Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Nobyembre 20
- Haka-hakang handa ang Timog Korea na makipag-usap muli ukol sa Kasunduan sa Malayang Kalakalan sa pagitan nila at ng Estados Unidos pinanamlay ng ilang opisyal ng una. (BBC)(Chosun)
- Limang katao patay anim pa sugatan sa pamamaril ng isang lalaki sa isla ng Saipan sa hilagang bahagi ng Kapuluang Mariana. (CNN)(PhilStar)
- Mga pinuno ng bansang Tsina, Pransiya, Rusya, Nagkakaisang Kaharian, Estados Unidos at Alemanya nagpulong ukol sa usaping Nukleyar ng bansang Iran. (AP)(Voice of America)
- Pinangtanggol ni Catherine Ashton, ang bagong hirang na pinuno ng Patakarang Panlabas ng Unyong Europeo, ang kanyang sarili laban sa alegasyon kulang siya sa eksperyensiya para sa nasabing posisyon. (AFP)(BBC)(Reuters)
- Ipinahayag ng Somalia ang plano nitong pagtibayin na ang Konbensiyon sa mga Karapatan ng mga Bata ng Nagkakaisang mga Bansa na nag-iwan sa Estados Unidos na siya na lang hindi nagpapatibay rito. (BBC)(Reuters)