Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Enero 31
- Kinompirma na ng Nagkakaisang mga Bansa nitong Biyernes na magkakaroon ng apat na araw na pagbisita ang isang espesyal na enboy sa Myanmar bilang tugon sa imbitasyon ng pamahalaan doon para paigtingin ang panawagan sa rekonsilyasyon. (PDI)
- Sinabi ni Pangulong Lee Myung-bak ng Timog Korea na mali ang pahayag ng Hilagang Korea na ang mga polisiya ng pamahalaan ng una ay nagtutulak sa pagkakaroon ng armadong kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa. (PhilStar)
- Nangako ang ilang matataas na opisyal sa Palawan na gagawa sila ng mga hakbangin upang isulong sa Kapulungan ng mga Kinatawan na mapasama ang Kapuluan ng Kalayaan sa teritoryo ng Pilipinas. (PDI)