Wikipedia:Kapihan/Arkibo 12
Purismo
baguhinSa tingin ko, kailangan natin ng isang patakaran tungkol dito. Susuportahan ba natin ang mga puristang salitang inimbento ng mga mag-aaral ng wika noong 1960's, o hindi? Ilang mga halimbawa diyan ay matatagpuan dito sa User talk:Život#Hingi ng tulong. Para sa inyong hindi nakakaalam kung ano itong purismo, ito ang ginawa ng mga mag-aaral ng wikang Tagalog noong 1960's. Ito ay upang pagyamanin lalo ang wikang Tagalog, at maiwasan ang panghihiram ng mga salita sa mga banyaga. Ginawa nila ito sa paggawa ng mga bagong salita. Mga neolohismo ito noon, pero ngayon hindi na dahil kahit hindi ito masyadong sinuportahan, ginagamit pa rin ito ng ilang tao ngayon at noon. Kaunti nga lamang. Ang ama ko ay kasama roon. Eto yung gma salitang "salumpuwit" = "upuan" at "salipapaw" (sasakyang lumilipad sa hipapawid) = "eroplano". Para sa akin ay oo, dahil ginamit naman sila, at mas mabuti na iyon kaysa humiram tayo ng mga salita. Ano sa tingin niyo? -- Felipe Aira 15:29, 15 Abril 2008 (UTC)
- Isama pa rin/gamitin din kasama ng mga hindi-puro. Lahat ay bahagi na ng wikang Tagalog. Makagagawa ba kayo ng artikulo o glosaryo? (o maidaragdag pa sa talaang nabanggit ninyo?). Salamat. - AnakngAraw 15:57, 15 Abril 2008 (UTC)
- Ang ilan sa mga salitang 'yan ay buhay pa ring ginagamit sa araw na ito, tulad ng agham (syensya), dalubhasa (eksperto), atbp. Ang ilan ay patay na, tulad ng sipnayan, atbp. Matira matibay. Ang kagandahan ng Wikipedya ay na maaari itong bagu-baguhin sa katagalan ng panahon na 'di na nangangailangan ng bayad ('di tulad sa pisikal na paglalathala). --Pare Mo 19:43, 15 Abril 2008 (UTC)
- Mahalaga ring 'di mapadala sa mga radikal na simpleng binabaybay lang sa Filipino ang mga salita o mismong buong pariralang Inggles. Ito ay code-switching o kaya'y salitang impormal--ni isa sa kanila'y nagiging angkop para sa isang ensiklopedyang gumagamit ng pormal na wika. --Pare Mo 19:45, 15 Abril 2008 (UTC)
- Ang ilan sa mga salitang 'yan ay buhay pa ring ginagamit sa araw na ito, tulad ng agham (syensya), dalubhasa (eksperto), atbp. Ang ilan ay patay na, tulad ng sipnayan, atbp. Matira matibay. Ang kagandahan ng Wikipedya ay na maaari itong bagu-baguhin sa katagalan ng panahon na 'di na nangangailangan ng bayad ('di tulad sa pisikal na paglalathala). --Pare Mo 19:43, 15 Abril 2008 (UTC)
- Talaga namang dapat gamitin lahat, gaya ng sinabi ni AnakngAraw, ang itinatanong ko sa inyo ay kung ano ba ang kailangang pairalin dito kagaya ng mga pamagat ng artikulo "Sipnayan" ba o "Matematika" hindi naman kasi pwedeng "Matematika/Sipnayan" o "Matematika o Sipnayan" ang pamagat ng artikulo. Parang sa Ingles, hindi naman "metre/meter" o "meter o metre" ang pamagat ng mga artikulo, iisa lamang ang nananaig. Dagdag pa nga pala roon sa mga nakatala sa usapan ni Zivot, yung mga "patinig", "katinig", "sugnay", "taludtod", mga sinabi ni Pare Mo, at iba pang salitang pangwika. -- Felipe Aira 02:35, 16 Abril 2008 (UTC)
- Hindi naman na kailangan talagang purista ang gamit dito ng Tagalog. Kailangan ang paggamit dito ay ang pinaka-karaniwan na paggamit. Halimbawa, mas karaniwan ang matematika kaysa sa sipnayan, kaya dapat matematika ang ginagamit. Gagawin ba natin ito kapag ang pinag-uusapan ay telepono laban sa hattinig o eroplano laban sa salipawpaw? --Sky Harbor 18:57, 16 Abril 2008 (UTC)
- Ang pamantayan dapat/sana ng Tagalog yung Tagalog bago nagkaroon ng Pambansang Wika. Mas ginamit ng mga Tagalog yung denebelop na Tagalog (para maging Filipino) kaya ito (Filipino/"karaniwang Tagalog") ang nagiging/nagin nang pamantayan ng Tagalog (na hiwalay/kaiba sa Filipino). Kung iisipan, nababawasan ang bilang ng mananalita ng Tagalog (at may hiwalay na mananalita ang denebelop na Tagalog/Filipino. Ang mga salitang "matematika", "telepono" at iba pang mga salitang Kastila na isina-Filipino ay hindi Tagalog. Gumagamit nito ang mga wikang Pinoy. Ganun rin ang mga salitang "nars", "trak" at iba pang mga salitang Ingles. Ang mga nabanggit na salita ay Filipino. Hindi naging katanggap-tanggap ang mga salitang "salipapaw", "hatinig" at iba pang binuong salita para maging katawagang Filipino para sa mga salitang "airplane", "telefono" atbp. dahil ang "sa" (sasakyan), "li" (lipad) at "papaw" (himpapawid) ay Tagalog ganun rin ang "ha" (hatid) at "tinig" (tinig). Para sa akin, mas Tagalog ang purismo. Mananatiling iisa ang akala ng mga Tagalog at mga Pilipino sa Tagalog at Filipino kung patuloy na susundin bilang pamantayan ng Tagalog ang Filipino/"karaniwang Tagalog" (at hindi rin ito magiging ganap at hiwalay na wika). --Filipinayzd 16:27, 3 Mayo 2008 (UTC)
- Hindi naman na kailangan talagang purista ang gamit dito ng Tagalog. Kailangan ang paggamit dito ay ang pinaka-karaniwan na paggamit. Halimbawa, mas karaniwan ang matematika kaysa sa sipnayan, kaya dapat matematika ang ginagamit. Gagawin ba natin ito kapag ang pinag-uusapan ay telepono laban sa hattinig o eroplano laban sa salipawpaw? --Sky Harbor 18:57, 16 Abril 2008 (UTC)
Anyo ng pahina bago lumagda
baguhinBakit Ingles na ang lumilitaw na salita sa kanang itaas na bahagi: Log-in / Create an account sa halip na Lumagda / lumikha ng akawnt? Kailangang ayusin ito, di ba?- AnakngAraw 15:26, 22 Abril 2008 (UTC)
- Tapos na. --Jojit (usapan) 05:21, 6 Mayo 2008 (UTC)
Pagkikita-kitang birtwal
baguhinMabuhay, mga Wikipedistang Tagalog! Mayroong isang pagkikita-kitang birtwal na magaganap sa 8:00 (GMT+8:00) Mayo 3, 2008. Pag-uusapan doon ang mga usaping tungkol sa mga proyektong Wikimedia sa mga wikang Pilipino. Inaanyayahan ka naming makilahok! Kailangan mo lamang ng Yahoo! Messenger, at isang panagutan niyon. Pumunta sa en:Wikipedia talk:Tambayan Philippines#Virtual meetup para sa karagdagang kaalaman. -- Felipe Aira 03:57, 28 Abril 2008 (UTC)
Betawiki: better support for your language in MediaWiki
baguhinDear community. I am writing to you to promote a special wiki called Betawiki. This wiki facilitates the localisation (l10n) of the MediaWiki interface. You may have changed many messages here to use your language in the interface, but if you would log in to for example the Japanese language Wiktionary, you would not be able to use the interface as well translated as here. In fact, of 1,736 messages in the core of MediaWiki, 5.99% of the messages have been translated. Betawiki also supports the translation of messages for 126 extensions, with 2,174 messages. Many of them are used in WMF projects and they are vital for understanding the wiki. Currently 0.00% of the WMF extension messages have been translated. Translators for over 90 languages contribute their work to MediaWiki this way every month.
If you wish to contribute to better support of your language in MediaWiki, as well as for many MediaWiki extensions, please visit Betawiki, create an account and request translator privileges. You can see the current status of localisation of your language on MediaWiki.org and do not forget to get in touch with others that may already be working on your language on Betawiki.
If you have any further questions, please let me know on my talk page on Betawiki. We will try and assist you as much as possible, for example by importing all messages from a local wiki for you to start with, if you so desire.
You can also find us on the Freenode IRC network in the channel #mediawiki-i18n where we will be happy to help you get started.
Thank you very much for your attention and I do hope to see some of you on Betawiki soon! Thanks, GerardM@Betawiki
- Currently 24.84% of the MediaWiki messages and 0.37% of the messages of the extensions used by the Wikimedia Foundation projects have been localised. Please help us help your language by localising at Betawiki. This is the localisation activity for your language. Thanks, GerardM 10:44, 3 Mayo 2008 (UTC)
- We still have a bounty program for people working on the localisation of this language. We are also quite happy to import messages from this project into Betawiki ... GerardM 10:45, 3 Mayo 2008 (UTC)
Inilipat mula sa Wikipedia talk:Puntahan ng pamayanan batay sa hiling ng naglagay. -- Felipe Aira 11:24, 3 Mayo 2008 (UTC)
- Currently 24.79% of the MediaWiki messages and 0.26% of the messages of the extensions used by the Wikimedia Foundation projects have been localised. Please help us help your language by localising at Betawiki. This is the recent localisation activity for your language. Thanks, GerardM 11:31, 17 Mayo 2008 (UTC)
Tamang pagbaybay sa Tagalog ng Ingles "Wikipedia"
baguhinMaari po bang gawing malinaw ang tunay talagang pagbaybay sa salitang sinabi? Sa Tagalog, hindi po maaaring ibaybay ang salita na WIKIPEDIA dahil ito ay nasa anyong Ingles o 'di kaya'y Espanyol. Ilalagay ko po sa ibaba ang mga posibleng pagbaybay sa isinaling salita.
- WIKIPIDYA
- WIKIPIDIYA
- WIKIPEDYA (pagbigkas, pEdya , E na nasa pEdal)
- WIKIPEDIYA
- WIKIPEDEYA
At isa pa, talaga po ba na Tagalog ang Wikipediyang ito? Dahil kung Tagalog, e sana'y mas mukhang puro ang mga salita. Ang Filipino ay mas nagmumukhang tama.
gs2kongmatuto 13:38, 3 Mayo 2008 (UTC)
- Hiwalay ang pagdebelop ng Tagalog at Filipino. Kung patuloy na susundin ang debelopment ng Filipino, patuloy na iisa ito sa tingin ng mga Pilipino. --Filipinayzd 16:59, 3 Mayo 2008 (UTC)
- Depende ito sa interpretasyon mo ng mga tuntunin ng KWF. Kung tutuusin, ang Wikipedia ay isang tatak (trademark), kaya maaari itong iwanin nang nakabaybay sa Ingles. Pero, kung gusto ng WMF (ang Pundasyong Wikimedia) na isalin ang mga pangalan, mas tama ang Wikipedya kung aayon ito sa pagbaybay ng Tagalog/Filipino. Higit pa sa iyon, ang convergence ng Tagalog at ng Filipino ay nagiging inevitable dahil sa tingin ng mga Pilipino na walang diperensiya ang dalawa. --Sky Harbor 15:10, 4 Mayo 2008 (UTC)
- Sumusunod sa pagbaybay ng Filipino ang mga tagagamit ng Tagalog sa pagpapalagay na ang Tagalog ay ginawang/naging Filipino. Dahil Tagalog Wikipedia ito, Wikipedya. At kung sa ibang Pilipinong wika, ewan ko. Sa Filipino, marahil ito ay Wikipidiya (na maaaring para ibang nasa KWF na gustong manatiling mala-Tagalog ang Filipino o ginawang/naging Filipino ang Tagalog, Wikipedya). --Filipinayzd 15:28, 5 Mayo 2008 (UTC)
- Depende ito sa interpretasyon mo ng mga tuntunin ng KWF. Kung tutuusin, ang Wikipedia ay isang tatak (trademark), kaya maaari itong iwanin nang nakabaybay sa Ingles. Pero, kung gusto ng WMF (ang Pundasyong Wikimedia) na isalin ang mga pangalan, mas tama ang Wikipedya kung aayon ito sa pagbaybay ng Tagalog/Filipino. Higit pa sa iyon, ang convergence ng Tagalog at ng Filipino ay nagiging inevitable dahil sa tingin ng mga Pilipino na walang diperensiya ang dalawa. --Sky Harbor 15:10, 4 Mayo 2008 (UTC)
WMPH: Pasulong (isang mala-manifesto)
baguhinKung hindi sapat ang pangangampanya upang magkaroon ng interes sa Wikimedia Pilipinas, baka kaya ng isang mala-manifesto o pseudo-manifesto. Matitingnan niyo ito dito, o, dito kung gusto niyo sa Ingles. --Sky Harbor 21:02, 12 Mayo 2008 (UTC)
Ngayong buwan, napiling artikulo sa Bisayang Wikipedia ang artikulo ni bin Laden. Sino ang nagnanais na isalin iyon sa Tagalog upang mapalitan na si Thalia? Alexius08 06:14, 14 Mayo 2008 (UTC)
- Gusto ko lang pong ipaalalang walang talasanggunian ang artikulo, at buwanan ang pagpili ng Wikipedyang Sinugbuanon. Hindi ito pumapasa sa ating pamantayan. -- Felipe Aira 11:00, 14 Mayo 2008 (UTC)
Mas mainam sigurong isalin ang artikulo sa English Wikipedia dahil mas marami ang citations nito. --bluemask 12:33, 14 Mayo 2008 (UTC)
- Isasalin ko po ng patagpi-tagpi yung artikulo ni bin laden sa tagalog, lalagyan ko rin po yun ng mga talasanggunian para pumasa sa pamantayan dito. Ilang buwan na po bang nalagay si Thalia sa Unang Pahina bilang napiling artikulo?--Palang hernan 07:25, 20 Hunyo 2008 (UTC)
- Pebrero pa yata o Marso. -- Felipe Aira 10:23, 20 Hunyo 2008 (UTC)
Sidebar
baguhinGusto ko lang pong ipaalam na may bago na tayong sidebar. Sino'ng gumawa noon? Maganda. -- Felipe Aira 11:02, 14 Mayo 2008 (UTC)
Infobox
baguhinMaituturing bang mga artikulo ang mga pahinang tanging infobox lang ang laman? Para sa akin, kailangang burahin iyon. -- Felipe Aira 11:10, 14 Mayo 2008 (UTC)
- palagay ko mas mainam kung papalawakin na lamang ang artikulo kaysa burahin. hal. lagyan ng panimulang mga pangungusap. :-) Mananaliksik 00:28, 15 Mayo 2008 (UTC)
- Maraming infobox na artikulo sa en.wiki. Minsan pa nga ay hindi na pwedeng palawakin tulad ng mga nanganganib na mga hayop at halaman. Kung hindi notable o verifiable ang artikulo ay kailangang burahin iyon. --Lenticel (usapan) 05:41, 2 Hunyo 2008 (UTC)
- palagay ko mas mainam kung papalawakin na lamang ang artikulo kaysa burahin. hal. lagyan ng panimulang mga pangungusap. :-) Mananaliksik 00:28, 15 Mayo 2008 (UTC)
Napiling nilalaman
baguhinPakisilip po ang Wikipedia:Mga nominasyon para sa napiling nilalaman, mayroon po akong talaang isinulat at iniharap doon. -- Felipe Aira 05:45, 19 Mayo 2008 (UTC)
Ang Wikipedia Tagalog at ang Google
baguhinNapansin ko kamakailan na pumapangibabaw ang mga artikulo ng Tagalog Wikipedia sa Google, lalo na kapag may karampatan itong interwiki sa Ingles. Sa palagay ko'y isa itong magandang senyales upang maging umangat ang interes ng mga manunulat dito. Starczamora 08:56, 2 Hunyo 2008 (UTC)
Request bot flag for WikiDreamer Bot
baguhin- Operator: WikiDreamer
- Automatic or Manually Assisted: Automatic
- Programming Language(s): Python (Pywikipedia framework)
- Function Summary: Interwiki from bs wikipedia
- Bot with flag: 41 & ++ wikipedia
I run my bot now for 50 test edits. Thanks! --WikiDreamer Talk 14:09, 16 Hunyo 2008 (UTC)
Template:California
baguhinHello. patulong naman sa pag-ayos ng template na ito kasi hindi ko mabago yung pamagat na "Estado of California". Salamat sa inyong tulong. Mananaliksik 01:02, 18 Hunyo 2008 (UTC)
- Tapos na. --Sky Harbor (usapan) 11:53, 21 Hunyo 2008 (UTC)