Wikipedia:Kapihan/Arkibo 9
Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan. |
Nilalaman
- Ang sumusunod ay ang sarado nang usapan patungkol sa taksonomiya mga salin at istilo nito.
Dapat ilagay ang mga puna sa isang bagong seksyon. Wala ng pagbabagong magaganap sa seksyong ito.
Pano kaya ang pagsasalin nito sa Tagalog?
- Life (Buhay) ang buhay na artikulo ay ukol sa isang banda?
- Domain ???
- Kingdom Kingdom (biyolohiya) ba't Ingles?
- Phylum Pilum?
- Class Klase?
- Order ordeng?
- Family Pamilya o Mag-Anak?
- Genus ???
- Species ???
Pagkatapos natin mapag-usapan ang pagsalin, sasabihan ko si en:User:Pengo na gumawa ng Tagalog na bersyon ng Image:Biological classification L Pengo.svg. Nasa Wiki Commons ang file na ito.--Lenticel (usapan) 02:55, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Hindi kasi tiyak kung ginagamit talaga ang salin na "Kaharian" para sa Kingdom ng biyolohiya. Kailangang may reperensya kasi dahil iniiwasan ang neolohismo. Titingnan ko sa English-Filipino Science Dictionary kung ito nga ang salin. Hmmm...mayroon nito: Category:Kaharian ng Hayop. Ito naman ang mga maaaring salin sa mga katagang binagay mo:
- Life - Buhay
- Domain - Dominyo
- Kingdom - Kaharian?
- Phylum - Pilum?
- Class - Klase?
- Order - Orden
- Family - Pamilya
- Genus - Genus?
- Species - Sari?
- --Jojit (usapan) 03:32, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sinabihan ko na si en:User:Shrumster ukol dito. Mas maraming alam sa taksomiya iyon kumpara sa atin. Ayos din naman ang mga mungkahi mo Jojit.--Lenticel (usapan) 04:01, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Ayon sa mga diksyonaryong Sagalongos at Padre English:
- Life: buhay
- Domain: dominyo
- Kingdom: kaharian
- Phylum: kalapian (lapi) o kalahian (lahi) (maaaring gamitin ang pilum, ngunit ayon sa Ortograpiyang Filipino, katutubo muna)
- Class: klase
- Order: orden
- Family: pamilya
- Genus: sari [maaaring gamitin ang henus, pero ayon rin sa kadahilanang ginamit sa phylum]
- Species: uri
- Aking dalawang sentimos. --Sky Harbor 10:55, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Ayon sa mga diksyonaryong Sagalongos at Padre English:
- Sang-ayon ako sa lahat ng salin ni Sky pero bakit "kalahian"? Hindi ba mas madaling intindihin, isulat at basahin, at mas karaniwang ginagamit ang "lahi"? "Lahi" na lamang kaya? -- Felipe Aira 11:20, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Isa pang mungkahi, gamitin kaya natin ang "Kamag-anakan" imbis na "pamilya" sabi mo nga katutubo muna. Ang "pamilya" kasi ay mula sa Espanyol. -- Felipe Aira 11:39, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Ito yung sinabi sa akin ni Shrumster. Wala akong makitang opisyal na katawagan sa taksonomiya sa Internet, baka mas sigurado kung Ingles na lang gamitin natin?--Lenticel (usapan) 20:15, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Bakit hindi na lamang ang katumbas na salin sa Latin? Kung hindi ako nagkakamali, internasyunal ang mga scientific names na nasa wikang Latin. Ngunit pansamantala lamang iyan habang wala pang reperensya. Sa isang banda, may sanggunian naman ang mga ibinigay ni Sky at nakumpirma ko naman ito sa diksyunaryong tinukoy niya. Kailangan pa ba natin gamitin ang ginagamit ng mga eksperto sa biyolohiya o sapat na ang nasa diksyunaryo? --Jojit (usapan) 01:55, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Ito yung sinabi sa akin ni Shrumster. Wala akong makitang opisyal na katawagan sa taksonomiya sa Internet, baka mas sigurado kung Ingles na lang gamitin natin?--Lenticel (usapan) 20:15, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- At bakit naman natin gagamitin ang Ingles kung mayroon namang mga saling Tagalog na totoong dapat ginagamit sa isang ensiklopedyang Tagalog? at ang mga saling ito ay itinataguyod ng mga talasalitaan. Bakit ang mga Ingles ay nagsalin din naman ah? Latin ang orihinal, kagaya natin nagsalin din sila.
|
|
|
- Kaso baka magkaroon tayo ng problema kapag mayroon nang "sub", "micro", "parv", "super" at "infra" nang irinagdag. Dahil karaniwang nilalapian ang mga salitang iyon, halimabawa, Superclassis. Mayroon ba kayong mga salin? Sa tingin ko ay tama na ang mga talasalitaan dahil ang mga laman nito ay malamang ay ang mga ginagamit din ng mga dalubhasa. Hindi naman inimbento ni Sagalongos at English ang mga nilalaman noon. -- Felipe Aira 02:08, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
(balik ng indent)Payag ako sa mungkahi ni Sky at Felipe dahil mayroon itong independent and reliable sources. Dapat natin pagyamanin ang Tagalog na wika kahit hindi ito sikat sa net. Bago ko ibigay ito kay User:Pengo, gusto ko muna malaman kung mayroon tayong consensus ukol dito. Mahalaga ito dahil lahat ng artikulong tungkol sa Biyolohiya ay maapektuhan nito. Wala pa akong maisip tungkol sa mga unlapi na infra at super etc.--Lenticel (usapan) 02:23, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Ano ba talaga ang gagamitin natin, "Pamilya" o "Kamag-anakan"? Kasi para sa akin mas maganda kung "kamag-anakan" kasi ito ay katutubo. -- Felipe Aira 02:25, 2 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Sang-ayon sa pagpapangalan ni Sky at Felipe(3)
baguhin- --Lenticel (usapan) 02:23, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- -- Felipe Aira 02:30, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Suporta. Sapat na ang nasa diksyunaryo. --Jojit (usapan) 02:50, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Kumento. Anong diksyunaryong tinutukoy ninyo? --bluemask 04:35, 3 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sagot Sa tingin ko ay ang Sagalongos at/o yaong kay James English. -- Felipe Aira 05:52, 3 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Kumento. Anong diksyunaryong tinutukoy ninyo? --bluemask 04:35, 3 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Tutol sa pagpapangalan ni Sky at Felipe(1)
baguhin- Tutol. Pasensya na po ngunit tututol po ako sa salin ng mga "Scientific Classifications". Tulad po ng "Phylum",isinalin pong "Lahi"...ngunit ginagamit natin ang "lahi" sa kontekstong "Sila ay may lahing Pilipino at Amerikano."...medyo malabo po...naniniwala pa rin ako na ang mga salitang teknikal ay kinakailangang manatili ang baybay. Maliban na lamang po kung may opisyal na nailabas ng KWF o UP Los Banos(mga Biologist) ukol sa usaping ito. Salamat po,kahit mukhang mag-isa lamang ako sa aking krusada. :D hehehe. Squalluto 15:31, 11 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sa tingin ko naman ay hindi naman tama kung ang gagawin natin ay pag-iba lamang ng baybay, sabi nga ng KWF ang pagpapalit-baybay ay huling opsyon lamang kapag wala itong saling hindi katulad sa kalagayang itong meron naman. -- Felipe Aira 09:53, 12 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Hindi ko po kabisado ang mga patakaran ng KWF ukol sa pagsasalin,ngunit kung isasalin natin ang mga klasipikasyong ito...Phylum,Division,Kingdom etc...ayon sa diksyunaryo,hindi tayo nakatitiyak na ito'y mauunawaan ng mga tao dahil ito'y mga salitang teknikal,may masmalalim na kahulugan bukod sa pangkaraniwan nitong gamit. Tulad na lamang ng "Division", "Hati" ang ginamit na salin..."Saang hati nabibilang ang Felis Silvestris?",para sa akin po masagwa din pong pakinggan..o kaya kung sa isang kumpanya gagamitin.."Galing ako sa Hati ng Marketing.(I came from the Marketing Division.)". :D May isa pa, it's a good twist of the idea..hehehe....may isang Koreano na sinubukang isalin sa Ingles ang "Isigaw mo ang aking pangalan."....eto ang sagot nya, "You shout my name." Pero wala naman sigurong magagawa kung isa lang ang tututol dahil demokrasya naman ang sinusundan natin. :) Squalluto 14:39, 12 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Hindi po demokrasya ang Wikipedia (en:Wikipedia:NOT#Wikipedia_is_not_a_democracy). Gumagana ang komunidad sa pagkakaroon ng pangkalahatang kasunduan o consensus. Hindi po ibabatay ang mga desisyon dito sa mga boto lamang. --Jojit (usapan) 01:30, 13 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Ganun po ba...edi ok! Salamat sa kaalaman. :D Squalluto 15:30, 14 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Hindi ko po kabisado ang mga patakaran ng KWF ukol sa pagsasalin,ngunit kung isasalin natin ang mga klasipikasyong ito...Phylum,Division,Kingdom etc...ayon sa diksyunaryo,hindi tayo nakatitiyak na ito'y mauunawaan ng mga tao dahil ito'y mga salitang teknikal,may masmalalim na kahulugan bukod sa pangkaraniwan nitong gamit. Tulad na lamang ng "Division", "Hati" ang ginamit na salin..."Saang hati nabibilang ang Felis Silvestris?",para sa akin po masagwa din pong pakinggan..o kaya kung sa isang kumpanya gagamitin.."Galing ako sa Hati ng Marketing.(I came from the Marketing Division.)". :D May isa pa, it's a good twist of the idea..hehehe....may isang Koreano na sinubukang isalin sa Ingles ang "Isigaw mo ang aking pangalan."....eto ang sagot nya, "You shout my name." Pero wala naman sigurong magagawa kung isa lang ang tututol dahil demokrasya naman ang sinusundan natin. :) Squalluto 14:39, 12 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Iba pang mungkahi
baguhinSasabihan ko na si User:Pengo ukol sa mga mungkahi ninyo dahil wala namang tutol.--Lenticel (usapan) 08:48, 29 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- At kung wala ring tututol ay sisimulan ko na ang pahina para sa patakaran ng pagsulat patungkol sa taksonomiya. Tandaan din po nating mayroong mga irinaragdag na mga unlapi sa mga salitang iyan sa karaniwan, kaya inaanyayahan ko kayong ibigay ang inyong opinyon kung ano ang gagawin natin sa mga ito roon sa ibaba. -- Felipe Aira 10:20, 29 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Andito na pala yung imahe--Lenticel (usapan) 12:32, 29 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Katawagan
baguhinAng itawag natin sa "Taxonomy" ay hindi "taksonomiya" kundi "pagpapangkat-pangkat" dahil ang "Taxonomy" ay galing sa salitang Griyegong taksis" (pangkat, ayos) + -nomya (paraan, pamamahala). -- Felipe Aira 05:36, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Sang-ayon(0)
baguhin-- Felipe Aira 05:36, 25 Enero 2008 (UTC) Ay oo nga pala. -- Felipe Aira 13:03, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Tutol(4)
baguhin- --Lenticel (usapan) 06:29, 25 Enero 2008 (UTC). Palagay ko ay kailangang Griyego ito. Diba ang pagaaral ng lupa sa Ingles ay Geology at hindi Earth-study?--Lenticel (usapan) 06:29, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Tutol sa ngayon. Hangga't wala mapagkakatiwalaang sanggunian, tutol ako. --Jojit (usapan) 10:14, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Tutol. Sang-ayon ako kay Lenticel. Wala pa naman ngayong mga tuwirang salin ang mga salitang tulad ng nabanggit. Mananaliksik 15:52, 26 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Batay sa inyong mga sinabi. -- Felipe Aira 10:20, 29 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Lapi
baguhinDahil ang mga salita roon sa itaas ay karaniwang nilalapian ng mga salitang "sub", "micro", "parv", "super", "infra" at iba pa, magkaroon man tayo ng sang-ayunan sa ating mga salitang gagamitin ay magkakaroon naman tayo ng problema kapag nilapian na ang mga salita. Tanong isasalin pa ba natin ang mga ito? O panatiliin ito ang Tagalugin na lamang ang baybay nito sub, mikro, parb, super at impra (para sumunod sa ortograpiyang Tagalog gaya ng "imbestigador":"investigator"; ang "n" nagiging "m" kung ginagamit bago ang "p" or "b").
Itatanong ko muna kay Chris S. kung paano tong pagsasalin. Nag-aral ng lingwistika iyo kaya baka matulungan niya tayo.--Lenticel (usapan) 12:34, 29 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Isalin(0)
baguhinIbahin ang baybay(2)
baguhin- -- Felipe Aira 05:36, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Lenticel (usapan) 05:15, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Hindi rin alam ni Chris kung paano ito isalin. Siguro mas maganda kung palitan na lang natin ang baybay.--Lenticel (usapan) 05:15, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Ngayon kung mayroon mang sang-ayunang makamit ang ano man sa mga ito sa tingin ko ay kailangan natin itong isulat sa isang patakaran, patakaran para sa "Gabay sa istilo (taxonomiya)"/"Gabay sa istilo (pagpapangkat-pangkat)" (Manual of style (taxonomy)). Sana maging ganito upang sa wakas mayroon na rin tayong naisulat na patakaran na hindi mula sa Ingles kundi sa utos ng pamayanan. -- Felipe Aira 05:36, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Pasya
baguhinDahil ang tagal-tagal na nitong mungkahing ito at halata namang wala nang tumututol, aking nang minumungkahi ang pagsara nito limang araw mula ngayon (Pebrero 16, 2008), at kung walang tututol dito at makapagbibigay ng sapat na dahilan kung bakit kailangan pang pahabain ang pagsasara, ay ituring na na makapangyarihan ang lahat ng mungkahing sinang-ayunan sa itaas sa ilalim ng pasya ng pamayanan bilang isang bagong patakaran ng Wikipedyang Tagalog. -- Felipe Aira 10:20, 11 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sarado na ang usapan lahat ng mga napagsang-ayunan sa itaas ay makapangyarihan na at mga bagong patakaran na ng Wikipedyang Tagalog -- Felipe Aira 03:31, 16 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Pumunta na lamang dito. Wikipedia:Gabay sa Istilo (Taksonomiya) -- Felipe Aira 03:39, 16 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Patungkol ito sa mga suleras na pampagsasanggalang kaya mga tagapangasiwa lamang ang makakagawa nito nang maayos.
- Dahil nakasanggalang ang Template:Pp-template (Ingles), maaari po bang palitan ang nilalaman nito ng pagkakarga sa Template:Protected template (Tagalog) dahil magkapareho lamang ang nilalaman nito.
- Pakisanggalang ang Template:Protected template.
- Dahil wala tayong suleras para sa ganap na pagsasanggalang, minarapat ko nang gumawa ng isa. Pakisanggalang ang Template:Sanggalang.
Lahat ng mga pahinang sinangalang nang ganap ngunit naglalaman ng maling paalam sa pamamagitan ng suleras para sa bahagiang pagsasanggalang ay palitan ng Template:Sanggalang. Isa na roon ang Naruto.
Salamat nang marami! -- Felipe Aira 11:36, 24 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Mga tagapangasiwa mayroon pa pala akong isang hiling! Pakialis naman po ang pagsasanggalang ng {{taxobox}} para maisalin. At sa tingin ko naman ay hindi ito kalian man nangangailangan ng pagsangglanang dahil kasinghalaga nito rin ang mga suleras na hindi nakasanggalang. -- Felipe Aira 01:49, 3 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Y Tapos na.. --bluemask 04:38, 3 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Mapapansin na ang ginamit kong mga katawagang pang-taksonomiya ay pawang galing sa Latin dahil sa pinag-uusapan pa ito sa itaas. --bluemask 04:42, 3 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Filipino o Tagalog
baguhinBinago ko ang arkibo sa Filipino o Tagalog, hindi para bumoto kundi para tiyaking lehitimo nga ang mga boto; nakakasuklam! Malamang mga papet lamang ang mga bumoto roon. -- Felipe Aira 11:05, 18 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Pagharang kay Willy Agrimano
baguhinPagharang kay User:Willy agrimano, isang mahabang harang. Kung hindi niyo naalala siya yaong gawa nang gawa ng mga pahinang nakaallcaps, original research, at may-pinapanigan. Siguro mas mabuti na lamang na tingnan ang kanyang mga ambag, lalo na ang mga binura niyang ambag. Ilang ulit na siyang binalaan at pinagsabihan ngunit sumusuway pa rin. -- Felipe Aira 09:43, 25 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Dahil nagkakaroon na ng pansin ang pagsasalin ng ilang bagay sa Tagalog, akin muling imumungkahi ang isang patakaran para sa kompyuter. Una minumungkahi ko ang pagsasalin ng mga terminong teknikal katulad ng "Random access memory" at "Graphical user interface" sa "Walang-piling daang pang-alaala" at "Grapikong pakikipag-ugnayang pangmanggagamit"; ang interface ay nangangahulugang "The connection between a user and a machine". At para naman sa mga salitang teknikal na nawala na ang ipinapahiwatig ng salita mula sa literal nitong kahulugan, kagaya ng "Computer", na hindi naman isang manunuos (calculator), at "mouse", na hindi naman isang daga, ay ang pagtatagalog ng baybay nito kagaya ng kompyuter at maws. -- Felipe Aira 06:16, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Ah oo nga pala para sa mga katanungan, silipin ang Wikipedia talk:Mga kombensyon sa pagsusulat ng mga artikulo, silipin ang mungkahi ni Star. -- Felipe Aira 06:22, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Sang-ayon(1)
baguhin- Matinding pagsang-ayon -- Felipe Aira 06:16, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Tutol(1)
baguhin- --Jojit (usapan) 10:15, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Walang batayan, at hindi ganap na ginagamit, baka magkaroon ng kalituhan sa hinaharap. Mananaliksik 15:54, 26 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Muli inaanyayahan ko ang lahat na pumunta sa Category:Mga pahinang minungkahing burahin at makilahok sa mga usapan ng mga pahinang nakatala roon. Tinag ko kasi ang mga pahinang ito para sa pagbura. At karamihan nito ay sa katanyagan ng mga pahina. Para umusad na inaanyayahan ko kayong makilahok. -- Felipe Aira 11:42, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Kita mo nga naman o, may Xfd rin pala ang tl.--Lenticel (usapan) 12:23, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Bakit XfD? Hindi ba AfD? -- Felipe Aira 12:42, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Dahil ang template ay hindi pwedeng i-Afd. :)--Lenticel (usapan) 13:13, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
O heto, dito na lamang kayo pumunta! Wikipedia:Mga artikulong buburahin -- Felipe Aira 13:01, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Nagpagsang-ayunan
baguhinAking binubuksan ulit ang usapin patungkol sa ngalang espasyo ng mga proyektong Tagalog. Heto ang napakasunduan dati:
- Talk: Usapan
- User: Manggagamit/Tagagamit
- User talk: Usapang manggagamit/tagagamit
- Image: Larawan
- Image talk: Usapang larawan
- MediaWiki talk:Usapang MediaWiki
- Template:Suleras (mula sa diksyonaryong Sagalongos)
- Template talk: Usapang suleras
- Help: Tulong
- Help talk: Usapang tulong
- Category:Kategorya
- Category talk:Usapang kategorya
- Wikipedia: Wikipedia
- Wikipedia talk: Usapang Wikipedia
- Portal: Puntahan
- Portal talk: Usapang puntahan
-- Felipe Aira 04:01, 26 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Mungkahi sa user
baguhinNgayon binubuksan ko ito muli sa dalawang dahilan. Una, hindi pa napapagsang-ayunan kung ang gagamitin ay "manggagamit" o "tagagamit" para sa salin ng "user". Pero magmumungkahi pa ako ng isa pang salin para sa "user", paano kaya kung ang gamitin na lamang natin ay "Wikipedista"? Ganito kasi ang ginamit ng Wikipedyang Polines (Polish Wikipedia). "Wikipedysta" naman ang sa kanila. Silipin ang pl:Wikipedysta:Derbeth bilang patunay. -- Felipe Aira 04:01, 26 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Manggagamit(2)
baguhin- Dapat may konsistensi ang Wikipedia sa iba. Ang mayoridad ng mga Wikipedia na may naka-salin na ngalang-espasyo ay gumagamit ng salin ng user at hindi ng Wikipedian. --Sky Harbor 23:11, 26 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Batay sa katuwiran ni Sky. -- Felipe Aira 08:47, 27 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Tagagamit(1)
baguhin- Dito na lang ako ayon sa mga sinabi ni Jojit--Lenticel (usapan) 09:06, 29 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Ibang pananaw (1)
baguhin- Gamitin ang "ang gumagamit"[1] o "tagagamit". Salitang Cebuano ang "manggagamit" (tingnan ang sanggunian). At isa pa, kadalasang may negatibong kahulugan ang "manggagamit" sa Tagalog. Maaaring ang depinisyon ng "manggagamit" ay isang taong abusado o taong gumagamit ng ibang tao para sa sariling kapakanan. I-google niyo, at makikitang kadalasan ginagamit ang salitang "mangagamit" sa kontekstong iyon. Sa katagang "tagagamit" naman, ginagamit iyan sa Pagsasalin ng Debian Linux sa Tagalog. (tingnan ito at ito) --Jojit (usapan) 02:23, 28 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sa makatuwid, ikaw ay sang-ayon sa "tagagamit". Tama ba? -- Felipe Aira 11:48, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Tama. Wala kasing opsyon para sa "ang gumagamit" kaya dito ko na lamang nilagay sa ibang pananaw. --Jojit (usapan) 06:40, 1 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sa makatuwid, ikaw ay sang-ayon sa "tagagamit". Tama ba? -- Felipe Aira 11:48, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Mungkahi sa category
baguhinAng napagsang-ayunang salin sa "category" ay "kategorya" hango sa Espanyol. Ngayon aking minumungkahi ang katutubo nitong bersyon ang "pangkat". Ngayon kung nag-aalala kayo na hindi ito ang tamang salin, ito po ay ang tamang salin ayon sa talasalitaang ni Padre English. -- Felipe Aira 04:01, 26 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Pangkat(1)
baguhinKategorya(2)
baguhin- Masyadong malabo ang pangkat dahil maaari itong tumukoy sa "category", "section", atbp. Mas malinaw ang kategorya. --Sky Harbor 02:44, 27 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Kategorya na lang, masyadong maraming ibig sabihin ang "pangkat"--Lenticel (usapan) 09:07, 29 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
Wikifilipino
baguhinGrabe ang Wikifilipino ng Wikipilipinas, ang salin ba naman sa "User:" na ngalan-espasyo ay "Tao:"! -- Felipe Aira 11:31, 26 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Sa aking pagkakaalam, Filipino na ang tawag sa ating salita ngayon at hindi na Tagalog. Hindi ba natin ito mapapalitan ng Filipino. Halimbawa, sa e-mail address na tl.wikipedia.org, hindi ba dapat ay fi.wikipedia.org, o kaya'y fl.wikipedia.org. (^^,) Celester Mejia 15:45 25 Enero 2008 {UTC}
- Una ang Filipino ay hindi isang modernong katawagan sa Tagalog, pero Tagalog ay kapareho ng wikang Pilipino, ito ay dalawang magkaibang wika, hindi diyalekto. Ang Filipino ay hindi isang diyalekto ng Tagalog, at ang Tagalog ay hindi isang diyalekto ng Filipino. Nagkakaiba ang dalawa sa sumusunod:
- Ang Filipino ay gawantao, ginawa ng Komisyonng Pansaligang Batas.
- Mas malawak ang bokubularyong Filipino. Ito ay dahil halos lahat ng salitang banyagang maiisip ay isinama ng Komisyon sa Wikang Filipino sa bokubularyo nito, iniba lamang ang baybay.
- Ang alpabetong Filipino ay isang binagong bersyon ng sa Ingles, ang sa Tagalog ay abakada.
- Kaya sa Filipino maaari ang pangungusap na:
“ | Ang aking titser sa iskul ay nagbigay ng isang asaynment na kailangang isulat sa aking nowtbuk habang ako ay nasa laybrari. Inanawns naman ng prinsipal ang kanyang anawnsment ukol sa literatura. Ang pangalan ng aming iskul ay ABD (basa: /ey-bi-di/). | ” |
- Kung Tagalog ang pangungusap na iyon dapat ay:
“ | Ang aking guro sa paaralan ay nagbigay ng isang takdang-araling kailangang isulat sa aking kuwaderno habang ako ay nasa silid-aklatan. Ipinahayag naman ng punong guro ang kanyang pahayag ukol sa panitikan. Ang pangalan ng aming paaralan ay ABD (basa: /a-ba-da/). | ” |
- Silipin mo na lamang ang Wikipedia:Filipino o Tagalog?. -- Felipe Aira 07:59, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Marahil nga ay nagkamali ako. Nagtataka lamang ako dahil ginamit ng aking kaklase ang Tagalog Wikipedia sa kanyang defense sa aming asignatura sa Filipino. Kanyang ipinahayag na nararapat lamang na tawagin ito na Filipino Wikipedia sa halip na Tagalog Wikipedia. Salamat at may maaari na akong maipanglaban sa aming depensa at debate. ^^, Celester Mejia 18:16 25 Enero 25 2008 (UTC)
- Actually, dapat http://fil.wikipedia.org (3-letrang ISO 639 language code para sa Filipino). Sinubukan na palitan ang Wikipedia Tagalog sa Filipino, ngunit bigo. Sinubukan rin na magkaroon ng hiwalay na proyekto na Wikipedia Filipino pero bigo pa rin. Pinagdebatihan na iyan sa meta at sa en:Wikipedia:Tambayan Philippines, ngunit walang naabot na mabungang usapan o konsenso. --Jojit (usapan) 10:30, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Silipin dito ang nagbabagang talakayan (hehe)--Lenticel (usapan) 12:27, 25 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
May hapunang gagawin mamayang 6:30 n.g. ang Filipiniana.net at WikiPilipinas sa Annabelle's Restaurant sa Tomas Morato, Lungsod Quezon. Inimbita nila ang mga eksperto sa wika, ang KWF, mga taga-UP, at Sangfil. Ipapakita nila ang Wikifilipino (malamang ang WikiPilipinas na edisyon sa Filipino) at hihingi sila nga mga kaalaman tungkol sa mekanismo ng Filipino. Gusto kong pumunta kaso hindi kakayanin ng oras ko. Kailangang may 'di bababa sa isa sa atin ang makapunta doon. Paumanhin sa maikling abiso. Kung may makakapunta, i-text ako sa +63-917-8140325 para masabihan ko ang Filipiniana.net. --seav 02:45, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Malamang hindi rin ako makapunta. Mukhang magandang balita iyan sa mga taong gustong magkaroon ng proyektong Filipino encyclopedia. Hindi na nila gagambalain ang Wikimedia na magkaroon ng Filipino Wikipedia. ;) Pero kung hip 'n free pa rin iyan, baka hindi matuwa ang mga seryosong manunulat. --Jojit (usapan) 05:56, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Uy. Mayroon na! http://fil.wikipilipinas.org/ --Jojit (usapan) 06:50, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]
- Sa totoo lang, hindi yung Wikifilipino ang pakay ko dito. Ito ay yung puwedeng makausap natin ang mga taga-KWF at iba pang mga bihasa sa wika para sa ating mga pagtatalo tungkol sa Filipino at Tagalog. --seav 08:27, 31 Enero 2008 (UTC)[sumagot]