Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Hulyo 1

  • Pinaratangan ni Samir Sumaidaie, ang embahador ng Iraq para sa mga Nagkakaisang Bansa, ang mga Marino ng Estados Unidos sa "walang-habag na pagpatay" sa kanyang 21 gulang na pinsan nang sinalakay ang kanyang bahay sa lalawigan ng Al Anbar noong Hunyo 25. (Reuters)
  • Pagkatapos ng publikong pahayag ng pangulo ng demoninasyon sa bisperas ng pangyayari, sinimulan ng Kongregasyonalistang Nagkaisang Iglesia ni Cristo ang kanilang limang araw na Pangkalahatang Sinido 25 sa Atlanta, Georgia upang pagtalunan ang ilang kontrobersiyal na resolusyon, kasama dito ang kasalan ng magkaparehong kasarian. Nababahala ang ilan tungkol sa pagkakahati-hati sa demoninasyon. (DailyBulletin.com) (Chicago Tribune) (Christian Science Monitor) (Washington Times) (UCC web page) (UCC news blog)
  • Hinuli ng pulisya sa Indonesia ang 24 na tao na pinaghihinalaang may kinalaman sa pagbobomba sa Bali, Indonesia noong 2002 at ng paglusob sa Marriott Hotel sa Jakarta noong 2003. (BBC)
  • Ipinahayag ng Hukom ng Korte Suprema ng Estados Unidos na si Sandra Day O'Connor ang kanyang pagreretiro pagkaraan ng 24 taong paglilingkod sa hukuman. (Wikinews) (NYTimes.com)
  • Nanungkulan ang Reino Unido sa pag-ikot ng panguluhan ng Unyong Europeo sa gitna ng krisis sa pagpopondo. (BBC News)
  • Umupo na ang mga kasapi ng Senadong Australyano na nahalal noong halalan ng 2004. Binigyan nito ang pamahalaan ni John Howard ng kapangyarihan sa dalawang Kapulungan ng Parlamento, ang unang pagkakataon na ang isang pamahalaan ay nagkaroon ng ganitong kapangyarihan mula 1981. (ABC News Online)
  • Malaking bahagi ng pamahaalaan ng Minnesota ang nagsara nang nabigong ipasa ng lehislatura ng estado ang badyet sa pagtatapos ng taong piskal. (Wikinews) (Bloomberg)
  • Sa Reino Unido, tumestigo si Sir Roy Meadow, dalubhasa sa SIDS, sa pagdinig ng Pangkalahatang Konseho Pangmedisina. Kasangkot siya sa apat na kaso sa hukuman kung saan apat na babae ang maling naparatangan ng pagpatay sa kanilang mga anak. Ipinagtanggol siya ng pahayagang The Lancet na nagsasabing siya ay isa lang "sangkalan". (BBC) (Scotsman)
  • Sa Demokratikong Republika ng Congo, hindi bababa sa 10 tao ang namatay sa protesta sa pagkaantala ng halalang pampangulo. Ipinahayag ng oposisyon na mas malapit sa 42 ang bilang. (Wikinews) (BBC)
  • Sa Alemanya, nagpasa ang Bundestag ng mosyon ng walang kumpiyansa sa pamahalaan ni Kansilyer Gerhard Schröder. Ang boto, sa panggigiit ni Schröder, ay magbubukas ng daan para sa bagong halalan na gaganapin sa Setyembre 18. (Wikinews) (Deutsche Welle) (IHT) (BBC)
  • Natuklasan ng mga pulis Italyano sa Genoa ang isang katulad na puwersa ng pulis, na tinawag na Departamento ng Estratehikong Pag-aaral sa Kontra-terorismo, na tila naitatag upang makinabang mula sa pagpopondo pagkatapos ng pagbobomba sa Madrid noong 2004. Nakasara ngayon ang websayt ng pangkat. (Google cache) (AKI) (AGI) (BBC)
  • Nailagay sa kasaysayan ang isang moske sa Toronto nang naging punong-abala ito ng unang kilalang Muslim na serbisyong panalangin sa kasaysayan na pinangunahan ng isang babae. (CBC)
  • Ipinahayag ng General Motors Corp. na ang Hunyo 2005 ang kanilang pinakamagandang buwan sa loob ng 19 na taon, na tumaas ng 41% ang kanilang kabuuang bilang ng pagpapadala kung ihahambing sa Hunyo 2004. (GM website)
  • Ang salaping umiiral ng Romania, ang leu, ay muling binigyan halaga. Ang lumang 10,000 lei ay naging 1 new leu. Kaya, ang kodigong ISO 4212 nito ay napalitan mula ROL (leu ng Romani) na naging RON (Bagong leu ng Romania).