC)
- Patricio Fabroa Flores (NPC)
- Virgilio Faderon Faigao (NPC)
Mga Barangay
baguhinAng bayan ng Banton ay nahahati sa 17 mga barangay.
|
|
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 4,043 | — |
1918 | 6,060 | +2.73% |
1939 | 4,972 | −0.94% |
1948 | 5,542 | +1.21% |
1960 | 6,155 | +0.88% |
1970 | 6,447 | +0.46% |
1975 | 7,545 | +3.20% |
1980 | 7,362 | −0.49% |
1990 | 7,077 | −0.39% |
1995 | 6,069 | −2.84% |
2000 | 6,769 | +2.37% |
2007 | 6,799 | +0.06% |
2010 | 5,963 | −4.66% |
2015 | 5,536 | −1.41% |
2020 | 5,737 | +0.70% |
Sanggunian: PSA[10][11][12][13] |
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 2012-04-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.nscb.gov.ph/activestats/psgc/province.asp?provcode=175900000®Name=REGION
- ↑ 5.0 5.1 5.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-10. Nakuha noong 2012-04-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://romblon.homestead.com/banton.html
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-30. Nakuha noong 2012-04-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://opinion.inquirer.net/15599/history-and-design-in-death-blankets
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-18. Nakuha noong 2012-04-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region IV-B (Mimaropa)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-B (Mimaropa)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-B (Mimaropa)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
baguhin- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- 2007 Philippine Census Information Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine.
- Opisyal na Website ng Banton, Romblon Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine.