Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2009 Oktubre 27
- Tinanggihan ng Pangulo ng Apganistan na si Hamid Karzai ang panawagan ng karibal na kandidato na si Abdullah Abdullah na parusahan ang tagapangulo ng Komisyon sa halalan ng nasabing bansa.(BBC)
- Natapos na ang usapan sa pagitan ng Punong ministro na si Morgan Tsvangirai at Pangulo na si Robert Mugabe ng Zimbabwe ng walang naging malinaw na kasunduan ukol sa paghahati ng kapangyarihan doon.(BBC)
- Itinalaga ni Papa Benedicto XVI si Kardinal Pedro Turkson ng Cape Coast, Ghana upang maglingkod bilang bagong pinuno ng Pontipikong Konseho para sa Katarungan at Kapayapaan.(Pakistan Christian TV)