Pulo ng Lubang
Ang Pulo ng Lubang ay ang pinakamalaking pulo sa Pangkat ng Kapuluan sa Lubang, isang arkipelago na matatagpuan sa hilagang-kanluran ng hilagang dulo ng Mindoro sa Pilipinas. Ang layo nito mula sa Maynila ay nasa mga 150 kilometro (93 mi). May pitong pulo sa pangkat.[1] Nahahati ang pulo sa dalawang munisipalidad. Ang pinakamalaking paninirahan ay ang bayan ng Lubang, na nasa hilagang-kanluran ng pulo. Matatagpuan ang sentro ng bayan sa mga 8 milya (13 km) sa hilagang-kanluran ng Daungan ng Tilik. Natatakpan ang timog-kanlurang kalahati ng pulo ng bayan ng Looc, na mayroon ding daungan sa Barangay Agkawayan. Ang pangkat ng pulo sa Lubang, na binubuo ng lahat ng pitong pulo, ay naiiba sa heograpiya mula sa kahit anumang kalupaan, na ginagawa may kakaiba sa biyolohiya - at nanganganib din. Kinukunsidera ang pulo na ilaan para sa konsiderasyon bilang pansamantalang lugar ng UNESCO.[2]
Heograpiya | |
---|---|
Mga koordinado | 13°46′3″N 120°11′10″E / 13.76750°N 120.18611°E |
Arkipelago | Pangkat ng Kapuluan sa Lubang |
Katabing anyong tubig |
|
Sukat | 125 km2 (48.3 mi kuw) |
Pinakamataas na elebasyon | 610 m (2,000 tal) |
Pinakamataas na punto | Bundok Ambonong |
Pamamahala | |
Rehiyon | Mimaropa |
Lalawigan | Occidental Mindoro |
Mga bayan | |
Demograpiya | |
Populasyon | 28,922 (ayon noong 2015) |
Heograpiya
baguhinMula hilagang-kanluran hanggang timog-silangan, ang apat na pangunahing pulo ay ang Cabra, na hinihiwalay ng isang malalim na 3-kilometro (1.9 mi) na malawak na paagusan mula sa Pulo ng Lubang, pagkatapos ang Ambil sa hilagang-silangan at Golo sa katapusan. Ang tatlong maliliit na pulo ay ang Talinas, Mandaui and Malavatuan.[1]
Kasaysayan
baguhinOrihinal na pinanirahan ang kapuluaan ng isang proto-etnikong pangkat na sumulong sa kalaunan sa kasalukuyang Tagalog.[1]
Nagtayo ang mga Kastila ng kuta sa Pulo ng Lubang, ang Balwarte ng San Vicente, sa kanlurang punto ng pasukan sa Daungan ng Tilik.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtago sa gubat ng Pulo ng Lubang si Hiroo Onoda, isang intelihensyang opisyal ng hukbong Hapon, nang binawi ng Mga Alyado ang Pilipinas. Sinagawa niya ng patuloy, at minsang nakakamatay, na pakikidigmang gerilya laban sa Estados Unidos at kalaunan sa tropa ng Komonwelt ng Pilipinas at paramilitar na pulis. Sa kabila ng pagbasak sa kanyang pinagtataguan ng polyeto mula sa mga eroplano, matatag siyang naniwala na hindi pa tapos ang digmaan. Noong Marso 1974, opisyal siyang inalis sa kanyang tungkulin, 29 na taon pagkatapos ng katapusan ng digmaan, na ginagawa siyang isa sa huling sundalong Hapon na sumuko.[3] Nilabas ang isang malayang dokumentaryp na pinamagatang Onoda's War na nilabas noong 2016. Kinunan ang dokumentaryo sa lokasyon sa may Vigo, Burol, Agkawayan at Looc.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Landor, Arnold Henry Savage (1904). The Gems of the East: Sixteen Thousand Miles of Research Travel Among Wild and Tame Tribes of Enchanting Islands, p. 10. Harper & Bros., New York. OCLC 1688191 (sa Ingles)
- ↑ "Taxonomy of wild pigs (Sus) of the Philippines". ResearchGate.
- ↑ Trefalt, Beatrice (1999) "A Straggler Returns: Onoda Hirō and Japanese Memories of the War" War & Society 17(2): pp. 111–124, doi:10.1179/072924799791201470 (sa Ingles)
- ↑ "Search For Onoda: A Documentary". Search For Onoda: A Documentary (sa wikang Ingles).