Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 23

  • Inimungkahi ng pinuno ng El Shaddai na si Mike Velarde at ng mga dating miyembro ng gabinete (tinatawag na Hyatt 10) ni Pangulong Arroyo ang isang snap elections o madaliang eleksyon upang malutas ang kasalukuyang krisis pampolitika sa Pilipinas. (inq7.net)
  • Ginawang mga santo ni Papa Benito XVI ang limang Katoliko kabilang si Alberto Hurtado, isang Heswitang paring taga-Chile. (Catholic World News)
  • Ginanap ngayon ang ikalawang yugto ng Pampangulong Halalan sa Polako sa pagitan ng mga konserbatibong kandidatong sina Lech Kaczyński at Donald Tusk. Sang-ayon sa mga exit poll na ginawa ng mga Polakong himpilan ng telebisyon, si Kaczyński ang nanalo. (Bloomberg) (AFP)