Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 2
- Nanalo ang Mehiko sa Kampeonato ng mga Kalalakihan sa FIFA U-17 sa Lima, Peru, na tinalo ang Brazil sa iskor na 3-0 (Notimex)
- Nililikas ang mga nasugatang biktima ng pagbobomba sa Bali, Indonesia ng 2005 sa mga pasilidad medikal sa Australya at Singapore. Gumawa ng aksyon ang pamahalaan ng Australya upang tulungan ang Indonesia sa pagtugon nito, na pinadala ang mga opisyal ng Pulisyang Pederal ng Austraya at mga eksperto sa porense upang tumulong sa mga imbestigasyon. (ABC)
- Naglabas ang Sandatahang Uganda ng mga sundalo sa Kanlurang Nilo sa paghahanda para sa pakikipaglaban sa Lord's Resistance Army sa hangganan ng Demokratikong Republika ng Congo. (allAfrica)
- Natuklasan ng mga astronomo ang Eris, na tinutukoy bilang "ang ikasampung planeta" ng NASA at ilang midya, na inihayag na isang buwan, ang Dysnomia. (CNN)