Daraga
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Albay
(Idinirekta mula sa Daraga, Albay)
Ang Bayan ng Daraga ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Albay, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 133,893 sa may 30,777 na kabahayan.
Daraga Bayan ng Daraga | |
---|---|
Mapa ng Albay na nagpapakita sa lokasyon ng Daraga. | |
Mga koordinado: 13°09′43″N 123°41′38″E / 13.1619°N 123.6939°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Bicol (Rehiyong V) |
Lalawigan | Albay |
Distrito | Pangalawang Distrito ng Albay |
Mga barangay | 54 (alamin) |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Carlwyn G. Baldo |
• Pangalawang Punong-bayan | Gerry Raphael Z. Jaucian Jr. |
• Manghalalal | 83,560 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 118.64 km2 (45.81 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 133,893 |
• Kapal | 1,100/km2 (2,900/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 30,777 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 15.47% (2021)[2] |
• Kita | (2020) |
• Aset | (2020) |
• Pananagutan | (2020) |
• Paggasta | (2020) |
Kodigong Pangsulat | 4501 |
PSGC | 050503000 |
Kodigong pantawag | 52 |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima |
Mga wika | Albay Bikol wikang Tagalog |
Websayt | daraga.gov.ph |
Kasaysayan
baguhin
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
- Ika-12 Dantaon - Ang mga sinaunang naninirahan ay mga mangangalakal. Ang pangalang Daraga ay hango sa uri ng puno na tumutubo sa burol kung saan ngayon nakatayo ang simbahang Katoliko na may arkitekturang Baroque.
- 1587 - Bininyagan ang mga katutubo ng mga misyonerong Fransiskano. Tinawag nila ang pook na Budiao at pinalitan bilang Cagsawa.
- 1595 - Ang "Cagsawa ay naging "Visita" at sinama sa bayan ng Camalig.
- 1814 - Sumabog ang Bulkang Mayon na nagdulot sa pagkawasak ng Cagsawa.
- 1815 - Pormal na inayos ang pamahalaang bayan ng Daraga at naging kapitan ng barangay si Venacio Espiritu Salomon.
- 1872 - Ang pangalang Cagsawa ay pinalitan ni Simon de Anda at naging Salcedo at huling pinalitan bilang Daraga.
- 1892 - Sa ilalim ng Batas Becerra, naging bahagi ng Daraga ng lungsod ng Legazpi.
- 1922 - Nakuhang muli ng Daraga ang autonomia nang Asembleya ng Pilipinas nang ipag-utos nito na ihiwalay ang Daraga mula sa kabiserang bayan ng Albay, na binubuo ng Albay at Lungsod ng Legaspi.
- 1948 - Sa ilalim ng R.A. 306, sinama muli ang bayan ng daraga sa Lungsod ng Legazpi bilang distrito nito.
- 1954 - Ang R.A 993 ang bumuo sa munisipalidad ng Daraga.
- 1959 - Ang pangalang Daraga ay pinalitan sa pangalang Locsin.
- 1967 - Ang R.A. 4994 ang nagbalik sa pangalang Daraga.
- 1973 - Ang P.D. 125 ang nagsama muli sa Daraga bilang bahagi ng Lungsod ng Legazpi, ngunit ang pagpapatupad nito ay sinuspinde.
Mga Barangay
baguhinAng bayan ng Daraga ay nahahati sa 54 na mga barangay.
|
|
|
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 18,695 | — |
1939 | 29,484 | +1.27% |
1960 | 41,973 | +1.70% |
1970 | 58,335 | +3.34% |
1975 | 63,265 | +1.64% |
1980 | 73,224 | +2.97% |
1990 | 83,928 | +1.37% |
1995 | 91,829 | +1.70% |
2000 | 101,031 | +2.07% |
2007 | 110,625 | +1.26% |
2010 | 115,804 | +1.68% |
2015 | 126,595 | +1.71% |
2020 | 133,893 | +1.11% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga larawan
baguhin-
Ang Cagsawa Ruins
-
Ang Simbahan ng Daraga
-
Isang jeep rutang Legazpi-Daraga
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province: Albay". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region V (Bicol Region)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region V (Bicol Region)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Albay". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
baguhin- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- Local Government of Daraga Naka-arkibo 2006-05-09 sa Wayback Machine.