Wikang Serbiyo

(Idinirekta mula sa Wikang Serbian)

Ang Serbiyo ang isa sa mga pamantayang bersyon ng diyasistemang Gitnang-Timog Eslabo, na dating (at malimit pa ring) tinatawag na Serbo-Kroato (Serbo-Croatian). Pangunahing ginagamit ang Serbiyo sa Serbiya, Montenegro, ang Republika Srpska sa Bosnia at Herzegovina, at ng mga Serbiyo sa ibayong dagat.

Serbiyo
српски srpski
Katutubo saSerbiya, Montenegro, Bosnia at Herzegovina, Croatia at mga magkalapit na rehiyon
Mga natibong tagapagsalita
12 million[1]
Indo-Europeo
Alpabetong Siriliko, bersiyong Serbiyo
Alpabetong Latin ni Gaj
Opisyal na katayuan
 Serbia
 Bosnia and Herzegovina
 Kosovo
Kinikilalang wika ng minorya sa
Pinapamahalaan ngBoard for Standardization of the Serbian Language
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1sr
ISO 639-2srp
ISO 639-3srp

Base sa dyalektong Štokavski ang Serbyo, may anyo itong Kanluran at Silangan, at pareho itong nasusulat sa Alpabetong Latin at Alpabetong Siriliko. Naiiba rin ang bersyong Serbyo sa ponetikong pagtranskribi nito ng mga pangalang banyaga.

Kasaysayan

baguhin

Nagsimulang lumitaw ang literaturang Serbyo noong Gitnang Panahon, kung kailan nalikha ang ilang mga akda tulad ng Miroslavljevo jevandjelje (Ang Ebanghelyo ni Miroslav) na isinulat noong 1192 at ang Dušanov zakonik (Ang Kodigo ni Dušan). Habang kaunti lang ang napreserbang sekular na akda, akma naman sa panahon ang mga yon na napreserba. Halimbawa ang Serbian Alexandride, isang akda tungkol kay Dakilang Alejandro, at isang salin sa Serbiyo ng Tristán at Isolda.

Sa kahulihang dulo ng ika-14 dantaon, nalupig ng Imperyong Otomano ang Serbya at nawalan ng oportunidad ang paglikha ng sekular na literatura. Gayunman likha ng panahong ito ang ilan sa mga pinakadakilang akdang panliteratura sa Serbyo at ito ay nasa anyo ng literaturang oral, kung saan ang pinakatanyag ay ang mga epikong Serbiyo. Isang katotohanan na inaral ni Goethe ang wikang Serbiyo upang makapagbasa ng poesiyang epikong Serbyo sa orihinal. Nalikha lamang ang literatura sa anyong nakasulat sa mga monasteryo at simbahan para sa gamit pangrelihyon, at nasa Sinaunang Eslabong Pansimbahan (Old Church Slavonic) ang mga ito. Pagkarating ng kahulihang dulo ng ika-18 dantaon alyenado na ang literaturang nakasulat mula sa wikang sinasalita. Noong simula ng ika-19 dantaon sinundan ni Vuk Karadžić ang mga naunang gawa ni Sava Mrkalj ukol sa pagrereporma ng alpabetong Siriliko gamit ang prinsipyong ponetiko, at ginawa niya ring isulong ang paggamit ng wikang sinasalita bilang pamantayang pangliteratura.

1494 nang unang mailathala sa Cetinje ang unang aklat sa Serbiyo, 40 taon lang ang nakalipas nang maimbento ni Johannes Gutenberg ang movable type.

Kakalatan at kalapatang heograpiko

baguhin

Estadistika ng mga tagapagsalita alinsunod sa bansa:

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.rts.rs/page/stories/sr/story/125/Dru%C5%A1tvo/45760/Srpski+jezik+govori+12+miliona+ljudi+.html
  2. Ec.Europa.eu
  3. "B92.net". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-10. Nakuha noong 2013-01-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Minority Rights Group International : Czech Republic : Czech Republic Overview". Minorityrights.org. Nakuha noong 2012-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Minority Rights Group International : Macedonia : Macedonia Overview". Minorityrights.org. Nakuha noong 2012-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin
 
Wikipedia