Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Enero 24
- Resulta ng Lindol sa Hayti noong 2010:
- Haiti nuling niyanig ng lindol. (CBC News) (RTÉ) (TVNZ)
- Pamahalaan ng Hayti inanunsiyo na umabot na sa 150, 000 ang bilang ng namatay sa nakaraang lindol sa kabiserang Port-au-Prince pa lang. (BBC)
- Isa patay at tatlo pa ang sugatan sa pagsabog malapit sa isang planta ng kuryente sa malapit sa Gryfino, Polonya. (Ynetnews) (The Irish Times)
- Mga ministro ng kapaligiran mula sa G4 bloc nagpulong sa New Delhi, Indiya, para magkasundo sa posisyon bago pa ang usapan sa pagbabago ng klima. (AFP) (The Daily Star)
- Anim na telibisyon de kable ipinasara ng pamahalaan ng Beneswela, kasama na ang RCTV, matapos silang tumanggi isahimpapawid ang mga mensahe ng pamahalaan. (BBC) (The New York Times)
- Osama Bin Laden inako ang responsibilidad sa nabigong pambobomba noong pasko sa Detroit, USA, noong nakaraang taon. (BBC) (The New York Times) (VOA)
- Nalalapit na halalan para sa parlamento sa Apganistan ipinagpaliban sa 18 Setyembre dahil sa kakulangan ng pondo at dahil na rin sa isyu ng seguridad. (The Guardian) (The New York Times)
- Hilagang Korea sinabing ang pagtatangka nang Timog Korea na maglunsad ng pag-atake sa kanilang mga pasilidad na nukleyar ay itinuturing nilang deklarasyon ng digmaan. (Yonhap) (BBC) (The New York Times)