Kapuluan

Kumpol o grupo ng mga isla
(Idinirekta mula sa Arkipelago)

Ang kapuluan (Ingles: archipelago), ay isang lupon ng mga pulo o kaya'y katubigan na naglalaman ng mga malalaki o maliliit na pulo.

Ang Kapuluan ng Mergui sa Myanmar.

Ang Pilipinas, Hapon, Indonesia, Taiwan, Bagong Silandiya, Maldives at ang Kapuluang Britaniko ay mga tanyag na halimbawa ng mga kapuluan.

Uring pangheolohiya

baguhin

Ang mga kapuluan ay maaring matagpuang nagiisa sa malawak na bahagi ng karagatan o kaya'y kalapit lamang ng mga malalaking anyong lupa. Halimbawa, ang Eskosya ay may humigit kumulang 700 na pulong pumapalibot dito na bumubuo ng mga kapuluan.

Ang mga kapuluan ay madalas nabuo mula sa pagsabog ng mga bulkan sa ilalim ng dagat ngunit maari ring mabuo dulot ng erosyon, deposisyon, at pagbabago sa elebasyon ng lupa. Naaayon sa pinagmulan nito, ang mga isla ay inuuri bilang mga oceanic islands, continental fragments, o continental islands.[1]

References

baguhin
  1. Whittaker R. J. & Fernández-Palacios J. M. (2007) Island Biogeography: Ecology, Evolution, and Conservation. New York, Oxford University Press