Nadia Comăneci
Si Nadia Elena Comăneci (ipinanganak noong 12 Nobyembre 1961) ay isang Rumanang manlalaro ng himnastika, nagwagi ng limang Olimpikong gintong medalya, at unang manlalaro na iginawad ng ganap na punto ng 10 sa isang kaganapang Olimpiko ng himnastika. Isa siya sa mga pinakasikat na manlalaro ng himnastika sa buong daigdig, na kasabay si Olga Korbut, at kinikilala sa pagpapasikat ng palakasan sa mga panig ng daigdig.[1][2][3]
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Talambuhay
baguhinIsinilang si Comaneci sa Gheorghe Gheorghiu-Dej (kasalukuyang Onesti), Rumaniya, bilang anak nina Gheorghe at Stefania-Alexandrina.[4][5] Nanood ang kanyang buntis na ina ng pelikulang Ruso kung saan ang pangalan ng bayaning babae ng kuwento ay Nadia, ang kaliitang-salitang bersyon ng Rusong pangalang Nadežda (ibig sabihin, nang literal, "Pag-asa"). Nagpasiya siya na ipapangalanan din ang kanyang anak na Nadia. May kapatid na lalaki na nagngangalang Adrian si Comaneci na higit na bata.[6]
Karera sa himnastika
baguhinMga unang taon
baguhinNagsimula si Comaneci sa himnastika noong nasa kindergarten sa isang lokal na kuponan na tinatawag na "Flame", kung saan naroon sina Duncan at Munteanu.[7][8] Pagdating sa 6 na taong gulang siya ay napili upang pumasok sa himnastikang pang-eksperimentong paaralan ni Béla Károlyi pagkatapos niyang isalang siya at ang isang kaibigan sa pormang pagsirko sa loobang pampaaralan.[9][10][11]
Nagsanay si Comaneci kay Károlyis nang nasa 7 taong gulang, noong 1969. Isa siya sa mga unang mag-aaral ng paaralang himnastika na itinatag sa Onesti nina Béla at ang kanyang maybahay, Marta, na sumunod ay lumipat sa Mga Nagkakaisang Estado at naging tagasanay ng maraming sikat na Amerikanong manlalaro ng himnastika. Di-tulad ng maraming ng mga ibang mag-aaral sa paaralang Károlyi, nagmamasahe si Comaneci mula sa bahay sa loob ng maraming taon dahil nakatira siya sa lugar na iyon.[12]
Nagkaroon ng ika-13 puwesto para sa kanyang unang Pambansang Kampeonato ng Rumaniya noong 1969. Pagkatapos ng taon, noong 1970, nagsimula na siyang makipagpaligsahan bilang kasapi ng kuponan ng kanyang bayan at naging pinakabatang manlalaro ng himnastika na nanalo ng mga Rumanong Pambansa.[4] Noong 1971, siya ay lumahok sa kanyang unang pandaigdigang paligsahan, isang dalawahang pambatang pulong sa pagitan ng Rumaniya at Yugoslabya, nanalo ng kanyang unang panlahatan titulo at nag-ambag sa gintong pangkuponan. Sumunod ng ilang taon, siya ay nakipagpaligsahan bilang pambata sa mga pambansang kuponan sa Rumaniya at mga karagdagang dalawahang pulong sa mga karatig-bansa tulad ng Unggarya, Italya at Polonya.[13] Sa taong gulang ng 11, noong 1973, nanalo siya ng panlahatang ginto, gayundin sa mga titulong pagtaluon at mga baretang bantilawin, sa Pambatang Paligsahan ng Pagkakaibigan (Druzhba), isang mahalagang pulong para sa mga batang manlalaro ng himnastika.[13][14]
Dumating ang unang malaking pandaigdigang tagumpay ni Comaneci sa edad ng 13, nang halos nilampaso niya ang 1975 Kampeonatong Europeo sa Skien, Norwega, na nanalo ng panlahatan at mga gintong medalya sa bawat kaganapan maliban sa gawaing pansahig, kung saan nakapuwesto siya nang pangalawa. Itinuloy niya upang masiyahan ang tagumpay sa mga ibang pulong noong 1975, na nanalo ng panlahatan sa paligsahang "Kampeonatong Lahat" at nakapuwesto ng una sa panlahatan, pagtaluon, biga at mga bareta sa Kampeonatong Pambansa ng Rumaniya. Sa kaganapang pagsusuri bago ang Olimpiko sa Montreal, nanalo si Comaneci ng panlahatan at bigang tuwasan nang mga ginto, gayundin sa mga pilak sa pagtaluon, pansahig, at mga bareta sa likod ng tagumpay ng manlalarong Sobyet sa himnastika na si Nellie Kim, na mapapatunayan na maging isa sa kanyang pinakamahusay na katunggali sa susunod na limang taon.[13]
Noong Marso 1976, nakipagpaligsahan si Comaneci sa edisyong pampasinaya ng Kopang Amerikano sa Liwasang Hardin ng Madison sa Bagong York. Nakatanggap siya ng huwarang punto ng 10.0, na nangahulugang isang sakdal na pagtatanghal na walang anumang bawas, sa pagtaluon sa parehong yugto ng pauna at huling laro ng paligsahan at nanalo ng panlahatan.[15] Nakatanggap din si Comaneci ng mga puntong 10 sa iba pang pulong noong 1976, kabilang ang tanyag na paligsahang Kopang Chunichi sa Hapon, kung saan nakatala ng mga sakdal na marka sa pagtaluon at baretang bantilawin.[16]
Ang sabansaang pamayanan nagtala tungkol kay Comaneci: siya ay ipinangalang "Babaeng Manlalaro ng Taon" ng Nagkakaisang Taga-Mediyang Pandaigdig noong 1975.[17]
Olimpikong Montreal
baguhinSa taong gulang ng 14, naging isa sa mga bituin ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1976 si Comaneci sa Montreal. Sa panahon ng bahaging pangkuponan ng paligsahan, ang kanyang pagtatanghal sa baretang bantilawin ay nakapunto sa 10.0. Ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng makabagong Olimpiko na ang iskor na iyon ay ibinigay. Ang mga talaan ng mga iskor ay hindi ring nasangkapan upang ipakita ang mga iskor ng 10.0—kaya ang mga sakdal na marka ni Nadia ay nakaulat sa mga talaan sa 1.00 sa halip.[18] Sa takda ng Olimpiko, nakaipon si Comaneci ng mga katagdagang 10, papunta sa pagtatamo ng mga titulong panlahatan, biga at mga bareta at isang tansong medalya sa gawaing pansahig. Ang kuponang Rumano ay nakapuwesto nang pangalawa sa paligsahang pangkuponan.[19]
Si Comaneci ay naging unang Rumanang manlalaro ng himnastika na nanalo ng panlahatang titulo sa Olimpiko. Nakahawak din siya ng tala bilang pinakabatang Olimpikong kampeon sa panlahatang himnastika sa kasaysayan; na may mga binagong kinakailangang katangiang pagdating sa edad sa palakasan (ang mga manlalaro ng himnastika ay nararapat nasa 16 na taong gulang sa kalendaryong taon upang makapagpaligsahan sa Olimpiko; noong 1976 ang mga manlalaro ay nararapat nasa 14 na taong gulang sa unang araw ng paligsahan[20]), ito ay nairal na hindi maaaring mangyari na basagin ang talang ito nang ligal.
Ang mga naisagawa ni Comaneci sa Olimpiko ay nagdulot ng makabuluhang tawag-pansin ng mediya. Ang tikhang awit mula sa Amerikanong telenobelang The Young and the Restless ay naging kapisan sa kanya pagkatapos gamitin ng programang pantelebisyong Malawak na Daigdig Ng Palakasan ng ABC bilang sanligang musika para sa mga montahe ng kanyang mga pagtatanghal. Ang awit na ito ay naging pangunahing sampu ng pangisahan sa taglagas ng 1976, at ipinangalang muli ng kompositor na si Barry De Vorzon sa "Nadia's Theme" bilang alaala sa kanya.[21] Gayumpaman, hindi talagang nagtatanghal si Comaneci sa "Nadia's Theme." Ang kanyang musika ng gawaing pansahig ay mga pinagsamang awit na "Yes Sir, That's My Baby" at "Jump in the Line" na isinaayos para sa piyano.[11]
Siya ay naging 1976 BBC Pagkataong Pampalakasan ng Taon sa kategorya ng pang-ibayong-dagat ng manlalaro[22] at 1976 "Babaeng Atleta ng Taon" ng Associated Press.[23] Nananatili pa rin niya ang kanyang titulo bilang Babaeng Atleta ng Taon ng UPI.[24] Pag-uwi nang pabalik sa Rumaniya, ang tagumpay ni Comaneci nagbigay-daan sa kanya nang ipinangalang "Bayani ng Sosyalistang Paggawa;" siya ay pinakabatang Rumana na nakatanggap ng ganitong pagpapakilala sa panahon ng pamamahala ni Nicolae Ceausescu.[7]
1977–1980
baguhinInadya nang matagumpay si Comaneci sa kanyang Europeong panlahatang titulo, subali't nang tumindig ang mga tanong tungkol sa pag-iiskor, inutusan ni Ceausescu ang mga Rumanong manlalaro ng himnastika na umuwi na. Sinunod ng kuponan ang mga kautusan at umalis nang kontrobersiyal sa paligsahan sa panahon ng huling laro ng kaganapan.[7][25]
Sumunod na 1977 Europeo, inalis ng Rumanong Pederasyon ng Himnastika si Comaneci mula sa mga tagasanay sa mahabang panahon, mga Károlyi, at dinala siya sa Bukarest upang sanayin siya sa hugnayang pamalakasan ng Ika-23 ng Agosto. Ang pagbabago ay hindi naaayon para kay Comaneci. Nahihirapan sa lundo sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang at sa bagong kapaligiran ng pagsasanay, siya ay hindi masaya nang lubos at naalintana ang kanyang himnastika at panlahatang anyo ng katawan.[7][26] Labis sa bigat at wala sa tamang anyo nagpakita si Comaneci sa 1978 Pandaigdigang Kampeonato. Ang paghulog mula sa baretang bantilawin ay nagbunga ng pagtatapos sa ika-4 na puwesto sa panlahatan kina Elena Mukhina, Nellie Kim, at Natalia Shaposhnikova, subali't nanalo si Comaneci ng titulong biga.
Pagkatapos ng 1978 Pandaigdig, pinayagan si Comaneci na bumalik sa Deva at sa mga Károlyi.[27] Noong 1979, nanalo ng isang bagong Comaneci na balingkinitan at motibado ng kanyang pangatlong magkakasunod na panlahatang titulong Europeo, na naging unang manlalaro ng himnastika, lalaki o babae, na maisagawa ng husay. Sa Pandaigdigang Kampeonato ng Disyembreng iyon, naghantong si Comaneci sa palaruan pagkatapos ng sapilitang paligsahan nguni't naospital na nauuna sa hindi sapilitang bahagi ng paligsahang pangkuponan ukol sa paglalason sa dugo dahil sa hiwa ng kanyang pulso mula sa hawakan na bakal. Alinsuwag sa mga utos ng mga doktor, nilisan niya ang ang ospital at lumaban para sa kaganapang biga, kung saan nakapunto siya ng 9.95. Ang kanyang pagsasagawa ay nakakatulong sa pagkakaroon ng unang pangkuponang medalyang ginto para sa mga taga-Rumaniya. Pagkatapos ngb kanyang pagsasagawa, nagpalipas ng maraming araw si Comaneci sa pagpapagaling sa Ospital ng All Saints at sumailalim sa maliit na pamamaraan ng paninistis ukol sa nalalinang kamay, na nagkaroon ng kulani.[28][29][30]
Lumahok si Comaneci sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1980 sa Moskow, kung saan nanalo siya ng pangalwang puwesta, sa maliit na agwat, kay Yelena Davydova. Inadya niya ang kanyang titulong Olimpiko sa bigang tuwasan at tumabla kay Nellie Kim para sa gintong medalya sa gawaing pansahig. Nagtapos ang kuponang Rumano ng pangalawa sa panlahatan.
Nagretiro si Comaneci sa mga paligsahan noong 1981. Ang kanyang opisyal na seremonya ng pagreretiro ay ginanap sa Bukarest noong 1984 at dinalo ito ng Tagapangulo ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko[18]
Pagkatapos ng pagreretiro
baguhinNoong 1981, lumahok si Comaneci sa isang paglilibot upang magtanghal ng himnastika sa Mga Nagkakaisang Estado.[31] Sa panahon ng paglilibot, ang kanyang mga tagasanay, Béla at Marta Károlyi, kasama ang Rumanang koregrapong pangkuponan na si Géza Pozsár, ay kumalas.[32] Sa kanyang pagbabalik sa Rumaniya, ang mga kilos ni Comaneci ay mahigpit na minamanmanan. Pinagkalooban siya ng pahintulot upang dumalo ng Olimpikong 1984 sa Los Angeles nguni't binabantayan ng kabuuang biyahe. Bukod pa sa paglalakbay, at ilang napiling biyahe sa Moskow at Kuba, pinagbawalan ni Comaneci na umalis ng bansa sa anumang dahilan.[18] "Buhay..." sinulat niya sa kanyang talambuhay, "ay natutop sa isang bagong kapighatian."[33]
Sa Rumaniya, sa pagitan ng 1984 at 1989, Si Comaneci at kasapi ng Rumanong Pederasyon ng Himnastika at tumulong sa pagsasanay ng mga batang Rumanong manlalaro. Noong Nobyembre 1989, mga ilang linggo bago ang Rebolusyon, siya ay kumalas kasama ang pangkat ng mga ibang batang Rumano. Siya ay naglakbay sa pamamagitan ng pagdaan sa lupa sa Unggariya, Awstriya at sa huli, sa Mga Nagkakaisang Estado.[7][19][34] Ang kanyang panimulang pagdating sa Mga Nagkakaisang Estado ay naglikha ng ilang pagkailang pahayag, na tumutuon sa kanyang pagkahumaling ukol sa mabigat na kolorete at nakadamit na nagmistulang basura, ang katotohanan ay si Constantin Panait (isang Rumanong itinapon na tumulong sa kanyang pagtakas mula sa Rumaniya at naging kanyang palagiang kasama) ay isang ikinasal na ama ng apat, at nagpahiwatig ng kapansanan sa panginginain at ang hindi kanais-nais na buhay na iniwan sa Rumaniya.[35]
Nagmirmihan nang panimula si Comaneci sa Montreal. Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, matagumpay niyang lumayo kay Panait at ang larawan ng problema ng kanyang panimulang pagdating mula sa Rumaniya. Ginugol ni Comaneci ang karamihan ng kanyang oras sa paglalakbay at pagtataguyod ng mga linya ng kagamitang pananamit at aerobiko ng himnastika. Kinuha rin siya para sa pagmomodelo, nagpapalabas sa mga patalastas para sa mga damit-pangkasal at damit-panloob ng Jockey.[19]
Habang naninirahan siya sa Montreal, si Bart Conner, na nagkakilala sa kanya sa unang pagkakataon noong 1976 sa Kopang Amerikano, ay kumontak sa kanya at inanyayahan na tumira sa Oklahoma. Nangako sa kanilang sarili sa ngalan ng pag-ibig noong 1994. Kasama si Conner, bumalik siya sa Rumaniyasa unang pagkakataon mula sa kanyang pagkalas (at mula nang bumagsak ang Komunismo at ng Ceausescu), at ang magkatipan ay nagpakasal sa Bukarest noong 27 Abril 1996. Ang seremonya ay ipinalabas nang tuwiran sa telebisyon sa Rumaniya, at ang resepsiyon ay ginanap sa dating pampanguluhang palasyo.[19][36]
Noong 29 Hunyo 2001, si Comaneci ay nabigyan ng pagkamamamayan ng Mga Nagkakaisang Estado. Nananatili pa rin sa kanya ang Rumanong pasaporte, na naging dalawahang pagkamamamayan.[7]
Nagkaroon ng unang supling sina Comaneci at Conner, na isang sanggol na lalaki na pinangalang Dylan Paul Conner, noong 3 Hunyo 2006 sa Lungsod Oklahoma, Oklahoma.[37][38]
Mga kasalukuyang gawain
baguhinSi Comaneci ay aktibo sa mga mararaming kawang-gawa at pandaigdigang organisasyon. Noong 1999, siya ay naging unang manlalaro na inanyayahan na magpamutawi sa Mga Nagkakaisang Bansa upang magpasinaya ang 2000 Pandaigdigang Taon ng mga Boluntaryo. Siya ay kasalukuyang Pangalawang-Tagapangulo ng Lupon ng mga Tagapamahala ng Pandaigdigang Tanging Olimpiko at Pangalawang Pangulo ng Lupon ng mga Tagapamahala ng Kapisanan ng Distropiya sa Kalamnan.[19][39] Siya rin ang nagpondo nang pansarili sa pagtatayo at pagpapatakbo ng Klinikang Pambata ni Nadia Comaneci, isang klinika sa Bukarest na nagbibigay ng mababang-halaga at libreng panggagamot at panlipunang lingap sa mga Rumanong bata.[18]
Noong 2003, inatasan siya ng pamahalaang Rumano bilang Konsul-Heneral na Karangalan ng Rumaniya sa Mga Nagkakaisang Estado upang makibahagi sa mga kabilaang kaugnayan sa pagitan ng dalawang bansa. Ginagampanan niya ang tungkulin na nakabase nang sa labas ng kanyang tanggapan sa Norman, Oklahoma.[40]
Sa daigdig ng himnastika, naging Karangalang Pangulo ng Pederasyong Rumano ng Himnastika, Karangalang Pangulo ng Lupong Rumano ng Olimpiko, Sugo ng Palakasan ng Rumanya at kasapi ng Pundasyon ng Pandaigdigang Pederasyon ng Himnastika. Siya at ang kanyang asawa ay mga may-ari ng Akademiya ng Himnastika ni Bart Conner, ang Kompanyang Pamproduksiyong Perfect 10 at maraming tindahan ng mga kagamitang pampalakasan. Sila rin ang mga patnugot ng magasing International Gymnast (Pandaigdigang Manlalaro ng Himnastika). Sa karagdagan, nakapaglaan sina Comaneci at Conner ng kumentaryong pantelebisyon ukol sa mga maraming pulong panghimnastika, kamakailan nang karamihan ang 2005 Pandaigdigang Kampeonato sa Melbourne[19] at ang Palarong Olimpiko 2008 sa Beijing.[41] Noong 2004, ang kanyang 10.0 baretang bantilawin ng Montreal ay ipinakita sa patalastas para sa Adidas na ipinalabas sa panahon ng Olimpikong Atenas.
Mga gawad
baguhinNakatanggap si Comaneci ng Orden ng Olimpiko, ang pinakamataas na gawad na ibinigay ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko, sa mga taong 1984 at 2004. Siya lamang ang tumanggap ng ganitong parangal nang dalawang beses, at siya rin ang pinakabata sa panahong iyon. Tinanggap din siya bilang kasapi ng Bulwagan ng Katanyagan ng Pandaigdigang Himnastika.[42]
Mga tanging pagkabihas
baguhinNakilala si Comaneci para sa kanyang malinis na aghimo, makabago at mahirap na likas na pagkabihas, at ang kanyang estoyko, kalmadong asal sa paligsahan.[11][43][44][45]
Sa baretang bantilawin, nagsagawa si Comaneci ng kanyang sariling kislot na palabas, isang kip sa harapang salto. Ang pagkabihas ay ipinangalan mula sa kanya sa pambabaeng Kodigo ng mga Bito at, sa taong 2005, nakaranggo bilang elementong 'E'.[43][44]
Sa bigang tuwasan, naging unang manlalaro ng himnastika si Comaneci sa pagtatanghal nang matagumpay ng mataas na lakad na panghangin at serye ng dalawang pagsirkong patalikod na panghangin. Napuri din siya bilang pagiging unang manlalaro ng himnastika na nagsagawa ng pag-ibis na palipit.[11][43][44] Ang mga pagkabihas ni Comaneci sa gawaing pansahig ay kabilang ang dalawahang saltong pabalik at isang dalawahang pagpapalipit.[44]
Sanggunian
baguhin- ↑ The Columbia Electronic Encyclopedia (2007). "Himnastika" (sa wikang Ingles) (ika-ika-6 na (na) edisyon). infoplease.com. Nakuha noong 6 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Olimpikong Kapisanan ng Britanya (2007). "Olimpikong Kapisanan ng Britanya" (sa wikang Ingles). Olimpikong Kapisanan ng Britanya. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 6 Setyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine. - ↑ "Munchkin leads European charge of gymnastics" CBC sports, 3 Hunyo 2008
- ↑ 4.0 4.1 "Olimpikong Kampeonatong Nadia Comaneci Batang Manlalaro, Agosto 1978
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 4
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 5
- ↑ 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 Whatever Happened to Nadia Comaneci? Naka-arkibo 2009-08-16 sa Wayback Machine. Barbara Fisher at Jennifer Isbister, 2003, Himnastika Greats.com
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg.
- ↑ "Kampeonatong Olimpikong Nadia Comaneci[patay na link] Young Athlete, Agosto 1978
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 17-19
- ↑ 11.0 11.1 11.2 11.3 "Nadia Awed Ya Frank Deford, Sports Illustrated, 2 Agosto 1976
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 19
- ↑ 13.0 13.1 13.2 Talaan ng resultang kompetitibo Gymn-Forum
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 27-28
- ↑ "Gymnast Posts Perfect Mark" Robin Herman, New York Times, 28 Marso 1976
- ↑ Scores for 1976 Chunichi Cup Naka-arkibo 2009-01-08 sa Wayback Machine. Gymn-Forum
- ↑ "UPI Mga Manlalaro ng Taon". Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-02-23. Nakuha noong 2008-09-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-11-12 sa Wayback Machine. - ↑ 18.0 18.1 18.2 18.3 "Still A Perfect 10" Olympic Review, Paul Ziert, 2005
- ↑ 19.0 19.1 19.2 19.3 19.4 19.5 Legends: Nadia Comaneci Naka-arkibo 2001-10-06 sa Wayback Machine. International Gymnast magazine
- ↑ "Sa Loob ng Pandaigdigang Pederasyon" Naka-arkibo 2011-05-27 sa Wayback Machine. (PDF). Olympic Review, 1980
- ↑ "Nadia Comaneci: The Perfect 10" websayt ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC)
- ↑ Talaan ng mga nanalo, BBC Pagkataong Pampalakasan ng Taon (Ibayong-dagat) tanggapang pangmediya ng BBC
- ↑ Associated Press Mga Atleta ng Taon Naka-arkibo 2009-10-30 sa Wayback Machine. MSN Encarta
- ↑ "UPI Mga Atleta ng Taon". Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-02-23. Nakuha noong 2008-09-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-11-12 sa Wayback Machine. - ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 61-62
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 64-68
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 68 - 72
- ↑ "Nadia." The Epistle, (All Saints Episcopal Hospital), Enero 1980
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 87 - 91
- ↑ Little Girls in Pretty Boxes. Ryan, Joan. 1995, Doubleday. ISBN 0-385-47790-2
- ↑ "Miss Comaneci, 19, Makes Fresh Start". Ira Berkow, New York Times, 6 Marso 1981
- ↑ Little Girls in Pretty Boxes. Ryan, Joan. 1995, Doubleday. ISBN 0-385-47790-2 pg. 201
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 121
- ↑ Letters to a Young Gymnast. Comaneci, Nadia. 2004, Basic Books. ISBN 0-465-01276-0 pg. 137 - 148
- ↑ Taas Harapan: Pagkatapos ng kanyang Pagtakas sa Rumanong Svengali, Sinubukang Manumbalik ni Nadia Comaneci ang Kanyang Buhay sa Biga Naka-arkibo 2008-09-14 sa Wayback Machine..
- ↑ "Nadia Tumbles over Wedding" Naka-arkibo 2012-10-20 sa Wayback Machine. Cincinnati Post, 6 Abril 1996
- ↑ "Nadia Comaneci, Bart Conner Welcome Baby Boy" Associated Press, 6 Hunyo 2006
- ↑ "Former Gymnasts Nadia Comaneci and Bart Conner Baptized Their First Child, Dylan Paul"[patay na link] Catalina Iancu, Jurnalul National, 28 Agosto 2006
- ↑ "MDA's Perfect 10s" Naka-arkibo 2011-10-11 sa Wayback Machine. Muscular Dystrophy Association
- ↑ Talaang Diplomatiko, Tanggapan ng Puno ng Protokol, E.U. Kagawaran ng Estado. Tag-init 2006. Nakuha noong 28 Enero 2007.
- ↑ Roenigk, Alyssa (2008-08-17). "Ang Unang Pamilya ng Himnastika". ESPN The Magazine. Nakuha noong 2008-08-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Nadia Comaneci". Bulwagan ng Katanyagan ng Pandaigdigang Himnastika. Nakuha noong 12 Mayo 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 43.0 43.1 43.2 "SPORTS ACTIVE: NO TURNING BACK - Nadia Comaneci's perfect Olympic 10" Naka-arkibo 2007-12-24 sa Wayback Machine. George Chesterson, The Independent, 11 Abril 2004
- ↑ 44.0 44.1 44.2 44.3 "A Great Leap Backward" Anita Verschoth, Sports Illustrated, 12 Abril 1976
- ↑ "The Games: Up in the Air" Naka-arkibo 2011-10-11 sa Wayback Machine. Time, 2 Agosto 1976
Tingnan din
baguhinMga panlabas na kawing
baguhin- Opisyal na Pahina nina Bart Conner at Nadia Comaneci
- Salaysay tungkol kay Nadia Comaneci
- Talaan ng kompetitibong resulta sa Gymn Forum
Sinundan: Irena Szewińska |
Nagkakaisang Pangmediyang Sabansaan Manlalaro ng Taon 1975, 1976 |
Susunod: Rosemarie Ackermann |
Sinundan: Billie Jean King |
Gawad Pang-alaala kay Flo Hyman 1998 |
Susunod: Bonnie Blair |