Lindol sa Haiti noong 2010

(Idinirekta mula sa Lindol sa Hayti noong 2010)
Lindol sa Haiti noong 2010
Petsa 21:53:09, 12 Enero 2010 (UTC) (2010-01-12T21:53:09Z)
Kalakhan 7.0 Mw
Lalim 6.2 milya (10.0 km)
Sentro nang lindol 18°27′05″N 72°26′43″W / 18.4514°N 72.4452°W / 18.4514; -72.4452
Mga bansa/
rehiyong apektado
 Haiti
 Dominican Republic
 Cuba
 Jamaica
Pinakamataas na kasasalan MM X[1]
Tsunami Oo [2]
Aftershocks 5.9, 5.5
Nasawi Nasa pagitan ng 100,000 at 316,000[2][3]
Wikinews
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:

Ang Lindol sa Haiti noong 2010 ay isang lindol na nagtala ng 7.0 sa Eskalang sismolohikong Richter na tumama may 10 milya (16 km) mula sa Port-au-Prince, Haiti sa ganap na 04:53:09 PM (sa episentro) noong Martes 12 Enero 2010.[2] Ang lindol ay nagunita sa lalim ng 6.2 milya (10.0 km). Nakapagtala ang Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos ng ilang serye ng mga aftershock, sampu sa mga ito ang mataas sa 5.0 na kalakhan,[4] kasama na ang isang 5.9 at 5.5.

Karamihan sa mga pangunahing palatandaan sa Port-au-Prince ang nasira ng lindol, kasama na ang Pambansang Palasyo ng Pangulo ng Haiti, ang gusali ng Pambansang Asambleya, ang Katedral ng Port-au-Prince at hindi bababa sa isang ospital.[5][6] Iniulat ng Nagkakaisang mga Bansa na ang punong tanggapan ng Misyong Pagpapapanatag ng Nagkakaisang mga Bansa sa Haiti, na matatagpuan sa kabisera, ay napinsala ng grabe at marami sa mga empleyado ang hindi makita.[7]

Detalye ng lindol

baguhin
 
USGS intensity map

Naganap ang lindol noong 12 Enero 2010, tinatayang 10 milya (16 km) WSW mula sa Port-au-Prince sa lalim na 6.2 milya (10.0 km) sa ganap na 16:53 UTC-5.[2] Strong shaking with MM VII was recorded in Port-au-Prince.[8] It was also felt in Cuba (MM III in Guantánamo), Jamaica (MM II in Kingston), Venezuela (MM II in Caracas), and the bordering country of Dominican Republic (MM III in Santo Domingo).[9]

Naitala ng Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos ang hindi bababa sa anim na aftershock sa loob ng dalawang oras matapos ang pagyanig. Nasukat nila na nasa 5.9,[10] 5.5,[11] 5.1,[12] 4.8,[13] 4.5,[14] and 4.5.[15]

Ayon sa isang kasapi ng Heolohikal na Pagsisiyasat ng EU, base sa lakas at lokasyon ng pagyanig, umaabot sa tatlong milyong tao ang naapektuhan. Dagdag pa rito, dahil nangyari ang pagyanig sa ilalim ng lupa imbes na sa tubig, ang mga istruktura at mga tao sa ibabaw ay direktang naapektuhan ng pagyanig, lalo na't mababaw lamang ang fault.[16]

Ayon sa mga ulat ng balita, ang huling lindol na tumama sa Haiti na ganito kalakas ay noon pang 1751.[17]

Agad na nagpalabas ng babala ang Sentro ng Babala sa Tsunami sa Pasipiko sa tsunami matapos ang pagyanig,[18] subalit agad rin naman itong binawi ilang oras ang makalipas.[19]

Resulta

baguhin
 
Gumuho ang Palasyo ng Pangulo ng Haiti sa kasagsagan ng lindol.

Ayon sa isang mamamahayag ng telibisyon sa Haiti, ang "Haitipal", ang mga gusali ng Pambansang Palasyo, ministeryo ng pananalapi, ministeryo ng pagawaing bayan, ministeryo ng komunikasyon at kultura, ang Palasyon ng Katarungan, ang Superior Normal School, ang Parlamento, at ang Katedral ng Port-au-Prince ay gumuho.[20][21] Dagdag pa rito, naiulat na isang ospital ang gumuho.[18] Malubha ring nasira ang komunikasyon, kung saan sinabi ng isang dimplomat ng Haiti, "Imposible talaga ang komunikasyon ... Sinusubukan kong tawagan ang aking miniteryo pero hindi ko magawa."[18] Isa ospital rin sa Pétionville, kalapit-bayan ng Port-au-Prince, ang gumuho dahil sa lindol.[22] Ilang mga gusali ng pamahalaan ang gumuho at ang gusali ng punong himpilan ng grupong pangkapayapaan ng Nagkakaisang mga Bansa ay naiulat na malubhang napinsala. Subalit isang opisyal ng UN ang nagsabi sa CNN na ang punong himpilan ay gumuho.[23][24]

Iniulat ng CNN na maraming alikabok ang lumabas matapos ang paglindol sa Port-au-Prince. Tinatayang galing sa mga gusaling kongreto ang mga alikabok na walang rebar o iba pang suporta. Pinangangambahang marami sa mga gusaling iyon ang gumuho.[25]

Ayon sa mga naunang ulat libo-libo ang pinangangambahang namatay.[26] Ang mga ulat tulad ng bilang ng namatay at mga napinsalang gusali ay inaasahang sa Miyerkules pa ng umaga matatanggap dahil na rin sa probleman ng komunikasyon dulot ng lindol.[kailangan ng sanggunian]

Internasyunal na tulong

baguhin

Umapela para sa internasyunal na tulong ang embahador ng Haiti sa Estados Unidos na si Raymond Joseph gayundin ang kanyang pamangkin at mang-aawit na si Wyclef Jean,[27] na siya din ang "roving ambassador" para sa Haiti.[28]

Pagkatapos ng lindol, agad na sinabi ni Hillary Clinton, Kalihim ng Estados Unidos na magbibigay ng tulong at makataong tulong sa Haiti.[29]

Magpapadala ang USAID ng grupong tutulong sa Haiti. Ipapadala rin ang Fairfax County (Va.) Urban Search and Rescue Team at ang Los Angeles County Search and Rescue Team para makatulong.[30][31]

Sinabi ni Lawrence Cannon, ministrong panlabas ng Kanada na maaaring magpadala ang Kanada ng grupo ng DART.[32]

Nagpadala nang grupo ang Turkish Red Crescent sa rehiyon.[33]

Magbibigay rin ang HAM (Amateur) Radio Operators ng tulong para sa kalamidad.[34]

Kasaysayan

baguhin

Ang Haiti ay isang mahirap na bansa, ika-149 sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao.[35] May pag-aalala tungkol kakayanan ng emergency services' na makayanan ang mga sakuna,[36] at ang bansa ay itinuturing na "mahina ang ekonomiya" ng Food and Agriculture Organization.[37]

Tingnan rin

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://earthquake.usgs.gov/earthquakes/pager/events/us/2010rja6/index.html
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "USGS Magnitude 7.0 - HAITI REGION". Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2010. Nakuha noong 13 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. [1] Naka-arkibo 30 January 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine. Columbia Journalism Review, "Two Years Later, Haitian Earthquake Death Toll in Dispute", 20 Enero 2012
  4. Earthquake Center, USGS. "Latest Earthquakes M5.0+ in the World – Past 7 days". Earthquake Hazards Program. United States Geological Survery. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Disyembre 2010. Nakuha noong 13 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Fournier, Keith (2010-01-13). "Devastating 7.0 Earthquake Hammers Beleagured Island Nation of Haiti". Catholic Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-11. Nakuha noong 2010-01-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Quake 'levels Haiti presidential palace'". Sydney Morning Herald. 2010-01-13. Nakuha noong 2010-01-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Statement from the Under-Secretary-General for Peacekeeping Operations Alain Le Roy". United Nations. 2010-01-13. Nakuha noong 2010-01-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "PAGER – M 7.0 – HAITI REGION", Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos, January, 12 2010.
  9. "Magnitude 7.0 – HAITI REGION USGS Community Internet Intensity Map", Heolohikal na Pagsisiyasat ng Estados Unidos, 12 January 2010.
  10. "Magnitude 5.9 – HAITI REGION". 2010-01-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-15. Nakuha noong 2010-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Magnitude 5.5 – HAITI REGION". 2010-01-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-15. Nakuha noong 2010-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Magnitude 5.1 – HAITI REGION". 2010-01-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-15. Nakuha noong 2010-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Magnitude 4.8 – HAITI REGION". 2010-01-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-15. Nakuha noong 2010-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Magnitude 4.5 – HAITI REGION". 2010-01-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-16. Nakuha noong 2010-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Magnitude 4.5 – HAITI REGION". 2010-01-12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-16. Nakuha noong 2010-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Haiti earthquake feared to have killed many". BBC. 13 Enero 2010. Nakuha noong 13 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Romero, Simon; Robbins, Liz (12 Enero 2010). "Quake Rocks Haiti, Causing Widespread Damage". The New York Times. Nakuha noong 13 Enero 2010. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 18.2 Katz, Jonathan M. (12 Enero 2010). "Many casualties expected after big quake in Haiti". Atlanta Journal-Constitution. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2021. Nakuha noong 12 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Tsunami Message Number 3". NOAA. Nakuha noong 12 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-24. Nakuha noong 2010-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Haitian palace collapses" Naka-arkibo 2012-09-11 at Archive.is. The Straits Times. 13 January 2010.
  22. "Haitian Earthquake Causes Hospital Collapse". The New York Times. 12 Enero 2010. Nakuha noong 12 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  23. Ling, Philip; Allison Cross; Jorge Berrera (12 Enero 2010). "Canada ready to help Haiti: PM". CanWest News Service. canada.com. Nakuha noong 13 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)[patay na link]
  24. Foreign Staff, The Times (13 Enero 2010). "Thousands feared dead as huge earthquake destroys Haiti presidential palace". The Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hunyo 2011. Nakuha noong 13 Enero 2010. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. http://edition.cnn.com/2010/WORLD/americas/01/12/haiti.earthquake/index.html Naka-arkibo 2023-12-03 sa Wayback Machine. news about the earthquake on CNN
  26. "Haiti earthquake: thousands feared dead". The Daily Telegraph. 13 Enero 2010. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Appeals for aid after quake strikes Haiti", CNN (13 January 2010), retrieved 13 January 2010.
  28. http://www.msnbc.msn.com/id/16459449/
  29. "Clinton says U.S. pledges quake help for Haiti". Reuters. 2010-01-12. Nakuha noong 2010-01-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "US sending rescue teams to Haiti after big quake". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-14. Nakuha noong 2010-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. USAID Responds Immediately to Haiti Earthquake
  32. Associated Press; Global and Mail update (12 Enero 2010). "Strong quake strikes Haiti, leaves disaster in its wake". The Globe and Mail. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Mayo 2012. Nakuha noong 13 Enero 2010. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong); Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. http://www.hurriyet.com.tr/dunya/13460958.asp?gid=229
  34. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-17. Nakuha noong 2010-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Human Development Report 2009 Haiti" Naka-arkibo 2009-12-14 sa Wayback Machine., United Nations Development Programme, retrieved 13 January 2010.
  36. "Travel Advice – Haiti" Naka-arkibo 2009-10-29 sa Wayback Machine., Smartraveller: The Australian Government's travel advisory and consular assistance service, retrieved 13 January 2010.
  37. Renois, Clarens (12 Enero 2010). "Fears of major catastrophe as 7.0 quake rocks Haiti". Agence France-Presse. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Enero 2010. Nakuha noong 13 Enero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)