Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 12
- Ogaden National Liberation Front (ONLF) sinabing nakapatay ng 71 sibilyan ang pamahalaan ng Etiyopiya sa mga operasyon ng militar noong nakaraang buwan. (Aljazeera) (AFP) (Reuters Africa)
- Krisis sa Kyrgyzstan noong 2010:
- Roza Otunbayeva, pansamantalang pangulo ng Kyrgyzstan, nanawagan sa Rusya na magpadala ng tropa para mapapayapa ang mga kaguluhan sa lungsod ng Osh sa timog ng bansa. (AP via Lethbridge Herald) (The Guardian) (Sky News)
- Rusya tumangging magpadala ng tropa. (AP) (Xinhua)
- Pansamantalang pamahalaan ng Kyrgyzstan nagbigay ng shoot-to-kill na kapangyarihan sa mga pwersa ng seguridad. (BBC) (Arab News)
- Iran:
- Unang taong anibersaryo ng pinagtatalunang pangpanguluhang halalan, na nagpanatili kay Mahmoud Ahmadinejad, nagdaan ng may kaayusan matapos ikansela ng oposisyon ang mga pagkilos sa takot na maaresto ng mga awtoridad. (Jerusalem Post) (AP) (Aljazeera)
- Lider ng oposisyon, Mir Hossein Mousavi, kinansela ang planong pagkilos sa mga kalsada bilang protesta sa paggunita ng halalan noong 2009 at idinahilan ang kaguluhan, subalit nangakong ipagpapatuloy pa rin ang paglaban. (Jerusalem Post)
- Kaguluhan naganap sa Tehran matapos magprotesta ang ilang demonstrador at ilang dosena nakulong ng pwersa ng seguridad. (Ynetnews) (Los Angeles Times)
- Polonya ikinulong ang isang pinaghahanap na lalaki na hinihinalang ang espiyang Mossad mula sa Israel na gumamit ng pasaporte ng Alemanya sa pagpatay kay Mahmoud al-Mabhouh, Alemanya hinahangad ang pagpapauwi sa lalaki. (Jerusalem Post) (Aljazeera) (BBC) (Press TV) (Reuters Canada)
- Gurong pumatay sa labing-anim na mag-aaral at isa pang guro sa pananaksak sa Timog Tsina noong Abril nasentensyahan ng kamatayan. (Shanghai Daily)
- Unyong Europeo nangako ng €500 milyon tungo sa salaping gugulin ng Kenya para sa taong 2010-2011, ang pinakamalaking ekonomiya sa Silangang Aprika. (Reuters Africa)
- Punong Ministro ng UK David Cameron at Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos pinag-usapan ang pagtagas ng langis sa Amerika sa pamamagitan ng telepono. (Aljazeera) (Reuters Africa)