Rosalinda
Ang Rosalinda ay isang telenobela na mula sa Mehiko, na prinodyus ng Televisa noong 1999. Mula ito sa orihinal na kuwento ni Inés Rodena.
Rosalinda | |
---|---|
Uri | Telenovela |
Gumawa | Delia Fiallo |
Batay sa | María Teresa |
Direktor | Delia Fiallo |
Pinangungunahan ni/nina | Thalía, Fernando Carrillo, Nora Salinas, Lupita Ferrer |
Kompositor | Kike Santander |
Bansang pinagmulan | Mehiko |
Wika | Kastila |
Bilang ng kabanata | 80 |
Paggawa | |
Prodyuser | Salvador Mejía |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | Las Estrellas |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 1 Marso 18 Hunyo 1999 | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | El Privilegio de Amar |
Sinundan ng | Infierno en el paraíso |
- Para sa seryeng pantelebisyon sa Pilipinas, tingnan ang Rosalinda.
Impormasyon ng serye
baguhinAng Rosalinda ay isang telenobela na pinagbibidahan ni Thalía at dinirekta ni Karina Duprez at Beatriz Sheridan, na siya ring nagdirekta sa La Usurpadora (The Usurper) at La Venganza (Revenge). Si "Rosalinda" , na isinabuhay ni Thalía, ay isang kaaya-ayang babae na nakatira kasama ang kanyang pamilya at naipit sa pagitan ng kanyang dalawang manliligaw.
Balangkas
baguhinSinopsis
baguhinSi Rosalinda ay isang mabait na babae na nakatira kasama ang kanyang pamilya. Nang ang kanyang ina, na hindi pala niya tunay na ina, namatay, nakilala niya si Fernando Jose na ang totoong ama ay napatay ng kanyang (si Rosalinda) tunay na ina at nakakulong sa kulungan. Dahil sa komplikadong karamdaman, nawala ang kanyang memorya at umibig sa ibang lalaki, na si Alex. Nang maranig niyang umawit si Fernando, nanumbalik ang mga alaala ni Rosalinda ngunit siya ay dapat pumili kung sino ang kanyang pakakasalan.
Si Rosalinda ay isang magandang babae na edad 20 na nagbebenta at nagpapalamuti ng mga bulaklak sa isang magarang restauran. Isang araw, nakilala niya si Fernando Jose, isang lalaking mula sa alta sociedad. Siya, si Fernando Jose, at nagpapatugtog ng piano sa restauran. Di kalaunan, sila ay nagkaibigan, nagpakasal at nagkaanak na pinangalanang Erika, ngunit ang biyenan ni Rosalinda na nasi Valeria at naghahangad na paghiwalayin ang dalawa. May perpektong paraan si Valeria upang mangyari ito. Ang tunay na ina ni Rosalinda, si Soledad, ay pinaglilingkuran ang 25-taong sentensiya sa pagpatay sa tunay na ama ni Fernando Jose. Siya ay inosente, ngunit siya ang pinagbintangan. Matapos malaman ang malagin na katotohanan, iniwan ni Fernando Jose si Rosalinda at ang kanilang anak. Dinukot ni Valeria si Erika. Labis na nalungkot si Rosalinda at di naglaon siya ay nawalan ng alaala. She ay napunta sa ospital ng mga baliw.
Isang gabi, nasunog ang ospital ng mga baliw at ito ay natupok. Mabuti na lang nakalabas ng maayos si Rosalinda. Ngunit ang mga mahal sa buhay ni Rosalinda ay naniniwalang siya ay namatay. Nakilala niya ang isang matandang lalaki na pumilit sa kanya at pinakita sa kanya kung paano magnakaw. Dahil siya ay nagdudusa sa isang malaking kaso ng amnesya, panandalian siyang napilitang maging magnanakaw. Nakilala niya si Alex Dorantes habang siya ay nagnanakaw sa bahay nito. Nilinisan siya ni Alex at binigyan ng bagong pagkatao na Paloma Dorantes at naging isang mang-aawit. Umibig si Rosalinda kay Alex, ang talent agent na ginawa siyang sikat. Pinakasalan ni Fernando Jose ang nakakatandang kapatid ni Rosalinda, si Fedra.
Nagiging mabuti ang buhay ni Rosalinda kasama si Alex, Ngunit, ang mga bagay bagay ay hindi tama. Isang gabi, dumalo sina Alex at Rosalinda sa isa sa mga konsyerto ni Fernando Jose. Pinatugtog niya ang isang kanta na ito pala ay una niyang pinatugtog ng sila, Ferndando Jose at Rosalinda, ay unang nagkita. Ito ang naging dahilang upang manumbalik ang mga alaala ni Rosalinda. Dahil sa labis na panunumbalik ng mga alaala, nagmamadaling lumabas si Rosalinda sa bulwagan ng konsyerto at siya ay nabundol ng kotse. Agad-agad siyang dinala sa ospital ni Alex. Matapos nito, naalala ni Rosalinda na hindi siya si Paloma.
Ngayon na nanumbalik na ang mga alaala ni Rosalinda, siya ay kailangan bumalik para lumaban upang makiha ang kanyang anak, pamilya at maging si Fernando Jose sa prosesong ito. Maraming naranasan na pagbabago sa buhay si Rosalinda sa pagbabalik. Marami siyang naranasang balakid kay Valeria at mga kakampi nito, at maging nalaman niya ang katotohanan sa tunay na ina ni Fernando Jose.
Nagtapos ang nobela nang lumabas sina Fernando Jose at Rosalinda sa simbahan na kung saan plinano ni Rosalinda na pakasalan si Fernando Jose at sila ay namuhay ng masaya.
Mga katotohanan
baguhin- Ang Rosalinda ay ang huling telenobela ni Thalía bago siya nagtungo sa lungsod ng New York kasama ang kanyang asawa na si Tommy Mottola.
- Ang telenobela ay sinasabing "kailangang makita" dahil sa mga artistang kasama, sina Lupita Ferrer (ang gumanap na Rosalinda sa bersyong orihinal na prinodyus sa Venezuela, na"Maria Teresa"), Angelica Maria at Fernando Carrillo.
- Ang telenobela ay inilabas sa two double-sided DVDs bilang bersyon edited ng telenobela.
- Mayroon itong mataas na puntos na palabas na ipinalabas sa Pilipinas na nasa wikang Espanyol. Inilabas ito noong 2000 sa ABS CBN at umani ng 75% viewership rating at pinangunahan ang bawat palabas sa telebisyon na kakompetensiya nito sa oras.
- Taong 2003, gagawain muli ito ng GMA Network.
Mga Gumanap at Tauhan
baguhin- Thalía bilang Rosalinda Pérez Romero/Paloma Dorantes
- Fernando Carrillo bilang Fernando José Altamirano del Castillo
- Angélica María bilang Soledad Martha Romero
- Lupita Ferrer bilang Valeria Del Castillo
- Nora Salinas bilang Fedra Pérez Romero
- Adriana Fonseca bilang Lucía Pérez Romero
- Paty Díaz bilang Clarita Martínez
- Elvira Monsell bilang Bertha Álvarez
- Víctor Noriega bilang Alejandro Dorantes
- René Muñoz bilang Florentino Rosas
- Miguel Ángel Rodríguez bilang Javier Pérez
- Meche Barba bilang Angustias
- Ninón Sevilla bilang Asunción
- Susana González bilang Luz Elena
- Manuel Saval bilang Alfredo del Castillo
- Ana María Aguirre bilang Enriqueta de Navarrete
- Anastasia bilang Alcira Ordóñez
- Jorge De Silva bilang Roberto Pérez Romero
- Roberto Guzmán bilang Francisco Quiñones
- Tere López-Tarín bilang Natalia
- Ivonne Montero bilang Celina Barriga
- Sabine Moussier bilang Cristina
- Renata bilang Zoila Barriga
- Sergio Reynoso bilang Agustín Morales
- Queta Lavat bilang Úrsula Valdez
- Eugenio Bartilotti bilang Efrén
- Guadalupe Bolaños bilang Luciana
- Eduardo Liñán bilang Demetrio Morales
- Eduardo Luna bilang Aníbal Eduardo Rivera Pacheco
- Maricarmen Vela bilang Emilia
- Laura Zapata bilang Verónica Del Castillo
- Liza Willert bilang Georgina
- Alejandro Ávila bilang Gerardo Navarette
- Eva Calvo bilang Úrsula Valdez
- César Castro bilang Ismael
- Alberto Inzúa bilang Dr. Riveroll
- Emiliano Lizárraga bilang Ramiro
- Sara Luz bilang Becky Rosas
- Ricky Mergold bilang David
- Julio Monterde bilang Advocate
- Sara Montes bilang Sandra Pacheco
- Raúl Padilla bilang Bonifacio
- Jorge Pascual Rubio bilang Cosme
- Tina Romero bilang Dolores Romero
- Javier Ruán bilang Chuy
- Jessica Salazar bilang Pamela Iturbide
- Irma Torres bilang Julieta
- Julio Urreta bilang Ayala
- Juan José Origel bilang sarili niya
- Luz María Zetina bilang Luz María
- Héctor del Puerto bilang Dr. Riveroll
- Aida Cuevas bilang sarili niya
- Rafael Amador bilang Gerardo
- Alberto Chávez bilang Periodista
- Esther Rinaldi bilang Abril Valdez-Quiñones Del Castillo
- Gabriela del Valle
- Guillermo García Cantú bilang José Fernando Altamirano
- Libia Regalado
- Milagros Rueda
- Carlos Samperio
- Juan Carlos Serrán
- Yamil Sesin
- Ricardo Villareal
Ugnay panglabas
baguhin- Rosalinda at the Telenovela database
- Rosalinda sa IMDb
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Rosalinda " ng en.wikipedia. |