Thalía

(Idinirekta mula sa Thalia)

Si Ariadna Thalía Sodi Miranda, higit na kilala bilang Thalía lamang, ay isang mang-aawit at aktres mula sa Mehiko. Isa siya sa mga kilalang aktres sa telebisyon, at nakapagbenta ng tinatayang 25 milyong rekord sa buong mundo.[1][2][3] Binansagan bilang "Reyna ng Latinong Pop",[4] itinuturing siyang isa sa pinakamatagumpay at pinakamaimpluwensyang artistang Mehikano.[5][6][7] Maliban sa katutubong wikang Kastila, umawit din si Thalía sa Ingles, Pranses, Portuges, at Tagalog.[8]

Thalía
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakAriadna Thalía Sodi Miranda
Kilala rin bilangThalía
Kapanganakan (1971-08-26) 26 Agosto 1971 (edad 53)
PinagmulanLungsod ng Mehiko, Mehiko
GenreLatin Pop, Pop Rock, Dance-Pop
Trabahomang-aawit, artista, manlilikha, negosyante
Taong aktibo1981 - kasalukuyan
LabelFonovisa Records (1990–1993)
EMI (1994–2009)
Sony Music (2009-kasalukuyan)
WebsiteThalia.com
Para sa ibang gamit, tingnan ang Thalia (paglilinaw)

Nakatanggap siya ng maraming mga parangal, kabilang ang limang Parangal ng Musikong Latino ng Billboard, walong Parangal ng Lo Nuestro, at gayon din ang pitong nominasyon sa Parangal sa Latinong Grammy[9] at ang natatangi nilang "Meritong Parangal ng Pangulo" noong 2019.[10] Mayroon siyang kolaborasyon sa iba't ibang artistang pangmusika, tulad nina Tony Bennett, Michael Bublé, Robbie Williams, Marc Anthony, Laura Pausini, Romeo Santos, Maluma, Fat Joe, at Carlos Vives.

Bilang isang aktres, bumida si Thalía sa iba't ibang matagumpay na mga telenobela na umere sa 180 bansa na may tinatayang 2 bilyong manonood sang-ayon sa UNICEF,[11][12] na nagdulot sa pagbabansag sa kanya bilang "Reyna ng mga Telenobela" ng mga mamamahayag.[13] Nakatulong ang pandaigdigang epekto ng kanyang telenobela na pasikatin ang kanyang musika sa mga teritoryo hindi nagsasalita ng Kastila at mga merkado sa Europa at Asya. Pinangalanan siya ng Televisa, isang kompanyang midya sa Mehiko, bilang ang telenobelang artistang may pinakamataas na suweldo sa kasaysayan,[14][15] habang pinangalanan siya ng Billboard bilang ang pinakakilalang bituin ng soap na nagsasalita ng Kastila sa buong mundo.[16]

Tinuturing bilang isang ikono ng Latinong pop,[17] tinawag si Thalía ng magasin na Ocean Drive bilang "ang pinakamalaking bituin sa Mehiko na nailuwas sa mga huling dekada".[18] Napasama siya sa Pinakamagaling na mga Latinong Artista sa Lahat ng Oras ng Billboard noong 2008.[19][20] Noong 5 Disyembre 2013, pinarangal siya ng isang bituin sa Hollywood Walk of Fame bilang isang pagkilala sa kanyang mga natamo sa industriya ng musika.[21][22] Bilang isang negosyante, natamo niya ang tagumpay sa isang tatak pangmoda (dahil mayroon siyang kontrata sa Macy's), gayon din mayroon din siyang sariling palatuntunan sa radyo sa kanyang bansa at naging may-akda ng apat na aklat, kabilang ang isang talaarawan. Sa kanyang karera, napabilang si Thalía sa mga makataong dahilan at isa siyang Embahador ng Mehiko ng UNICEF simula pa noong 2016.[23]

Talambuhay

baguhin

Si Thalía ay ipinanganak noong 26 Agosto 1971. Ang kanyang mga magulang ay sina Ernesto Sodi Pallares, isang kriminologo, at si Yolanda Miranda Mange. Siya ang bunso sa limang magkakapatid: Laura Zapata, isa ring sikat na aktres sa telebisyon sa Amerikang Latino, at anak ni Yolanda Miranda sa kanyang unang asawa, Federica, isang arkeolohista, Gabriela, isang dalubhasa sa kasaysayan ng sining, at Ernestina, isang manunulat at patnugot.

Nang namatay ang kanyang ama sa sakit na diyabetis noong nasa gulang na limang taon pa lamang siya,[24] hindi nakapagbigkas si Thalía kahit isang salita sa loob ng isang taon. Nag-alala ang kanyang pamilya sa kanyang katayuan, na naging dahilan sa pagpapatingin sa kanya sa isang sikologo. Idolo niya si Nadia Comaneci, isang sikat na himnasta. Kaya nag-ambisyon si Thalía maging isang himnasta din.[25]

Noong 1981, nag-umpisa ang karera ni Thalía sa musika bilang bokalista ng Mehikanong batang pangkat na Din Din. Siya ay gumanap sa Juguemos a Cantar bilang miyembro ng grupo, at sa bandang huli bilang soloista. Bilang bokalista, siya ay kinikilalang may-boses na mezzo-soprano.

Noong 1984, siya ay binigyan ng gagampanan sa bersiyong pangkabataan ng produksiyong pang-entabladong Grease, siya ay ang pangunahing tauhang si Sandy.

Noong 1986, pinalitan niya ang isa sa mga orihinal na babaeng bokalista sa grupong Timbiricheng si Sasha Sokol. Noong taong din iyon, binigyan siya ng isang gagampanan sa unang niyang telenobela, ang "Pobre Señorita Limantour".

Noong 1988, pinagbidahan niya ang Mehikanong telenobelang "Quinceañera", at pagkatapos niyon ay nagtungo siya sa Los Angeles, California upang maghanda sa kanyang sariling karera.

Maraming nakakapagsabing mayroong alitan sina Thalía at Paulina Rubio, ang dating kasamahan ni Thalía noong sila ay miyembro pa ng grupong Timbiriche. Nagsimula ang kuwentong ito nang ang dalawa ay, hindi umano, nag-away bago magsimula ang isang pagtatanghal, ito raw ay dahil masyadong maganda raw si Thalía kaysa kay Paulinang nagdulot naman ng pagkainggit niya kay Thalía.[26]

Nagtambal sina Thalía at Eduardo Capetillo, isang dating miyembro ng Timbiriche, sa telenobelang Marimar. Habang namatay naman ang kanyang nobyong dapat papakasalan niyang si Alfredo Díaz Ordaz, ang gumawa ng una niyang dalawang album, noong 16 Disyembre 1993.[27] Ito ang naging dahilan sa paghiwalay ni Thalía sa Timbiriche, at pagiging malayo sa bandang ito noong panahon ng Marimar.

Noong 2000, pinagbidahan niya ang isang malayang pelikula, ang Mambo Café, isang maliit na produksiyon ng Hollywood kung saan gumanap siya bilang isang dalagang taga-Puerto Rico.

Noong 2 Disyembre 2000, pinakasalan ni Thalía si Tommy Mottola, dating presidente ng Sony Music, at dating asawa ni Mariah Carey, sa St. Patrick's Cathedral sa New York sa isang tatlong milyong dolyar na seremonya at handaan. Sa kasalukuyan, nakatira sa lungsod ng New York sina Thalía at ang kanyang asawa.

Nagtrabaho rin si Thalía bilang prodyuser ng rekord, kompositor, punong-abala sa telebisyon at radyo, mandidisenyo ng moda, patnugot ng pahayagan ng isang magasin, at modelo. Siya rin ay naging panauhin sa maraming programang pantelebisyon, katulad ng Entertainment Tonight, El Show de Cristina, Good Morning America, Hard Copy, The Rossie O'Donnell Show, at 20/20.

Noong 22 Setyembre 2002, dinukot ang kanyang dalawang nakakatandang kapatid na sina Laura Zapata at Ernestina Sodi pagkatapos manood ng isang pagtatanghal sa isang teatro[28]. Pagkalipas ng halos dalawang linggong pagkakadukot, pinalaya ng mga nagdukot si Laura noong Oktubre 11[29]. Pinalaya naman si Ernestina noong Oktubre 27, pagkalipas ng limang linggong pagkakadukot[30]. Sinasabing nagbayad ng isang milyong dolyar bilang kapalit sa paglaya ng dalawa ang pamilya ni Thalía ngunit ito ay hindi pinatotohanan.

Noong taglamig ng taong 2006, si Thalía ay naaksidente habang nag-iiskii sa Aspen, Colorado[31][32]. Siya ay nagpalipas ng Pasko na may pilay sa kaliwang tuhod.

Noong 2007, umanib siya sa ABC Network upang magsimula ng isang programang panradyo na The Conexión Thalia Radio Show, na kung saan pinag-uusapan niya rito ay tungkol sa musika, moda, balita at usaping pampolitika.[33][34]

Noong 12 Hunyo 2007, ayon sa inilabas na balita sa websayt ng magasing Hello!, si Thalía, sa isang natatanging panayam para sa Mehikanong edisyon na ¡Hola!, ay naghayag ng kanyang pagdadalantao. At noong 7 Oktubre 2007, sinalubong nina Thalía at Tommy ang kanilang unang anak - mayroong anak si Tommy sa una niyang kasal kay Lisa Clark - isang babaeng pinangalanang Sabrina Sakaë.[35]

Ilalabas ni Thalía ang album na Lunada noong 24 Hunyo 2008.

Personal na buhay

baguhin

Sinasabi ng mga mababalitang si Thalía ay nagpatanggal ng dalawang tadyang dahil sa siya ay may napakaliit na baywang, siya ay may eksaktong 55 sentimetrong baywang (21.7 pulgada); ngunit lagi niya itong itinatanggi[36].

Diskograpiya

baguhin

Thalía (1990)

baguhin

Noong 1990, inilabas ni Thalía ang kanyang unang album na Thalía. Ito ay ginawa ni Alfredo Diaz Ordaz. Ito ay inilabas noong Oktubre 1990 sa pamamagitan ng Fonovisa Records. Ang pinakasikat na mga nag-iisa ng album na ito ay ang "Un Pacto Entre los Dos", "Salíva", "Amarillo Azul", at "Pienso en Ti".

Mundo de Cristal (1991)

baguhin

Si Thalía ay nagtungo sa Espanya noong 1991, at pinangunahan ang ilang programang pantelebisyon. Sa taong din iyon, inilabas niya ang pangalawa niyang album na Mundo de Cristal, na ginawa muli ni Alfredo Diaz Ordaz. Inilabas din ito ng Fonovisa, at pinasikat sa tatlong Mehikanong unang sampung mga hit na "Sudor", "En la Intimidad" at "Fuego Cruzado".

Love (1992)

baguhin

Ang pangatlong album ni Thalíang "Love" ay ginawa ni Luis Carlos Esteban sa Espanya, at inilabas noong 1992. Sa taong din iyon, ang simula ng kanyang matagumpay na karera sa pag-arte sa Mehiko. Kasama sa tala ang mga Mehikanong kaunahang mga hit na "Love" at "Sangre". Ito rin ay naglalaman ng unang sampung hit na "La Vida en Rosa", isang Espanyol-Pranses na pagsasagawa ng nakapagpakilalang awit kay Édith Piaf na "La Vie en Rose", ang temang awitin ng telenobelang María Mercedes.

Noong 1992, pinagbidahan ni Thalía ang telenobela ng Televisa na María Mercedes, at sinundan pa ito ng mga seryeng katulad ng Marimar, María la del Barrio at Rosalinda, na kung saan lahat ng telenobelang nabanggit ay naibenta sa 110 bansa at napanood ng milyun-milyon. Ang kanyang mga telenobela ay ipinalabas sa buong Amerikang Latino at mga bansang tulad ng Pilipinas, Indonesia, Gresya, Polonya, Portugal, Espanya at Estados Unidos. Ang kanyang mga telenobela ay hango sa kuwentong Cinderellang kung saan ang bida ay ipinanganak sa kahirapan. at makakakilala ng isang binatang mayaman, at sa huli sila ay ikakasal.

En Éxtasis (1995)

baguhin

Noong 1995, umalis si Thalía sa Melody/Fonovisa para sa EMI at naglabas ng label debut album, ang En Éxtasis. Ginawa ni Óscar López at Latin Pop impresario na si Emilio Estefan Jr., ang En Extasis ay naglalaman ng kanyan unang major international hit na "Piel Morena". Ang iba pang mga single mula sa album na ito ay kasama ang cover ni Juan Gabriel na "Gracias a Dios," ang sinulat ni A.B. Quintanilla na "Amandote" at "Quiero Hacerte el Amor". Ang "María la del Barrio", na kasama rin sa album, ay temang awitin sa ganoon din pamagat na telenovela, na kung saan si Thalía ang gumanap sa bidang papel.

Nandito Ako (1997)

baguhin

Inilabas noong 1 Pebrero 1997, ginawa ni Thalía ang album na Nandito Ako para sa merkado ng Pilipinas, na kung saan ito ay inirecord na bahagya sa wikang Filipino. Ang album ay naglalaman ng apat na awiting Tagalog, limang bersiyon na Ingles mula sa En Éxtasis at isang remix. Ang album ay niremastered at inilabas ito ng EMI Philippines taong 2007 kasama ang temang awitin ng Marimar bilang unang track. Ang mga larawan ng album ay mula sa album ni Thalía na El Sexto Sentido.

Taong din iyon, inilabas ng Atlantic Records ang soundtrack ng animated feature na pelikulang Anastasia, na kung saan kasama ang bersiyong Espanyol ng Journey to the Past (Viaje Tiempo Átras) bilang bonus track na inawit ni Thalía.

Idineklara noong 25 Abril 1997 sa Los Angeles, California, Estados Unidos na "Thalía Day".[37] Siya ay pinangalanang isa sa "dalawamput-limang Pinakamagagandang Tao", pitong beses ng magazine na People en Español.[38]

Amor a la Mexicana (1997)

baguhin

Bago matapos ang taong 1997, ginawa ni Emilio Estefan Jr. ang pang-anim na studio album ni Thalía na Amor a la Mexicana. Halos lahat ng mga awit na kasama sa album ay isinulat ni Kike Santander, na responsable rin sa breakthrough hit ni Thalía na "Piel Morena". Ang album ay nagdala sa mga hits na katulad ng "Amor a la Mexicana", "Por Amor" at "Mujer Latina". Ang bersiyon sa Brazil album ay naglalaman ng tatlong bersiyong Portuges na mga kanta sa album. Sa Pransiya, ito ay inilabas bilang "Por Amor", kasama ang dalawang bonus remixes. Ang remix ng "Amor a la Mexicana" ay naging pangunahing single ng album. Bilang resulta nito, ang single ay umani ng malaking promosyon at ito ay umabot sa numero onse sa Pransiya. Bilang kasama sa kampanya noong 2005, inilabas muli ito ng EMI at ni-remaster ang tunog at apat na bonus club remix.

Arrasando (2000)

baguhin

Matapos tumigil ng dalawang taon, si Thalía ay bumalik noong 2000 kasama ang pangatlo niyang studio album na ginawa kasama si Emilio Estefan, ang Arrasando. Ang album ay inilabas noong Abril 25 at inilabas ang "Entre el Mar y Una Estrella" bilang unang single nito. Ang mga single na "Entre el Mar y Una Estrella", "Arrasando", "Regresa a Mí", at "Reencarnación" ay Spanish radio hits. Ang "Entre el Mar y Una Estrella" ay pinangunahan ang Billboard's Hot Latin Tracks at Latin Pop Airplay, na naging unang niyang single na makagawa nito. Ang iba pang mga single ay nag-chart sa top 25 ng Latin Pop Airplay chart.

Bilang resulta ng tagumpay ng album, pagkatapos ng taon, si Thalía ay nominado sa dalawang kategorya sa Latin Grammy - "Best Female Pop Vocal Album" at "Best Sound Engineered Album." Napanalunan niya ang huli at natalo siya sa una ng Mi Reflejo ni Christina Aguilera.

Con Banda: Grandes Exitos (2001)

baguhin

Noong 28 Agosto 2001, inilabas ni Thalía ang kanyang compilation album na Con Banda: Grandes Éxitos. Ang tribute album para sa kanyang bansang sinilangan ay naglalaman ng marami niyang hits, na kung saan ito ay muling nirecord na may tipikal na tunog banda ng Mehiko. Kasama rin ang dalawang remixes at dalawang bagong tracks ("La Revancha" and "Cuco Peña"), na kung saan ang kantang isinulat ni Thalía na "La Revancha" ay inilabas lang sa Mehiko. Gumawa rin ng music video para sa bersiyong remix ng "Amor a la Mexicana". Ang remix ay hindi re-release ng orihinal na kanta. Ang ginawa ni Guillermo Gil na pagsasama-sama ay naging nominado para sa 2002 Latin Grammy Award para sa "Best Banda Album."

Thalía (2002)

baguhin

Taong 2002, inilabas ni Thalía ang ikapito niyang studio album, Thalía, na kung saan ito ay halos ang mga kanta ay isinulat at ginawa ni Estéfano. Nangibabaw ang pares na Hot Latin Tracks chart-topping singles (ang "Tú y Yo" at "No Me Enseñaste") at isang top-ten hit (ang "¿A Quién Le Importa?"). Itong album na ito ay may kasamang tatlong kantang Ingles, kasama na ang Dead or Alive cover na "You Spin Me Round (Like a Record)". Ang record ay humahawak sa numero unong spot sa halos anim na linggo sa Top Latin Albums chart, at umabot sa ikalabing-isang spot sa Billboard 200 album chart. Sa huli ang album ay certified platinum sa Estados Unidos na nakapagbenta ng halos 200,000. Ang kantang isinulat nina Estéfano at Julio Reyes power ballad na "No Me Enseñaste" ay marahil na pinakamalaking hit niya sa album, na umani ng maraming nominasyon mula sa Latin Billboard at chart-topping success. Ito ay numero unong hit sa Billboard's Hot Latin Tracks at umabot sa panglimang posisyon sa Argentina.

Si Thalía ay nominado sa isang kategorya sa Latin Grammy - "Female Pop Vocal Album", at apat na kategorya sa Latin Billboard - "Pop Track: Female" (No Me Enseñaste), "Tropical Track: Female" ("No Me Enseñaste"), "Premio de la Audiencia," at "Pop Album: Female". Napanalunan niya ang dalawang huling mga award.

Thalia's Hits Remixed (2003)

baguhin

Taong 2003, inilabas ni Thalía ang Thalía's Hits Remixed, isang compilation na nagtatampok ng mga remixes ng kanyang mga hits na awitin sa ilalim ng EMI label. Bukod pa sa mga remixes, naglalaman din ito ng bersiyong Ingles ng "Arrasando" na pinamagatang "It's My Party", na inilabas sa Gresya.

Thalía (2003)

baguhin

Bago matapos ang taong 2003, inilabas ni Thalía ang una niyang crossover-album na Ingles na Thalia. Ang album ay walang nilalaman na mga ritmong Latin katulad ng kanyang nakaraang mga album sa EMI, bagkus ito ay pop album. Ang album ay naglalaman ng hit na "I Want You" (isang impluwensiyang Hip-Hop na track), na kasama ang Amerikanong rapper na si Fat Joe. Ang kanta ay naging numero unong hit sa Argentina at Brazil, lumabas bilang ikalabing-isa sa United World Chart at lumabas bilang ikalabing-dalawa sa Billboard Hot 100 chart sa Estados Unidos. Ang bersiyong Espanyol nito, "Me Pones Sexy," na kung saan kasama rin si Fat Joe at lumabas sa pang labing-siyam sa Hot Latin Tracks chart. Ang iba pang mga singles mula sa album ay ang "Baby, I'm in Love," at "Don't Look Back" (bersiyong Ingles ng Espanyol na "Toda la Felicidad" na kasama rin sa album na ito). Ang parehong mga track ay hindi ganoong nagtagumpay.

Greatest Hits (2004)

baguhin
 
Si Thalía sa isang konsiyerto sa Los Angeles, California, taong 2004.

Taong 2003, inilunsad ni Thalía ang kanyang clothing line, na natatanging makukuha lang sa piling tindahan ng Kmart, sa ilalim ng pangalang brand na Thalía Sodi Collection.[39] Siya rin ay humahawak sa sarili niyang brand ng tsokolateng Hershey's.

Pagkatapos ng taong 2003, nagpasiya ang EMI na panahon na para kay Thalía na maglabas ng greatest hits album. Ito ay inilabas noong Pebrero 2004. Simpleng pinamagatang Greatest Hits, ang compilation ay naglalaman ng mga hits sa panahon noong siya ay nasa EMI, mula sa "Piel Morena" hanggang sa "Acción y Reacción". Ang ballad na "Cerca de Ti" ay ang pangatlong single na Espanyol na mula sa kanyang 2003 crossover album. Ang kanta ay isang malaking hit sa Latin charts, na nanguna sa Billboard's Hot Latin Tracks chart. "Acción y Reacción", orihinal na nirecord para sa kantang 2002 album, Thalía, ay hindi na naisama sa album. Ang bersiyong demo ng awitin ay lumabas nang di-dapat noong Mayo 2002, at ito ay tanggap naman ng kanyang mga tagahanga. Nagpasya si Thalía na muling itala at isinop ang "Acción y Reacción", at inilabas bilang isa sa track sa kanyang Greatest Hits album. Ito rin ay inilabas bilang single noong 2004. Ang track ay tungkol sa relasyon ni Thalía kay Tommy Mottola. Kahit na tanggap ito ng mga tagahanga niya, ang "Acción y Reacción" ay hindi nag-chart na kahit ano sa Billboard's Hot Latin Tracks chart.

El Sexto Sentido (2005)

baguhin

Ang El Sexto Sentido ay ang ikasiyam na album ni Thalía. Ito ay inilabas noong 19 Hulyo 2005 at ito ay inirecord na karamihan ay sa wikang Espanyol, ngunit mayroon din itong awit na Ingles. Ang album ay tumanggap ng katamtamang response mula sa publiko at mga kritiko. Ito ay lumabas sa publiko bilang numero uno sa kanyang tubong bansa na Mehiko. Ang "Amar Sin Ser Amada", isang rock-edged at tango-based na kanta, ay ang unang single sa album, at ito ay lumabas sa numero siyam sa Mehiko. Ang track din iyon ay lumabas sa numero dos sa Hot Latin Tracks chart. Ang pangalawang single, ang ballad na "Un Alma Sentenciada" ang pinili, na inaasahang magiging "No Me Enseñaste" ng album. Gayon man, ang reaksiyon ng publiko ay hindi gaanong positibo dahil ito ay nabigong lumabas sa Top 40, lumabas ito sa numero 47 sa Mehiko. Ang "Seducción," isang malakas na pop, at paborito ng mga tagahanga, ay naging ikatlong nag-iisa. Ang nag-iisang ito ay lumabas na ikaapat sa Mehiko.

El Sexto Sentido Re+Loaded (2006)

baguhin

Noong 6 Hunyo 2006, ang El Sexto Sentido ay muling inilabas sa ilalim ng pamagat na "El Sexto Sentido: Re+Loaded", na may kasamang tatlong bagong kanta at isang remix. Isa sa bagong nitong tracks, ang "Cantando Por un Sueño", ang titulong track ng palabas sa telebisyon na may parehas na pamagat, ay inilabas bilang unang single mula sa nirelease na Re+Loaded, ngunit ito'y sa Mehiko lamang. Ang kanta ay inilabas bilang promo para sa palabas na pantelebisyon, at nagpasiya si Thalía na ipromote ang panglimang single, ang "Olvídame." Ang kanta ay hindi nagtagumpay. Ang "No, No, No", isa pang bagong track ng re-release na Re+Loaded, na kasama si Anthony "Romeo" Santos na mula sa bandang Latin na Aventura, ay pinili bilang pang-anim at huling single. Ang ballad na Latin ay naging matagumpay agad; ito ay nanguna sa airplay chart sa Puerto Rico at naging top 5 hit sa Hot Latin Tracks chart. Ang kanta ay nagwagi sa award na "Best Pop Song of the Year" noong 2007 Premios lo Nuestro.

Ang album na ito ay umani ng maraming nominasyon mula sa Latin Grammy Awards, Billboard Latin Music Awards, Orgullosamente Latino Awards, Oye Awards, Premios Juventud at Premios lo Nuestro.

Lunada (2008)

baguhin

Inilahad ni Thalía noong 12 Enero 2008 na ginagawa niya ang kanyang susunod na studio album. At ayon pa sa kanya, lahat ng mga kanta ay pili.

Noong Marso 24, nang ipagdiwang ni Thalía ang unang anibersaryo ng kanyang palabas na panradyo, inilaha niya na ang kanyan susunod na album ay ilalabas sa Hunyo 24.

Sa websayt ng Univision noong Abril 30, inilunsad ang sample audio Naka-arkibo 2008-05-05 sa Wayback Machine. ng dalawa sa magiging tracks sa kanyang susunod na album na may mga pamagat na Ten Paciencia at Sangre Caliente. Binigyan ni Thalía (at ng Univision) ng pagkakataon ang mga tagahangang pumili, sa pamamagitan ng pagboto, sa dalawa kung alin sa mga iyon ang gagamitin ni Thalía bilang single para sa paglulunsad ng kanyang album. At noong Mayo 9, dahil sa mataas na nakuhang boto, napili ang Ten Paciencia bilang single.[40]. Kinumpirma rin na Lunada[41] ang pamagat ng 2008 album ni Thalía.

Naglabas din si Thalía ng isa pang track mula sa Lunada na may pamagat na Bendita[41] noong Mayo 10 bilang selebrasyon sa araw ng mga ina. Ang Bendita ay mismo niyang isinulat at iniaalay niya ito sa lahat ng mga ina at sa kanyang anak na si Sabrina Sakaë.

Iba pang paglalabas

baguhin

Mga katipunan

baguhin

Pampelikulang awit

baguhin

Diskograpiyang Timbiriche

baguhin
  • Timbiriche VII (1987)
  • Timbiriche VIII-IX (1988)
  • Los Clásicos de Timbiriche (1989)
  • Mambo Cafe (1999)
  • Greatest Hits (2004)
  • Combo de Exitos: Somos la Historia (2006)

Mga nag-iisa

baguhin

Lahat ng inilabas na karaniwan ng mga awiting nag-iisa, at ang kani-kanilang pinakamataas posisyon sa tala: Billboard Hot 100 (Hot 100), Hot Dance Club Play (HDM), Hot Latin Tracks (HLT), Latin Pop Airplay (LPA), at Latin Tropical Airplay (LTA).

Year Single Peak positions[42] Album
Hot 100 HDM HLT LPA LTA
1990 "Un Pacto Entre Los 2"  –  – - -  – Thalia (Debut Album)
1990 "Saliva"  –  – - -  – Thalia (Debut Album)
1990 "Amarillo Azul"  –  – - -  – Thalia (Debut Album)
1990 "Pienso en Ti"  –  – - -  – Thalia (Debut Album)
1991 "En La Intimidad"  –  – - -  – Mundo De Cristal
1991 "Fuego Cruzado"  –  – - -  – Mundo De Cristal
1991 "Sudor"  –  – - -  – Mundo De Cristal
1991 "Te Necesito"  –  – - -  – Mundo De Cristal
1992 "Love"  –  – - -  – Love
1992 "Sangre"  –  – - -  – Love
1992 "La Vie En Rose (La Vida En Rosa)"  –  – - -  – Love
1992 "Maria Mercedes"  –  – - -  – Love
1994 "Marimar"  –  – - -  – Marimar
1995 "Piel Morena"  –  – 7 4  – En Éxtasis
1996 "Gracias a Dios"  –  – 26 8  – En Éxtasis
1996 "Amándote"  –  –  –  –  – En Éxtasis
1996 "Quiero Hacerte el Amor"  –  –  –  –  – En Éxtasis
1996 "Me Faltas Tú"  –  – - -  – En Éxtasis
1996 "Maria la del Barrio"  –  – 30 14  – En Éxtasis
1997 "Amor a la Mexicana"  –  – 6  –  – Amor a la Mexicana
1997 "Por Amor"  –  –  –  –  – Amor a la Mexicana
1997 "Mujer Latina"  –  –  –  –  – Amor a la Mexicana
1997 "Noches Sin Luna" ²  –  –  –  –  – Amor a la Mexicana
1997 "Ponle Remedio" ²  –  –  –  –  – Amor a la Mexicana
1997 "De Donde Soy" ²  –  –  –  –  – Amor a la Mexicana
1997 " Echa Pa'Lante" ²  –  –  –  –  – Amor a la Mexicana
2000 "Entre El Mar Y Una Estrella"  – 1 1 1  – Arrasando
2000 "Arrasando"  –  – 3 1 - Arrasando
2000 "Regresa a Mi"  –  – 19 12  – Arrasando
2001 "Reencarnación"  –  – 30 17  – Arrasando
2001 "Rosalinda (Ay Amor)"  –  – 46 23 37 Arrasando
2001 "Amor a la Mexicana" [Banda Version]  –  –  –  –  – Con Banda, Grandes Éxitos
2001 "Arrasando" [Banda Version] 1  –  –  –  –  – Con Banda, Grandes Éxitos
2001 "Piel Morena" [Banda Version] 1  –  –  –  –  – Con Banda, Grandes Éxitos
2001 "La Revancha" 1  –  –  –  –  – Con Banda, Grandes Éxitos
2002 "Tú y Yo"  –  – 1 1 3 Thalía (Spanish album)
2002 "No Me Enseñaste"  –  – 1 3 1 Thalía (Spanish album)
2003 "¿A Quién Le Importa?"  –  – 9 1 7 Thalía (Spanish album)
2003 "Dance Dance (The Mexican)"  – 6  –  –  – Thalía (Spanish album)
2003 "I Want You/Me Pones Sexy" 22 27 9 1 3 Thalía (English album)
2003 "Baby, I'm in Love/Alguien Real"  – 12  –  –  – Thalía (English album)
2004 "Cerca de Ti"  –  – 1 1 4 Thalía (English album)
2004 "Acción y Reacción"  –  –  –  –  – Greatest Hits
2005 "Amar Sin Ser Amada"  –  – 2 7 8 El Sexto Sentido
2005 "Un Alma Sentenciada"  – 37 13 11 6 El Sexto Sentido
2006 "Seducción"  –  – 32 14 23 El Sexto Sentido
2006 "Cantando Por Un Sueño" 1  –  –  –  –  – El Sexto Sentido (Re+Loaded)"
2006 "No, No, No" (feat. Aventura)  –  – 4 4 5 El Sexto Sentido (Re+Loaded)
2006 "Olvídame"  –  –  –  –  – El Sexto Sentido
  • 1 Inilabas lang sa Mehiko
  • ² Inilabas lang sa Latin Amerika

Samahang pantagahanga

baguhin

Ang kaunaunahang opisyal na samahang pantagahanga ni Thalía, na Mundo de Cristal (MDC), na ipinangalan pagkatapos sa kanyang awit at record na may kaparehang pamagat, itinatag ito noong 10 Setyembre 1991 ng isang Mehikanang panatiko, na si Sonia Hernández. Sa simula, ito ay isang maliit na grupo lamang, na karamihan ay kapamilya, kamag-anak at kaibigan ni Hernández's, di kalaunan, sa pagsali ng mas marami pang mga tagahanga mula sa ibang siyudad ng Mehiko, ito ay naging opisyal na samahang pantagahanga sa Mehiko, at maging din sa buong mundo. Ito ay mayroong halos dalawampung sangay mula sa mga bansang nasa Latin America, Europa, at maging sa Estados Unidos. Ang ibang mga samahang pantagahanga, na kinikilala ng mga lokal na record labels, ay nabuo sa loob ng karera ni Thalía, ngunit ang tanging internasyonal at opisyal na samahang pantagahangang kinikilala ni Thalía ay ang MDC.[43]

Pilmograpiya

baguhin
  • Mambo Café (1999)[44]

Mga telenobela

baguhin
baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Thalia gives birth to 2nd child (FOX News)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2012-08-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Tommy Mottola, Thalia expecting second child". Nakuha noong 2012-08-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Singer Thalia Gets Personal, Emotional In 'Growing Stronger' (Huffington Post)". Nakuha noong 2012-08-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fabian, Renée (29 Setyembre 2017). "Ricky Martin To Thalía: 5 Latin Autobiographies You Should Read" (sa wikang Ingles). Grammy Award. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Hunyo 2020. Nakuha noong 1 Enero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "25 mexicanos más influyentes en la música". Oyemexico.com (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2012. Nakuha noong 10 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Thalía con nuevo disco". Televisa (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 27 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Ana Karen Grande Benavides (30 Agosto 2012). "Ellas son las mexicanas más tocadas". Azteca (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2013. Nakuha noong 10 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "THE BILLBOARD STAR AWARD : Thalía | The Mexican Singer/Actress Has Risen From Kiddie Pop To Soap Operas To International Status". Billboard (sa wikang Ingles). Marso 2011. Nakuha noong 11 Agosto 2012.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Patch". Hollywood.patch.com. 4 Disyembre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Enero 2014. Nakuha noong 5 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "2019 Latin Grammy Highlights". Billboard. 15 Nobyembre 2019. Nakuha noong 15 Nobyembre 2019.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Dorantes, David (27 Setyembre 2009). "Thalia busca la liberación". Houston Chronicle (sa wikang Kastila). Nakuha noong 10 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Award-winning artist Thalía appointed UNICEF Mexico Ambassador" (sa wikang Ingles). UNICEF. 8 Hulyo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Enero 2020. Nakuha noong 18 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Gargan, Edward A. (27 Agosto 1996). "Mere Soap Opera? It's Mexican Magic (in Tagalog)". The New York Times (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Thalia, reina de las novelas" (sa wikang Kastila). Laprensa.com.bo. 18 Oktubre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Oktubre 2013. Nakuha noong 5 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Thalia – La Historia Detras Del Mito Pt. 3 of 5". YouTube. 13 Setyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-21. Nakuha noong 5 Agosto 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Thalia To Receive 'Star' Honor At Latin Awards". Billboard (sa wikang Ingles). Bol. 113, blg. 16. 21 Abril 2001. p. 90. Nakuha noong 17 Enero 2022.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Studies in Latin American Popular Culture" (sa wikang Ingles). Department of Spanish and Portuguese, University of Arizona. 2002: 222. Telenovelas starring the pop icon Thalia are typical of the pure Cinderella variant of the Mexican soap opera, the novela rosa. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Santelices, Manuel (2001). Ocean Drive (pat.). "Farándula: Thalía arrasando con todo". La Prensa (sa wikang Ingles). Managua, Nicaragua. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2013. Nakuha noong 18 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "GREATEST OF ALL TIME LATIN ARTISTS". Billboard. Oktubre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Nobyembre 2020. Nakuha noong 3 Disyembre 2020.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Thalía. 2008. p. 194. ISBN 9780451225177. Nakuha noong 7 Pebrero 2022 – sa pamamagitan ni/ng Archive.org. {{cite book}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Lopez, Michael (26 Hunyo 2012). "Thalía To Get Star On Hollywood Walk Of Fame". Huffington Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Agosto 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Honourees announced for Hollywood Walk of Fame 2013". The Express Tribune (sa wikang Ingles). 23 Hunyo 2012. Nakuha noong 10 Setyembre 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "La reconocida actriz y cantante Thalía es nombrada Embajadora de Buena Voluntad de UNICEF México". UNICEF.
  24. "Thalía: A Dazzling Beauty (Biografia A&E) Parte 1 de 9 sa YouTube". Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Thalía: A Dazzling Beauty (Biografia A&E) Parte 2 de 9 sa YouTube". Nakuha noong 2008-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Paulina Rubio envidia a Thalia". Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Thalia's boyfriends". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-28. Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Mga Kapatid ng Mehikanang Mang-aawit na si Thalía, dinukot". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-20. Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Viva Zapata". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-20. Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Safe and Sound". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-20. Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Aksidente ni Thalía habang nag-iiski". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-22. Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Battle of the Exes in Aspen!". Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "The Conexión Thalia Radio Show ABC Radio". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-06. Nakuha noong 2007-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "The Conexión Thalía Radio Show Official Press Release ABC Radio" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2007-06-30. Nakuha noong 2007-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Hello magazine
  36. "Rumors and Reality". Nakuha noong 2008-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Thalia official biography William Morris Agency" (PDF). Nakuha noong 2007-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Celebrity Channel Netscape.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-14. Nakuha noong 2007-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Will Thalia heat up Kmart sales? CNN/Money". Nakuha noong 2007-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Tú votaste, Thalía eligió (You voted, Thalía chose)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-12. Nakuha noong 2008-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. 41.0 41.1 Thalía y su regalo a las madres (Thalía and her gift to the mothers), inarkibo mula sa orihinal noong 2008-05-14, nakuha noong 2008-05-16{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. U.S. Single Chart Positions (AMG)
  43. Mundo de Cristal
  44. "Pilmograpiya". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-27. Nakuha noong 2008-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)