Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 24
- Si Rosa Parks, na nakilala sa pagtanggi niya noong 1955 na umalis sa kanyang upuan sa bus para sa isang puting lalaki sa Montgomery, Alabama na nagdulot sa boykot ng bus at pagsisimula ng makabagong kilusang pangkarapatang sibil sa Estados Unidos, ay namatay sa gulang na 92. Ang nakatanggap ng Pampangulong Medalya ng Kalayaan ay nalamang mayroon demensiya. Sabi sa ulat na namatay siya sa kanyang tahanan sa Detroit dahil sa likas na kadahilanan. (Bloomberg) (ClickOnDetroit.com).
- Namatay sa atake sa puso si José Azcona del Hoyo, dating Pangulo ng Honduras, 1986-1990, sa Tegucigalpa sa gulang na 78. (Reuters)
- Sang-ayon sa Komisyon ng Karapatang Pantao ng Pilipinas na walang legal na batayan ang pagbabawal ng pamahalaang Arroyo sa pag-rally o pagtipon ng maramihan sa Mendiola, Maynila. (inq7.net)