Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2006 Abril 11
- Pinili ang lungsod ng Essen, Alemanya ng mga hurado ng Unyong Europeo bilang ang Europeong Kapital ng Kultura ng 2010. (Deutsche Welle)
- Tinatayang 47 ang patay at higit sa 80 ang nasugatan sa pagsabog ng bomba sa isang relihiyosong pagtitipon ng mga Sunning Muslim sa Karachi, Pakistan. (BBC)
- Sa Pilipinas, binawi ng Malakanyang ang pagpapalabas ng anim na mga artista na magiging mga Pambansang Alagad ng Sining, kabilang dito ang yumaong aktor-direktor na si Fernando Poe, Jr. (inq7.net)
- Nahuli si Bernardo Provenzano, ang pinuno o boss ng Mafia na Sisilyano (capo di tutti i capi), sa bayan ng Corleone. (BBC)